Chapter 2 - That Girl

791 12 1
                                    

Chapter 2

Kasalukuyang busy sila Zoila, John Rae at Vincent na nagkukumpulan sa desk ni Laida. Habang kasalukuyang inaayos ni Laida yung desk nya.

"Neng, kaya ka pumasok dito dahil may gusto ka kay Sir Miggy?" tanong ni Zoila ng makita nyang nilagay ni Laida ang isang picture frame na may picture nilang dalawa ni Miggy na magkasama.

"Alam mo ba kung anong pinasok mo?" sabi ni Vincent.

"Alam mo bang impyerno to? At yun! Yun yung demonyo." sabi naman ni John Rae habang tinuturo yung pinto ng office ni Miggy.

"Grabe naman kayo. May good side naman si Sir Miggy." sabi ni Laida habang nakatitig dun sa picture frame.

"Neng, baliw ka na. Hindi lang demonyo yang si Sir Miggy, womanizer yan. Kaya mag-iingat ka." sabi ni Zoila.

"Womanizer?" nagtatakang tanong ni Laida. Naalis yung tingin nya sa picture frame at tinignan yung mukha ni Zoila para malaman kung nagsasabi ba ng totoo si Zoila.

"Oo Laida, womanizer yun. Pero sa pagkakaalam ko hindi pa nagkakagirlfriend yang si Sir Miggy eh." sabi naman ni John Rae, ng biglang dumating si Violi.

"Pinaguusapan nyo nanaman si Sir Miggy, marinig kayo nun, anlapit lang ng desk ni Laida oh!" sabi ni Violi.

Totoo naman, yung desk lang ng Financial Assistant ang namamagitan sa pinto ng office ni Miggy sa desk ni Laida.

"Kayo talaga! Bago lang si Laida kung ano-ano ng sinasabi nyo kay Sir Miggy." sabi ni Violi.

"Eh nagsasabi lang kami ng totoo. Hinahanda lang namin si Laida sa bagyong paparating." sabi ni John Rae.

"Bahala kayo basta ingatan nyo na lang na wag kayong marinig ni Sir Miggy." sabi ni Violi. Tapos ay umalis na ito at bumalik sa desk nya.

"Financial Analyst ka pa." sabi ni Zoila.

"Ano naman ngayon?" sabi ni Laida.

"Lagi kayong may one-on-one moment ni Sir Miggy." sabi Vincent.

"Edi masaya." sabi ni Laida.

"Baliw ka talaga. Bahala ka dyan. Good luck sa kanya neng." sabi ni Zoila tapos umalis na at umupo sa desk nito.

Bumalik na sa sila mga desk nilang tatlo.

***

Tapos ng gawin ni Miggy yung presentation nya, Tinulungan siya ni Laida. Magandang team up ang nabuo sa kanilang dalawa, kasi kahit lagi nyang nasisigawan si Laida, hindi pa rin ito agad umaalis. Kapag sinabihan niya ito umalis, lalabas muna ito at ipagtitimpla siya ng kape na may sticky note. Kagaya na lamang nung isang araw na may sticky note na 'You can do it' . 

Natigil ang pagtitig nya sa screen ng laptop nya ng mag ring ang cellphone nito.

Ng tignan nya kung sino ang tumatawag, ay agad nya itong sinagot.

"Yes Kuya Art?" sabi ni Miggy.

"I-reremind ko lang, yung presentation mo sa board sa Friday. Monday na ngayon." sabi ni Art.

"Ah yes kuya, everything is all set." proud na sabi naman ni Miggy.

"I heard may newly hired ka dyan sa department mo." sabi naman ni Art.

"Ah yes kuya, I have here my new Financial Analyst. Luckily she is UP graduate." sabi naman ni Miggy.

"Good for you, good for you. Since she is your financial analyst, I want you to bring her in our board meeting." sabi ni Art.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon