Chapter 8 - Let's Get Married

858 16 4
                                    

Chapter 8

Sumakay sa isang helicopter sina Laida at Miggy.

Magtatanong sana si Laida pero naunahan siyang magsalita ni Miggy.

“Let’s get married today.” seryosong sabi ni Miggy.

“What? Miggy! Are you out of your mind?” gulat na tanong ni Laida, alam nyang pumayag siyang magpakasal sa binata pero hindi niya akalain na ganun kabilis ang pangyayari.

“I’m not out of my mind Laida, let’s get married today. Anong oras pa lang naman. 2pm?” sabi ni Miggy. Ineexpect ni Laida na nagbibiro lang ito pero walang bakas ng biro ang mukha nito.

“How can we possibly do that?” sabi ni Laida, gulat pa din siya sa sinabi ng binata.

Nakarating na sila ni Miggy sa isang parang garden resort. Naunang bumaba ng helicopter si Miggy at inalalayan niyang bumaba si Laida.

“Where are we Mr. Montenegro? And hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina.” mas lalong gumulo ang utak ni Laida. Dinala siya ni Miggy sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya.

“Come with me.” sabi ni Miggy at hinawakan ang kamay ni Laida, nagsimula na silang dalawa maglakad.

“Mr. Montenegro, you haven’t answered any of my questions.” sabi ni Laida, naiinis na din siya dahil hindi talaga sumasagot sa tanong si Miggy.

“We’re here in Batangas, in a private garden resort. We’ll getting married here.” tipid na sagot ni Miggy.

Patuloy lang silang naglakad hanggang sa parang natour na nila ang buong resort pero hindi pa din sila tumitigil sa paglalakad. Nadaanan na nila ang ilan sa mga cabins and villas pero tuloy pa rin sila sa paglalakad.

“Saan ba talaga tayo pupunta? Naikot na natin yung buong resort, Miggy!” pagod na si Laida kakalakad pero hindi pa din sila nakakarating.

“Malapit na.” tipid nanamang sagot ni Miggy.

Hanggang sa nakarating sila sa pinaka bonggang villa na nakita niya. And aside sa ibang villa, ito yung walang katabi, malayo ito sa ibang mga villas.

“We’re here.” sabi ni Miggy at pumasok na sila sa loob.

Speechless si Laida, pagkapasok nya ang ganda nung villa, kung gano kaganda yun sa labas, kung gaano kakaiba sa labas, ganung ganun din sa loob.

Umakyat sila sa 2nd floor ng villa at huminto sa tapat ng isang pinto.

“Laida, here’s the wedding rings, and the marriage license. Nasa ibang villas na sila daddy and yung mga kapatid ko, they’re getting ready for the wedding. Everything is all set, and yung bestfriend mo, si Lally, nandyan na sa loob, waiting for you. See you sa pavilion later. Sige na pumasok ka na.” sabi ni Miggy, nagulat naman sa Laida sa sunod sunod na pagsasalita niya, hindi na niya maexplain kung anong nararamdaman nya, natutuwa na kinakabahan, lahat na, halo-halo.

“Huy Laida? Tulala ka na dyan! Pumasok ka na, magreready na din ako.” sabi ni Miggy tapos bago siya umalis, he kissed Laida sa forehead.

Medyo natulala si Laida pero hindi na niya pinahalata kay Miggy at pumasok na siya agad sa loob ng room.

“Laida!” tawag agad ni Lally sa kaibigan ng makita itong pumasok sa kwarto.

“Lally! Totoo nga! You’re here!” sabi naman ni Laida at niyakap ang kaibigan.

“Ang haba ng hair mo ah! Teka ayusan ka na habang nagkkwentuhan tayo.” sabi naman ni Lally at lumapit na ang stylist, inayusan na si Laida.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon