Chapter 14 - Food Fest

760 17 7
                                    

Chapter 14

Pagkalabas ni Laida mula sa banyo, dali-dali siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Pagkarating niya sa dinning area, nakita niya ang napakaraming pagkain sa mesa.

“Miggy, andami namang food?” nagtatakang nagtanong si Laida.

“Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo so inorder ko na lang lahat.” Natatawang sabi ni Miggy.

Mas lalong nagulat si Laida dahil may nagdoorbell nanaman…

“Ano nanaman yun Miggy?” tanong ni Laida habang umuupo sa may dinning area.

“Diba sabi ko sayo inorder ko lahat? Padating pa yung kalahati ngayon. Teka lang ah, buksan ko lang yung pinto.” Parang masayang bata na sabi ni Miggy habang papalapit sa pinto.

Nawindang naman si Laida sa dami ng pagkain na nasa dining table ngayon, hindi niya alam kung pano nila uubusin yung pagkain lalo na’t gabi na. Ng tignan nya ang orasan, it’s already 9pm.

“Kaya ba natin ubusin to?” tanong ni Laida habang nakatitig sa napakaraming pagkain sa mesa.

“Edi pag hindi naubos, ilagay sa fridge, tapos pakuha na lang natin sa caretaker bukas.” Sabi ni Miggy.

“Magsasayang tayo ng pagkain? Can you imagine kung ilang tao ang nagugutom at kung anong hirap ang dinanas ng mga taong behind dyan para lang maihain yan sa harap mo? Tapos sasayangin lang natin?” biglang nag-init ang ulo ni Laida, ayaw nya kasing nakikitang nasasayang ang pagkain.

“Hindi naman tayo magsasayang eh, ibibigay nga natin sa iba.” Paliwanag ni Miggy, ramdam na niyang mainit ang ulo ni Laida.

Hindi na nagsalita si Laida kaya si Miggy na lang ulit ang nagsalita.

“You know what? Kumain na lang muna tayo, tapos saka na lang natin problemahin kung anong gagawin natin sa natira.”

Nagsimula na silang kumain, kung tutuusin, yung inorder ni Miggy, kaya ng pakainin ang buong pamilya ni Laida, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay halos maubos na nila yun dahil sa katakawan ni Laida.

“Akala ko ba hindi natin mauubos, eto tignan mo halos maubos mo na nga. Biglang tumakaw ka yata?” nang-aasar na sabi ni Miggy kay Laida na patuloy pa din sa pagsubo ng pagkain.

“Gutom ako, at trip ko to. Pwede walang basagan ng trip?” naiinis na sabi ni Laida.

Hinayaan lang siya ni Miggy kumain ng kumain hanggang sa may natira na lang na isang platong pasta.

“Anong plano mo dyan? Busog ka na? Finally, andami ko ng nakain pero parang nasa ¼ lang yun ng kinain mo.” Sabi ni Miggy.

“Actually kaya ko pang kainin yan, ewan ko ba parang antagal ko na kasing di kumakain ng normal. Kaya ayun naparami yung nakain ko, kaso lang di ko feel kainin yung pasta.” Sabi ni Laida.

“Eh diba favorite mo ang pasta?” sabi naman ni Miggy.

“Oo kaso hindi ko talaga siya feel kainin ngayon.” Sabi ni Laida.

Tumayo naman si Laida at nagsimulang ligpitin ang mga pinagkainan nila.

“No need, papalinis ko na lang yan mamaya.” Sabi ni Miggy.

“Sa dami ng nakain ko, kailangan ko muna ng magtagtag ng kinain, baka mamaya di pa ko matunawan.” Paliwanag ni Laida at tinuloy na ang pagliligpit.

Ng matatapos na si Laida sa paghuhugas, niyakap naman siya bigla ni Miggy na talagang ikinagulat niya.

“Anong problema mo Miggy?”

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon