Chapter 10 - Mr. and Mrs. Montenegro

769 15 7
                                    

Chapter 10

It’s already 6 pm at kasalukuyan ng nasa venue ng reception ang lahat. At hinihintay nila ang pagdating ng newly weds. Habang sila Laida at Miggy naman, nag-aantay sa taas na part ng reception area kung saan bababa sila sa isang grand staircase.

“Thank you so much Miggy.” Hindi pa rin talaga makaget-over si Laida sa sayang nararamdaman niya ngayong araw na ito. Hindi na siya natapos-tapos sa pagpapasalamat kay Miggy.

“Kanina ka pa thank you ng thank you pero ako nga dapat yung mag thank you sayo.” Si Miggy naman hindi niya alam kung anong gagawin. At dahil kanina pa nga thank you ng thank you si Laida, medyo nakukulitan na rin siya at nahihiya kasi ang totoong dapat mag thank you ay siya at hindi si Laida. Hindi naman niya kasi hiniling na mahalin siya ni Laida, pero siya, hiniling niya kay Laida na magpakasal sa kanya.

Natigil sila sa pag-uusap nung sinabihan sila ng wedding organizer na malapit na yung que nila for their grand entrance sa reception area ng kasal nila.

“Let us all welcome with a round of applause, our newly weds, Mr. and Mrs. Miggy and Laida Montenegro.” sabi ng host.

Dahan-dahang naglakad sina Mr. and Mrs. Montenegro pababa ng stairs. Miggy didn’t change his outfit but Laida did, if kanina, she’s wearing a princess ballgown converted into wedding gown, now, she’s wearing a fitted, mermaid style white gown, surrounded with Swarovski crystals.

At the middle of the program…

“To give us, and our newly weds the official blessings from both families, let’s here first the Kuya of the Groom, Mr. Arturo Montenegro.” sabi ng host, nagpalakpakan ang lahat at pumunta na sa may bandang stage si Art.

“Miguel and Laida, akala ko gagayahin nyo ako eh.” biro sa umpisa ni Art. “Akala ko katulad ng ginawa namin ni Cristina, magpapakasal kayo secretly, pero hindi, and Miguel, I’m very proud of you because you manage to prepare a very successful wedding for Laida ng hindi niya nalalaman. I must say na malaki ka na nga, nag mature ka na nga, and finally nahanap mo na ang babaeng seseryosohin mo, ang babaeng katapat at magpapatino sayo. And to you Laida, welcome to our family, I know, si Dad talaga ang mag-o-official welcome sayo sa family pero gusto ko na din i-grab ang opportunity dahil ikaw ang nagpatino kay Miguel, and wag ka mag-alala, kapag inaway ka ni Miguel, isumbong mo lang yan saken, akong bahala diyan.” medyo naiiyak si Art pero itinatago lang niya kaya dinadaan niya lang sa biro ang lahat. “Whatever your plans are, whatever your decisions are, whatever you both want, we’re just here to support you, all the way. May gift pala kami ni Dad sainyo, pero si Dad na yung hahayaan kong magsabi. Congratulations and Best Wishes.” huling sabi ni Art pagkatapos ay kinamayan niya si Miggy at nakipag-beso kay Laida.

“And now let’s have the big man of the Montenegros, Mr. Luis Montenegro.” sabi ng host at pumunta naman si Luis sa may bandang stage, malapit ulit kayla Miggy at Laida, katulad ng pwesto ni Art kanina.

“Simple lang ang gusto kong sabihin sainyong dalawa, sayo Laida, pagpapasensyahan mo lang lagi si Miggy, alam mo naman yang asawa mo, naging boss mo siya, sobra talagang bossy minsan, pagpasensyahan mo na lang. At sayo naman Miggy, wag mong samantalahin ang kabaitan ng asawa mo, mamaya mauntog yan at iwan ka.” biro ni Luis para hindi siya mag sound as boss sa kasal ng anak nya, baka kasi mag-ala board meeting ang dating kapag ginamit nya ang tono at way ng pananalita nya tuwing may events ang company nila. “Magmahalan kayong dalawa, and Miggy, thank you for making me proud of you. Salamat at nakinig ka sa akin. Laida, salamat dahil minahal mo ang anak ko kahit alam kong mahirap. At dahil dyan, kagaya nga ng sinabi ni Art, may regalo kami sainyo.” Lumapit si Luis sa kanila at inabot ang isang box. “Mamaya nyo na buksan kung ano yan, para maintriga ang lahat. At tayo-tayo na lang ang nakakaalam. Best Wishes sainyong dalawa. And Laida, welcome to the family of Montenegro.” Pagkatapos magsalita ni Luis ay niyakap niya si Miggy na mangiyak-ngiyak silang parehas, nag beso naman siya kay Laida.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon