Chapter 25 - New York, New World

485 13 1
                                    

Chapter 25

It’s already morning ng magising si Laida, wala na siyang jet lag. At ito rin ang first day nya para pumasok sa trabaho.

Agad siyang pumasok sa banyo at naligo para maghanda sa kanyang first day at work.

Wala naman siyang kaalam-alam na nakapasok na ng bahay nila si Miggy para silipin siya. Pero wala itong balak magpakita. Kaya ng makita siya nito na pumasok na ng banyo, agad na rin itong umalis.

I want you to give space and time to think. Alam ko naman na nasaktan kita eh, saka na lang ako magpapakita sayo kapag ready ka na ulit na makita ako. Inside thought ni Miggy.

Pagkalabas ni Laida, namili na siya ng damit na susuotin nya.

Pagkatapos ng breakfast ay tumuloy na ito sa office.

***

“Anong balak mo? Buong araw sundan ang asawa mo?” sabi ni Kevin. Magkausap kasi sila sa telepono at kasalukuyang nasa coffee shop si Miggy malapit sa building ng company nila doon.

“Mukhang ganun na nga.” Sabi ni Miggy.

“Kahit kailan hindi ko lubusang maisip na aabot ka sa point na ganyan.” Natatawang sabi ni Kevin.

“Bro, wala ganun talaga, iba si Laida kaya iba ang epekto nya saken.”Sabi naman ni Miggy.

“Ayusin mo yan! Buti na lang talaga pinapansin na ako ngayon ni Lally.”Sabi naman ni Kevin, simula kasi ng umalis si Laida ay galit na rin ito kay Kevin dahil sa ginawa ng kaibigan nya sa bestfriend nito.

“Ikaw talaga, umamin ka nga, may gusto ka ba kay Lally?” natatawang tanong ni Miggy.

“Hindi naman sa ganun bro. Iba kasi si Lally, siya yung tipong masayang kausap at kasama. Kaya no wonder na magkaibigan sila ni Laida eh. Palaban lang talaga tong si Lally pero halos parehas sila ng asawa mo.” Sabi ni Kevin.

“Kung magsalita ka parang tinamaan ka nga ah.” Pang-aasar ni Miggy.

“Hoy, bago mo ko asarin, ayusin mo yang sa asawa mo.” Sabi naman ni Kevin.

“Wala akong planong magpakita muna sa kanya, oobserbahan ko muna kung pano siya mamuhay dito, after a week siguro babalik na ako dyan. Diba sabi mo bigyan ko siya ng space?” sabi naman ni Miggy.

“Mabuti ng ganun. Pero sana wag mo naman patagalin.” Sabi ni Kevin.

“Ang gulo mo Kev! Sige na, magtrabaho na ulit dyan. Pag tinanong nila kung bakit wala ako, sabihin mo hinatid ko lang si Laida ha? Wag mong sasabihin na may problema kami o ano.”Sabi ni Miggy.

“Sige bro!” sabi ni Kevin.

Miggy ended the call.

***

“I would like all of you to meet our new Chief Financial Officer or CFO. She is Ms. Laida Magtalas from the Philippines. She’ll be also your new boss and she’ll directly report all of the financial updates to Monte Com Philippines.” Introduce sa kanya ng COO and Vice President ng Monte Com New York.

“We’re all glad to have you here in Monte Com New York Miss Magtalas.” Dagdag pa nito.

“I’m honored to be working with you guys. Thank you for the warm welcome. You may now go back to your work. And feel free to approach me anytime.” Sabi naman ni Laida.

Magtalas pa rin ang gamit nyang last name dahil na rin sa ayaw nya na maraming magtanong kapag Montenegro ang gamit niyang last name.

After some blah-blah-blah. Nagdecide si Laida na personally kausapin ang Financial Department, ang department na hawak niya.

“So Miss Magtalas, you’re saying that Sir Miggy personally trained you for this position?” sabi ng isa sa mga employees niya.

“Apparently, yes.” Sabi naman ni Laida.

“How was it to the both of you? I mean, don’t get me wrong miss, but I’ve heard that Sir Miggy is somehow rude to his employees. And a very quicktempered man. How did he react when the board announces that you’ll be having the same position with him here in Monte Com New York?” tanong nanaman ng isa niyang employees.

Chismosa ng department ko ah. Sa loob loob na sabi ni Laida.

“Nothing, actually Miggy and I we’re good friends. But let’s not talk about it. I just want you all to focus on your jobs and one more thing, I want to have a total cash count of debits and credits. A.S.A.P. ok?” pag-iibang topic naman ni Laida.

“Yes ma’am.” They all agreed.

“Ok now, get back to work.” Sabi ni Laida at umalis na siya sa conference room ng Finance Department.

***

Mabilis lumipas ang isang linggo.

Narealize ni Miggy, na ibang klase talaga si Laida dahil mabilis itong nakapag-adjust. At nagdecide na rin siyang umuwi ng Pilipinas.

“Iniwan mo si Laida sa New York? Akala ko ba mahal mo yung kaibigan ko?” sabi ni Lally. Magkakasama kasi silang tatlo ngayon na kumakain ng dinner sa isang restaurant. Kararating lang din ni Miggy ng Pilipinas.

“Masaya na siya dun eh. Ayoko naman guluhin siya agad. I’ll still check on her, aantayin ko na lang na bumalik siya dito sa Pilipinas kapag ready na siyang makita ako ulit.”Sabi ni Miggy.

“Binibigyan mo talaga siya ng time para sa sarili nya?” tanong naman ni Kevin.

“Yup, for the past 8 years, minahal na niya ako. Ngayon lang siya siguro mamumuhay na hindi na niya ako iniisip, na para sa sarili na lang niya. Gusto kong maranasan niya yung ganung buhay. Yung buhay na hindi na umiikot saken.” Sabi ni Miggy.

“If that’s the case anong balak mong palabasin sa board?” sabi ni Kevin.

“Na normal lang ang lahat.” Sabi ni Miggy.

“Bahala ka nga dyan Miggy.” Sabi ni Lally.

“Di ba pupunta ka rin sa New York?” tanong ni Kevin.

“Malamang, dun nakatira ang parents ko, kaya lang ako bumalik dito para kay Laida, eh since nandun na rin ang kaibigan ko. Dapat bumalik na din ako dun.” Sabi ni Lally.

“Wag mo na lang ikwento na sinundan ko siya dun ha?” sabi ni Miggy.

“Oo naman. Oh sige na mauna na ko, kailangan ko na din mag impake eh. The day after tomorrow na ang flight ko.” Sabi ni Lally.

“Iiwan mo na ko?” parang batang sabi ni Kevin.

“Drama mo Kev! Magkikita pa naman tayo. And besides hindi naman kami habang buhay dun si Laida, kapag bumalik na siya dito, babalik na rin ako. Sasamahan ko lang bestfriend ko, I know kailangang-kailangan ako nun.” Sabi ni Lally.

>>To be continued<<

Like us on Facebook

https://www.facebook.com/pages/Liana-Annika-Wattpad/254919091337013

Or simply search

LianaAnnika - Wattpad and hit LIKE 

©LianaAnnika

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon