Chapter 22 - Cold Night

831 16 4
                                    

Chapter 22

Parehas late ng nagising si Laida at Miggy dahil na rin sa ginawa nila last night.

“Miggy! Anong oras na! Bangon na tayo!”

“Sige mauna ka na mag shower.”

After some chu-chu moments, natapos din sila, dumaan muna sila sa mall para mamili para nga sa pamilya ni Laida tapos dumiretso na sila.

“Ate Laida! Namiss ka namin! Hi Kuya Miggy!” bungad agad ni Lion.

“Ate Laida!” bungad naman ni Stephen at Rose.

Nagmano silang dalawa sa mga magulang niya.

“Pasensya na kayo ah, namiss ka lang talaga namin Laida.” Sabi ni Baby.

“Naku ‘nay, miss na miss din po kayo ni Laida.” Sabi naman ni Miggy.

Hinampas naman agad ni Laida ang balikat ni Miggy.

“Dito ba kayo matutulog ngayon?” tanong naman ni Tomas.

“Hindi ko po alam kay Miggy, ano bang sched natin ngayon bebe ko?” sabi ni Laida.

“Ngayon wala pa naman, pero bukas na yung flight natin.” Sabi ni Miggy.

“Papuntang?” tanong nilang lahat.

“US, you’ll undergo training with me diba?” sabi ni Miggy.

“Aalis kayo ng bansa?” tanong ni Tomas.

“Magttraining lang naman ako tay for promotion ng job syempre.” Sabi ni Laida.

“Naku mag-iingat kayong dalawa ha? Miggy ikaw ng bahala sa anak namin, naku!” sabi ni Tomas.

“Opo naman, hinding hindi ko po pababayaan ang prinsesa nyo.” Sabi ni Miggy.

“Laida, samahan mo muna nga ako sa kusina, ayusin nating tong mga dala nyo.” Sabi naman ni Baby.

Tumayo naman si Laida at Baby.

“Tulungan nyo na rin ang nanay at ate nyo, Stephen, Rose at Lion.” Sabi ni Tomas.

Umalis na sila at naiwan si Miggy at Tomas.

“Miggy, saan mo ba talaga dadalhin ang anak ko? Hinala ko hindi talaga training ang ipupunta nyo bukas.” Sabi ni Tomas.

“Balak ko po siyang dalhin sa London, hindi pa po kasi kami nakakapag honeymoon eh.” Sabi ni Miggy.

“Sabi ko na nga ba, basta iingatan mo ang anak ko ah, little laida na rin kung pwede.” Biro ni Tomas na tinawanan lang ni Miggy.

***

Nakarating na sila sa London pero wala pa ring kamalay-malay si Laida na sa London nga siya dinala ni Miggy at hindi sa US. Hanggang sa napansin na lang niya sa airport.

“Miggy? Bakit parang hindi naman US to? More of a European country.”

“Tama ka hindi nga US, UK, nasa London tayo.”

“Anong ginagawa natin dito?”

“Hindi pa kasi tayo nakakapag honeymoon so I’ve decided to surprisingly bring you here.”

“Awww thank you bebe ko. Minsan nagtataka ako kung nagpapanggap ka pa rin ba o kung talagang gusto mo lang na pinapakilig ako eh.”

“Andrama mo. Alam ko pagod ka, kaya for our first night, mag dinner lang muna tayo then let’s sleep na.”

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon