Chapter 4 - The Unlucky Girl

776 10 0
                                    

Chapter 4

“Dad, kuya. Are you all serious?” gulat na tanong ni Miggy.

“Kailan ba kami nag biro?” sagot naman ni Art.

Si Laida, hindi na mapakali. Hindi nya kasi gusto yung topic na ikakasal na si Miggy, syempre may pagtingin siya kay Miggy kaya kung ikakasal siya, gusto nito ay sa kanya. Kaso mukhang malabo. Dahil alam nyang walang pagtingin sa kanya ang binata. Kaya nanahimik na lamang siya sa sulok at patuloy na kumain. Hindi naman niya gustong makisali sa usapang pamily eh. Naisip nya tuloy kung bakit siya isinama ni Miggy. O kung bakit siya sumama kay Miggy. Pero dahil nga mga boss niya ang mga ito. Babalik pa din siya sa puntong, wala siyang magagawa kundi ang sumunod, lalo na sa taong pinakamamahal niya.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Laida ng tawagin siya ni Miggy.

“Laida, we need to go.” sabi ni Miggy.

Tumutol naman si Art.

“Miguel? Napikon ka ba? Bakit aalis na kayo ni Laida?” tanong ni Art.

“Kuya, it’s already 10 pm, baka hanapin na si Laida sa kanila.” palusot ni Miggy. Pero totoo naman, nakwento ni Laida na may curfew siya.

“May curfew pala si Laida, by the way, Laida, do you have a boyfriend?” tanong naman ni Alice out of nowhere.

Nasamid naman bigla si Laida, dahil kasalukuyang umiinom ito.

“P-po?” hindi makapaniwalang tanong ni Laida kay Alice.

“May boyfriend ka ba?” ulit ni Alice.

Sumabat naman si Miggy.

“Ate, she doesn’t need to answer it. Laida let’s go baka matraffic pa tayo.” sabi ni Miggy.

Hinila na ni Miggy si Laida.

“Nice meeting you all po, salamat po.” pahabol na sabi ni Laida habang hinahatak siya ni Miggy.

Hanggang sa makasakay na sila sa kotse ni Miggy.

Alam ni Laida na mainit ang ulo ni Miggy, nakakunot ang noo nito at walang imik. Kaya sinubukan niyang i-cheer up ang binata.

“Ang sasaya nyo tignan kanina ah! Ganun pala kayo magbiruan magkakapatid.” basag ni Laida sa katahimikan.

Pero sawi siya, hindi pa rin siya sinagot ni Miggy at patuloy lang ito sa pagco-concentrate sa daan.

“Sir, may problema ba? Kung gusto mo mag-open ok lang.” nag-aalalang sabi ni Laida.

“Don’t call me sir kapag tayong dalawa lang.” sagot ni Miggy out of nowhere.

“Ah ok, ahm Miggy may problema ka ba? Share mo yan. Hindi yan dapat kinikimkim, sige ka, magkakasakit ka sa puso, tapos mamaya ikamatay mo yan. Pano na lang yung mga babaeng may gusto sayo. Yung mga babaeng nagkakandarapa sayo… Pano na lang ako?” nabigla si Laida sa huli niyang sinabi. Hindi nya akalain na masasabi nya yun. Napatingin naman bigla sa kanya si Miggy.

“Paano na lang ako? Kami? Kaming mga nagttrabaho sa department mo? Pag nawala ka baka mamaya palitan kami lahat dun at pare-parehas kaming mawalan ng trabaho.” palusot ni Laida, sana lang ay paniwalaan ito ni Miggy.

“Gusto mo lang mag share ako andami mo pang sinabi.” sabi ni Miggy.

“Syempre, para mag share ka talaga. So magsshare ka na?” sabi ni Laida.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon