Chapter 12 - The Day After Their Wedding

842 18 3
                                    

Chapter 12

Nagising si Laida na wala na sa tabi si Miggy. Pakiramdam niya hindi talaga siya importante dito. Na kaya lang talaga nagpakasal ito sa kanya dahil sa gusto ito ng daddy niya. Naawa siya sa sarili niya but at the same time natutuwa siya, dahil alam niya na kung hindi man siya mahal ni Miggy, mapapansin din ni Miggy na mahal na mahal niya ito, magtitiis siya hanggang sa dumating ang araw na mahalin na din siya nito.

Eto nanaman siya, pinagpapantasyahan nanaman ang asawa, hanggang sa sumagi sa isip niya na, paano kung panandalian lang pala ang lahat, na darating din ang oras na kailangan nilang maghiwalay.

Agad siyang umiling sa naisip niya.

Biglang pumasok si Miggy sa kwarto.

“You’re awake na pala my princess. Come on, mag breakfast na tayo. Inaantay tayo nila Daddy at ng parents mo sa restaurant ng resort. Nagpa set-up sila ng buffet dun.”

Natuwa si Laida dahil may lambing ang pagkakasabi ni Miggy. Pero dapat niyang pigilan ang sarili, baka mamaya hindi niya makontrol ang sarili at madala sa mga paglalambing ni Miggy.

“Hanggang kailan mo gagawin to?” tanong ni Laida kay Miggy, in a serious tone.

“Ang alin?” naguguluhang tanong nito sa kanya.

“Ang magpanggap na you care for me? Na you’re sweet.” Sagot niya rito.

“Mag-asawa tayo, we’re supposed to be like this. And I really care for you, Laida.” Medyo sweet na sagot naman nito sa kanya.

Tinignan niyang maigi sa mata ang asawa at parang gustong alamin kung magsasabi ito ng totoo sa susunod niyang itatanong.

“But you don’t love me. Please naman Miggy, oo alam kong alam mo na mahal kita, but please don’t play with my feelings.” Pakiusap niya rito, hindi na niya matiis yung feeling na, alam naman niyang walang assurance na mamahalin siya nito.

“As long as you have my surname, you have nothing to worry. So let’s go, they’re waiting for us. Baka sabihin nila kung ano pang ginawa natin kagabi kaya nalate tayo.” Sabi nito sa kanya.

***

“Good morning dad!”

“Good morning po.”

“Ang aga nyo naman. Miggy, nasabihan mo na bang pumunta dito ang family ni Laida?” bungad na tanong agad ni Luis ng makita ang anak at si Laida na kararating pa lang sa restaurant ng resort.

“Yes dad. Pinuntahan ko sila kanina, nung tulog pa si Laida, tapos pinasundo ko na sila kay Kevin.” Sagot naman ni Miggy sa daddy niya.

Inalalayan niyang umupo si Laida at umupo naman siya sa tabi nito.

Sabay naman nun ay dumating na ang family ni Laida kasama si Lally at si Kevin.

“Good morning po sir Luis.” Bati ng nanay ni Laida.

“Pamilya na tayo, Baby and Tomas, Luis na lang ang itawag niyo sa akin. Wag na rin kayo mag “po” masyadong nakakatanda.” Sabi naman ni Luis.

Nang makapag settle down na ang lahat. Nakaupo na sa napakahabang table. Nagsalita na si Miggy.

“Now, mukhang everyone is settled at nandito na ang lahat. Let’s start eating na.”

Nagstart na silang magsikain, at nagstart na din mang-intriga ng mga pamilya nila sa kanilang dalawa.

“How’s your first night? Nakatulog ba kayo?” Tanong ni Art sa kanila.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon