Chapter 23 - And Because of That

647 17 7
                                    

Chapter 23

Natapos na ang 1 month na bakasyon ni Laida and Miggy and finally they’re back in the Philippines.

“Kamusta ang honeymoon nyong dalawa?” tanong agad ni Lally, sila kasi ni Kevin ang sumundo sa mag-asawa sa airport.

“Oo nga, san kayo kayo nakarating? Nakapagtraining pa ba tong si Laida?” sabi ni Kevin.

“Oo nakapagtraining yan. Kaso natakot na ko baka mapalitan na ko netong si Laida.” Sagot naman ni Miggy.

“Whatever you say Miggy. Maiwan muna namin kayo ni Lally ha? Lally let’s go?” sabi ni Laida out of the blue moon.

Nagtaka naman sila sa inasal ni Laida, at ganun din si Miggy. 2 days bago sila bumalik ng Pilipinas, naging ganun na ang pakikitungo sa kanya ni Laida sa hindi malamang dahilan.

“Laida where are you two going? Ayaw mo bang magpahinga? Kakauwi lang natin.” Sabi ni Miggy.

“We need our bonding. Don’t bother to wait for me mamayang gabi. Late na ko uuwi. I need to loosen up.” Sabi ni Laida.

And with that hinayaan na lang siya ni Miggy.

***

Kasalukuyang nasa mall ngayon si Laida at Lally. In a coffeshop to be exact.

“Anong problema mo? Kakauwi mo lang umalis ka nanaman agad?” sabi ni Lally.

“Ayoko munang makasama si Miggy, Lally.” Sabi ni Laida as she took a sip from her coffee.

“May nangyari ba sa States Bes?” worried na tanong ng kaibigan. Bakas naman kasi sa mukha ni Laida na may itinatago itong hinanakit o kung ano man. Hindi lang talaga madetermine ni Lally kung ano yun.

“I just saw Miggy one night on a bar, flirting with a girl.” Sabi ni Laida.

“Flirting? Tinanong mo ba kung flirting talaga? Or inalam mo ba kung sino yung girl?”

“Bes, kapag tinanong ko siya malamang idedeny nya. Sinong matinong asawa ang aamin sa asawa niya na nakikipag flirt siya sa ibang babae. Buti sana kung asawa nya talaga ang turing nya saken eh. Ayoko ng tanungin, ayoko lang masaktan. Mamaya maisumbat nya pa saken na wala akong pakialam dahil isang arrangement lang ang naganap kung bakit kami kinasal.”

“Kailan ka pa naging negative thinker bes? Nasan na ang dating Laida na naniniwala sa goodness?”

“Hindi naman sa ganun bes. Nagseselos lang ako, kasi may asawa siyang tao, pinaramdam nya na saken kung pano siya magpahalaga eh. Paano ko siya iiwan at pupunta ako ng States kung may ganun kaming issue?”

“Pag-usapan nyo yan bes. Wag mong sarilinin. Kahit arrangement lang ang naganap sa kasal nyo. May feelings pa rin na involve. Mahal mo yung taong yun. Ipaglaban mo kasi!”

“Enough of that, niyaya kita para makalimot ako, tara nood na lang tayong movie.”

***

After a month, malamig pa rin ang pakikitungo ni Laida sa asawa niya, pero hindi naman yun masyadong napapansin dahil parehas silang busy sa mga officeworks nila. At dahil na rin sa nalalapit na paglipat ni Laida sa States.

“I’m not going.” Bungad agad ni Laida sa opisina ng asawa ng ipatawag siya nito para pag-usapan sa paglipat nya sa US.

“You’re not going? Bakit? Bakit ngayon mo lang sinabi?” sabi naman ni Miggy.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon