Chapter 26 - New Yorker

459 9 0
                                    

Chapter 26

Nagkita na si Lally at Laida.

“Hindi ba ako hinanap ni Miggy? Wala bang pinasabi?” tanong agad ni Laida.

“Ikaw! Aalis-alis ka tapos itatanong mo saken yan? Bakit di mo tawagan?” sagot naman ni Lally.

“Bahala siya. Ihanap mo na nga ako ng apartment. Ayoko na tumira dito.” Sabi ni Laida referring sa rest house nila ni Miggy.

“Rent? Why don’t you loan a condo na lang. Much better yun kesa mag rent ka. At least yun, mas ok pa na ang CFO ng Monte Com New York may sariling pad kesa naman nag rerent lang sa isang apartment diba?” sabi ni Lally.

“Halika nga samahan mo ko, i-tour mo na rin ako sa mga Fashion Streets ng New York.” Sabi ni Laida.

“Ay antaray, kelan ka pa naging ganyan sis?” sabi ni Lally.

“Narealize ko lang, I should enjoy life, and besides I earn a lot more than I need. So I can really enjoy life talaga.” Sabi ni Laida.

“Sige-sige, sa bahay na namin ikaw mag dinner mamaya. Ayaw mo bang samin na lang tumira?” sabi ni Lally.

“Nakakahiya naman sa parents mo eh. Siguro kapag medyo tumagal-tagal pa ako dito, bibilhan ko na lang din ng bahay sila nanay para pwede silang magbakasyon dito.” Sabi naman ni Laida.

“Sa family mo may plano ka, pano naman yung dun sana sa pamilya nyo ni Miggy?” sabi ni Lally.

“Ayoko na pag-usapan yun. Tara na, samahan mo na ako maghanap ng pad, para na rin makalipat ako.” Sabi ni Laida.

***

“Ano bang plano mo bro? Hahayaan mo na lang talaga si Laida dun?” sabi ni Kevin.

“Ayoko na siyang pag-usapan. Kung ayaw na niya saken, siguro dapat ganun na din ako. Kailangan ko ng kalimutan ang tungkol samen.” Sabi ni Miggy.

“Bro kasal kayo.” Sabi ni Kevin.

“Ano naman ngayon? Wala namang nakakaalam nun. Ikaw lang, ang board. Pero madali lang sabihin na hindi nag work ang marriage namin kaya naghiwalay kami. Mas mabuti ng mamuhay kami bilang mga single individuals ngayon. Ayoko na rin naman guluhin pa lalo ang buhay ni Laida.” Sabi ni Miggy.

“Bahala ka.” Sabi ni Kevin.

May nagtext naman kay Miggy na ikinagulat nito.

“Shit!” yun lang ang tangi niyang nasabi.

“Anong problema bro?” tanong naman ni Kevin.

“Umalis na daw ng bahay namin dun.” Sabi ni Miggy.

“Akala ko ba you’ll live on your own lives na? Bakit affected ka?” sabi ni Kevin.

“Sabi ko nga eh. Tara bar tayo after work! Sama mo si Coleen!” sabi ni Miggy.

“You sure? Laking tuwa nun.” Sabi ni Kevin.

“Oo naman, wala namang masama kung isama natin yun. After all magkakaibigan naman talaga tayo since we we’re 4 at wala pa ata si Coleen nun.” Sabi ni Miggy.

***

After 2 years, na promote si Laida para maging CFMO or Chief Finance and Management Officer at AVP or mas kilala bilang Assistant Vice President.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon