Chapter 11 - First Night

955 15 3
                                    

Chapter 11

Pagkatapos ng wedding reception, nagpunta na sila Miggy and Laida sa villa na pinanggalingan nila.

Nang makarating sila sa villa na tutuluyan nila, may napansin si Miggy kay Laida.

“Laida are you alright?” nababahala na siya dahil hindi mapakali si Laida.

Hindi mapakali si Laida dahil sa maraming bagay, dahil sa napakaraming bagay na naglalaro sa isip niya ngayon.

“Laida bakit hindi ka mapakali? What’s wrong?” Pagtatanong ulit ni Miggy, hindi kasi sumagot si Laida.

At sa wakas, nagsalita na din si Laida.

“Miggy ano, ahm, sila nanay, ah, eh, saan sila tutuloy? And ano…” biglang pinutol ni Miggy ang pagsasalita ni Laida.

“Huy Laida ok ka lang? Bakit parang di ka makapagsalita ng maayos? Calm down.” Natatawang sabi ni Miggy sa asawa.

Agad namang nag-iba ang mukha ni Laida at tinignan ng masama si Miggy.

“What?” Itinigil ni Miggy ang pagtawa at agad pinalitan ng pagtataka at nagtanong na para bang wala namang ginagawa.

“Anong tinatawa-tawa mo?” Naiinis na sabi ni Laida.

“Laida, ano ba kasing problema? And this time, sagutin mo ako ng maayos.” Medyo bossy na pagkakasabi ni Miggy, katulad ng tono ng pananalita na ginagamit nito kapag nasa office sila.

“Ok, I’m sorry, it’s just that, I’m all tensed up. Sa dami ng gumugulo sa utak ko ngayon, hindi ko alam kung pano ko sisimulan itanong yun lahat sayo.” Cold na sagot ni Laida kay Miggy, hindi niya kasi akalain na gagamitin ni Miggy ang tono ng pananalitang iyon sa kanya kahit na kasal na sila.

Magsasalita sana si Miggy ng magsalita ulit si Laida.

“I’m sorry, Miggy. I’m sorry. Sorry kung hindi ako yung dream wife mo. Napilitan ka lang naman talagang magpakasal eh. Pinakiusapan mo lang naman kase ako, dahil alam kong wala ka ng choice. So kung nahihirapan kang pakisamahan ako. Ok lang, just treat me as one of your employees. Sorry ah. I almost forgot that you’re the boss. Sorry ulit. I just want to ask sana kung saan tutuloy sila Nanay. And kung paano yung magiging set up natin. And many more, but I don’t think na kailangan pa natin pag-usapan pa yun.” Cold na pagkakasabi ni Laida.

Paalis na sana ito ng pigilan siya ni Miggy.

“No Laida, stay. Wag kang mag sorry. Ako ang dapat humingi ng sorry. And please wag na natin pag-usapan yang tungkol sa pakiusap, na ako yung boss or whatever. Your family is staying on the other villa and…” Hindi na natuloy ni Miggy ang pagsasalita niya.

“Pwede bang bukas na lang natin pag-usapan yung iba pa? I’m tired na eh.” Walang buhay na sabi ni Laida.

“Alright, Mrs. Montenegro. Let’s enjoy our first night together.”

Tumayo ang balahibo ni Laida sa narinig kay Miggy. At agad naman siyang binuhat ni Miggy in a lover’s carry, paakyat, papunta sa kwarto.

“Miggy, you don’t need to do this, wala naman ang family mo, and family ko. Ibaba mo na ako. Hindi mo kailangan magpanggap…” hindi na natuloy ni Laida ang sasabihin ng bigla siyang halikan ni Miggy.

“No words Laida. You’re my bride, and as newly weds, I need to do this because I am your groom. By the way, nasabi ko na ba sayo na you’re very beautiful. And I’m very happy na ikaw ang napangasawa ko?” Paglalambing niya kay Laida, habang buhat-buhat pa din ito.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon