Chapter 24 - Her Cries

600 17 5
                                    

Chapter 24

Miggy,

            Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kasi, sinubukan mo akong pakisamahan. Kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na maging part ng buhay mo hindi lang bilang financial analyst mo, but also to be your wife. Gusto ko sanang mag sorry kasi napilitan ka lang pakasalan ako, sana talaga hindi na lang ako pumayag, para hindi na tayo parehas nahirapan. I tried my best just to be a perfect wife to you, but I guess my best wasn’t enough.

            I choose to leave, to set you free. Alam kong nahihirapan ka ng pakisamahan ako, na maging mabait ka saken. Sorry kung umasa ako na mamahalin mo rin ako. Iiwan kita kasi mahal kita, siguro as soon as you read this, I’m already heading to the airport para sa US Project. Hindi kita bibiguin, hindi kita ipapahiya sa board.

            Dati umaasa pa ko na, one day, mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo. To the point na tiniis ko lahat, lahat ng mood swings mo, lahat ng pasakit mo saken, lahat-lahat. Nung pumunta tayo ng London and ng US, umasa ako, dahil sa mga pinapakita mo saken, at sa mga gabing may nangyari ulit saten. I thought, mamahalin mo rin ako. But then, nung nakita kita sa bar, flirting with other girl, at yung nakita kitang umakbay kay Coleen. Finally, naging wake up call saken na we’ll never be together. Na hindi mo ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sayo.

            Ngayong wala na ako, malaya ka na magmahal, malaya ka ng bumalik sa dati mong buhay. And tandaan mo, sa sandaling panahon na nagsama tayo, masasabi kong naging masaya ako sa mga panahong yun. Sorry and thank you. And I will always love you Miggy. Siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa’t-isa.

-Laida

Yan ang nilalaman ng sulat ni Laida. At hindi mapigilan ni Miggy na mapaiyak sa nabasa niya. Ang babaeng bukod tanging nagtiyaga sa ugali nya dati, ang babaeng hindi nagsawa at hindi siya iniwan, ngayon iniwan na siya. Iniwan siya kung kelan mahal na mahal na niya.

Without a word, agad siyang sumakay ng kotse nya at pumunta ng airport.

***

“O anak? Asan si Miggy? Hindi ka ba niya ihahatid?” nagtatakang tanong ni Tomas.

“Tay, wag nyo na po hanapin ang wala.” Sagot naman ni Laida.

“May problema ba anak?” tanong ni Baby.

“Ako na po bahala magpaliwanag sainyo mamaya. Sige na Laida, malate ka pa sa flight mo eh.” Sabi naman ni Lally.

“Bye na! Lally ikaw na bahala sa kanila ha?” sabi ni Laida at pumasok na sa airport.

“Ano bang nangyari sa dalawa? Nag-away ba yun? Naku, hindi magandang aalis si Laida na magka-away sila.” Sabi ni Baby.

Pero bago pa makasagot si Lally…

“Asan po si Laida?” tanong ni Miggy.

“What do you think you’re doing here Mr. Montenegro? Pagkatapos mong saktan ang bestfriend ko. May gana ka pang magpakita?” sabi ni Lally.

“Anong ginawa ng lalaking to sa anak ko Lally?” sabi ni Tomas.

“Tito, mabuti na pong sa kanya na lang manggaling kung anong kasalanan niya.” Sabi ni Lally.

“Anong ginawa mo? Diba sabi ko sayo wag mong sasaktan ang anak ko?” sabi ni Tomas.

“Sorry po kung nasaktan ko yung anak nyo. Hindi ko po sinasadya.” Sabi ni Miggy.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon