Chapter 28 - Biatch

563 11 0
                                    

Chapter 28

Biglang nagising si Laida. Naka tulog pala siya sa loob ng sasakyan niya dahil kanina pa masakit ang ulo niya. Pero hindi niya akalain na ganun ang mapapanaginipan niya. Agad niyang tinawagan si Lally.

“Sis!” unang ring palang kasi ay nasagot na agad ni Lally.

“Yes? Sis? May problema?” tanong naman agad ni Lally.

“Wala naman. Magyayaya lang ako, bar hopping tayo later.” Sabi ni Laida.

“Iba ka na talaga, akala ko pagbalik dito back to real Laida ka kapag nakita mo na ulit si Miggy.” Pang-aasar ni Lally.

“Whatevs sis! Mamaya na tayo magkwentuhan. Uuwi muna ko para magbihis.” Sabi ni Laida.

“Eastwood later?” tanong ni Lally.

“Yup. Sige na, I’ll hang up na. Nandito pa ko sa parking lot eh, nakatulog ako eh.” Sabi Laida.

“Nakatulog? Haha sige na nga! Ingat sa pag ddrive. Let me just remind you nasa Pilipinas ka na. Ingat sa mga napakababait na drivers.” Sabi ni Lally.

“Yeah right. Bye sis!” sabi Laida.

***

Magkasamang nasa bar ngayon si Miggy and Kevin.

“Kamusta naman ang pagkikita nyo?” tanong ni Kevin.

“Let’s not talk about her bro. Nakapag move on na yun. Halata naman eh. At ganun naman din ako.” Pagsisinungaling ni Miggy. Alam nya sa sarili niya na hindi pa siya nakakapag move on. Pero ayaw na lang niyang masaktan pa ulit si Laida.

“Pero bro di mo maikakaila na kasal kayo.” Sabi ni Kevin.

“Aantayin ko na lang na mag-approach siya para sa annulment namin.” Sabi ni Miggy.

Natigil sa pagsasalita si Kevin ng makita si Laida, in her most revealing wear. Nakasuot kasi ito ng red above the knee dress na super backless.

“Woah! Bro! Si Laida ba yun?” tanong ni Kevin na parang hindi makapaniwala.

Tinignan naman ni Miggy ang direksyon na itinuturo ni Kevin.

At hindi rin siya makapaniwala sa nakita, aside from sa suot ni Laida, hindi niya akalain na makikita niya sa ganitong lugar ito.

“She looks hot.” Yun lang ang tanging nasabi ni Miggy.

“Nakapag move on na daw. Uy! Si Lally. Ok lang ba bro na iinvite natin sila dito sa table natin?” tanong ni Kevin.

“Bahala ka bro.” sabi na lang ni Miggy.

Kaya tumayo si Kevin at sinalubong ang dalawa.

“Hi Lally, Laida.” Sabi ni Kevin at bumeso sa dalawa.

“Oh hi Kevin! Nice to see you again.” Sabi ni Laida.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong naman ni Lally.

“Nagbabar, Friday night naman eh. Mind if you sit with us. Si Miggy lang naman ang kasama ko eh.” Sabi ni Kevin.

“Sure sige. Ok lang ba Laida?” tanong ni Lally.

“Of course, of course. Let’s go.” Sabi ni Laida.

Nang makarating na sila sa table nila Miggy.

“We meet again Laida.” Sabi ni Miggy and he was really stunned sa itsura nito.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon