Chapter 19 - One Month

820 18 7
                                    

Chapter 19

Naunang nagising si Miggy. And he found himself na nakayakap kay Laida, and so with her, magkayakap silang natulog.

Napangiti siya.

Hindi niya alam kung mahal na niya ba ito o hindi, hindi pa kasi siya nagmamahal ng totoo sa babae, dahil na din siguro sa past niya na ang kauna-unahang babaeng minahal niya, which is ang mommy niya, iniwan siya, her mommy died because of a severe disease at naiwan siyang mag-isa with his father’s legitimate family.

Pero kahit hindi niya pa alam kung mahal na ba niya si Laida o hindi, isa lang ang sigurado siya, isa lang ang alam niya. Ang babaeng yakap at katabi niyang matulog ngayon ay ang babaeng gusto niyang protektahan at makasama habang buhay. Hindi na niya kakayanin na mabuhay na wala si Laida sa tabi niya.

“I think I’m in love with you now, Laida.” Bulong ni Miggy and he kissed her in her temple.

Gumalaw naman bigla si Laida kaya napaayos ng higa si Miggy pero nakayakap pa din sila sa isa’t isa.

Unti-unting nagdilat ng mata si Laida.

At syempre mukha agad ng asawa niya ang bumungad sa kanya.

“Good morning bebe ko.” Bati naman agad ni Miggy.

“Good morning din. Teka nakayakap ka saken ah!” saway ni Laida.

“Ako lang ba? Ikaw din kaya tignan mo.” Natatawang sabi ni Miggy.

Natahimik na lang si Laida.

“Can we stay like this for a while?” Paglalambing ni Miggy.

“Ok lang, pero teka? Wala ba tayong pasok ngayon?” tanong ni Laida.

“Yung masipag ko kasing asawa, tinapos pati yung trabaho ko for 1 month. Kaya pwede tayong wag pumasok for 1 month.” Sabi ni Miggy.

“Teka nga lang, ano bang pinag-kaiba ng trabaho ng head ng finance department at financial analyst? Bakit pati trabaho mo eh natapos ko?” nagtatakang tanong ni Laida.

“Halos wala naman, kayang-kaya mo ngang tapusin eh. To be honest with you Laida, ang galing mo sa presentation kahapon. You really deserve the US project. I’m very proud na ikaw ang asawa ko, answerte ko talaga.” Sabi ni Miggy.

“Oo na lang. Teka yung Coleen, bakit parang she seems to be so rude to me? Ex girlfriend mo ba yun?” eto nanaman si Laida and her curiosity.

“Coleen has a big crush on me, wala tayong magagawa gwapo napangasawa mo eh…”

“Gwapo daw? Sige lang Miggy pagmalaki mo pa yang sarili mo.”

“Eh bakit mahal mo ko? Gwapong-gwapo ka pa nga sakin pag nakikita mo yung billboard ko eh.”

“Oo na sige na tuloy mo na yang kwento mo kay Coleen.”

“As I was saying, may gusto saken si Coleen siguro since we where a kid. Maganda naman siya and mabait saken but saken lang. She’s a brat actually, sobrang arte, sobrang sosyal, and sa studies niya ayaw niyang nahihirapan, well kaya lang naman gumanda ang tingin sa kanya kasi Harvard graduate siya, but that’s all. Malayong-malayo kay Kevin. Mapagmataas kasi talaga yang si Coleen, kung hindi ka dumating, sa kanya ibibigay ang US Project, pero ayaw ni dad and kuya, kasi pano na lang yung company kapag siya ang ilalagay sa posisyon na yun diba? Good thing dumating ka, kaya wag ka na magtaka kung bakit galit na galit siya sayo. Aside from you have me, my surname, nasayo pa yung US project. Pero wag kang mag-alala, she can’t hurt you, ang takot lang niya saken.”

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon