Chapter 1 - Welcome To His World

1.1K 14 0
                                    

Chapter 1

Maagang nagising si Laida, but still, hindi pa siya bumabangon at tinititigan nya pa din ang napakaraming pictures ni Miggy Montenegro sa wall nya habang nakahiga siya sa kama nya. Hanggang sa hindi nya napigilan ang sarili nya at kinausap na nya yung mga pictures.

"Magkikita na tayo ulit Miggy!" sabi ni Laida. 

Hindi nya napansin na gising na pala si Lion. Kaya narinig ni Lion yung sinabi nya.

"Ano ba yan ate! Ang aga-aga kausap mo nanaman si Kuya Miggy! Para namang naririnig ka talaga niyan." sabi ni Lion.

Nagulat naman si Laida, kaya bigla siyang napabangon sa kama niya.

"Anong kausap? Ikaw Lion ah nananaginip ka ba? Wag mo nga akong idamay dyan sa panaginip mo at kung ano-ano yang sinasabi mo." pagtatanggi ni Laida sa kapatid.

Bumangon na rin sa pagkakahiga at naupo sa kama si Lion. 

"Ay naku Ate, wag ka ng magdeny. Lagi mo naman ginagawa yan sa picture ni Kuya Miggy eh." sabi ni Lion sabay kamot ng ulo.

"Kahit na, ay naku! Bahala ka na nga dyan! Mamaya magising pa si Ate Rose at Kuya Stephen mo eh. Matulog ka na lang ulit! 3am pa lang." pag-iiba ng topic ni Laida, para lang hindi na siya asarin ng kapatid.

"Si ate talaga! Opo matutulog na po ulit!" pagsukong sabi ni Lion at muling nahiga at natulog.

Dahil na rin sa pag-iwas ni Laida na marinig nanaman ng kapatid nya kapag kinausap nanaman nya si Miggy, natulog na lang ulit siya.

***

Nagkakagulo na sa sala nila Laida dahil sa gugulo nila Rose, Stephen at Lion. At dahil dun nagising na si Laida.

"Ang aga-aga ang iingay nyo nanaman! Kayo talagang tatlo!" sabi ni Laida habang palapit sa kanila.

"Hindi ka pa nasanay sa mga kapatid mo. Sige na magsikain na kayo para makapasok na kayo, ikaw naman Laida para makaligo at makaalis ka na din." sabi ng nanay niya na katatapos lang ihanda ang hapag kainan.

Nagsipagkain na sila at naunang matapos ang mga kapatid niya.

"Sige na Tomas! Ihatid mo na si Lion. Tapos ikaw Stephen ha? Ikaw na bahala kay Rose." sabi ng nanay ni Laida nakatatapos lang din kumain.

"Sige na at ihahatid ko na si Lion. Laida, anak, good luck sa pag-aapply mo ha?" sabi ni Tomas at tumayo na mula sa pagkakaupo kanina.

"Bye ate! Good luck!" sabi nila Rose, Lion at Stephen tapos kinuha na ang mga bag nila.

"Sige bye! Mag-iingat kayo ah! Ikaw Stephen bantayan mo si Rose! Baka may manliligaw na dyan!" sabi naman ni Laida na katatapos lang kumain.

"Oo naman ate ako ang bahala dito!" sabi ni Stephen.

Pagkatapos ay umalis na silang apat.

Nagsimula naman magligpit ng pinagkainan si Laida ng inawat siya ng nanay nya.

"Anak! Ako na dyan! Sige na at maligo ka na! Baka matraffic ka pa at ma late." sabi ng nanay niya.

Sinunod naman ni Laida ang nanay niya.

*** 

Pagkarating ni Miggy sa office, busy na ang lahat ng tao, ganun kasi siya, ayaw nyang nakikita ang mga empleyado nya na nakatunganga lalo na at may deadline sila ngayon, dahil sa nalalapit na board meeting sa susunod na linggo. 

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon