Chapter 5 - A Very Long Day

1K 13 1
                                    

AN: Bago nyo po basahin. Inuulit ko po. For open minded readers only.

Chapter 5

Nakarecieve ng memo si Miggy 3 days after ng board meeting, which is Monday. It’s from his kuya Art at may in-assign nanaman itong gagawin. At ang deadline ay tomorrow morning. Kaya dali-dali niyang tinawag si Laida at pumasok naman ito sa office nito.

“Laida! How can we possibly finish this thing? Tomorrow morning na agad?” he said.

“Miggy, alam ng kuya mo kaya mo yan. I-aassign nya ba yan kung hindi mo kaya?” Laida explained.

“But how?” he asked.

“That’s why your department is here, we’re here, I’m here.” Laida said.

“Shall we start?” he said.

“Sabihan mo muna sila.” she said.

“Sige bumalik ka muna sa desk mo.” he said.

 Pagkalabas ni Laida, nag handa lang konti si Miggy at lumabas na din.

“Everyone! Conference room. Now.” full of authority na sabi ni Miggy pagkatapos pumasok ulit ito sa office nya.

“Ano nanaman kayang ipapagawa satin nun? Huy Laida! Galing ka sa loob kanina diba?” sabi ni Zoila pagkaupo sa conference room.

“Ewan ko. Wala naman siyang sinabi eh.”sabi ni Laida.

“Pansin ko lang ah. Parang close na kayo ni Sir Miggy.” sabi naman ni John Rae.

“Sabi ko naman kasi sainyo. May good side din yang si Sir Miggy.” sabi ni Laida.

“Asus! Ang sabihin mo immune ka na sa pagkabossy niyan.” sabi ni Vincent.

Tapos nagtawanan silang lahat.

“Naku kayo talaga. Diba sabi ko naman sainyo. Kapag mahal mo handa kang magtiis kahit ano. Tigilan nyo na nga ako!” sabi naman ni Laida.

Saktong pumasok naman si Miggy sa conference room kaya natigilan na silang lahat.

***

Bumalik si Miggy after niya isubmit kay Art ang hinihingi nito.

“Laida!” masayang tawag ni Miggy.

“Yes Sir?” sagot naman ni Laida.

“We did it!” sagot ni Miggy.

Dahil sa tuwa nilang dalawa, niyakap nila ang isa’t isa. Lalo na si Miggy na mahigpit na niyakap si Laida.

“Ehem!” sabi naman ni Vincent at John Rae para magbitaw si Laida at Miggy.

Napansin naman nilang dalawa yun kaya nagbitaw sila ng yakap.

“Get back to work guys!” biglang nagbago ang mood ni Miggy.

Nagsibalikan naman ang lahat sa ginagawa nila. Si Laida, halatang nainis sa ikinilos ni Miggy.

Papasok na sana si Miggy sa opisina niya ng bigla itong bumalik.

“Tapusin nyo na ang dapat nyong tapusin. Walang mag-oovertime today. After ng office hours pwede na kayong umuwi. Wala akong iuutos. Well, except for you Laida, you’re coming with me after this.” sabi ni Miggy at bumalik na ulit ito sa office niya.

“Wala ng bagyo?” tanong ni Vincent.

“Nagpapalakas pa lang ulit.” sagot ni John Rae.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon