Chapter 9 - The Wedding

802 17 6
                                    

Chapter 9

Habang nakasakay si Laida sa carriage, at habang unti-unting palapit na siya sa venue ng kanilang kasal, hindi nya mapigilan ang sarili, naiiyak na siya, sa tuwa at lungkot dahil ikakasal siya sa taong mahal niya at dahil wala ang pamilya niya sa araw ng kasal niya.

Isang garden wedding ang magaganap, naka set-up sa isang garden ang kasal, hindi niya lubusang maisip na makakapag prepare pa ng ganito si Miggy para sa kasal niya. Naisip nya na siguro ay ginawa nya ito upang mapasaya siya ng binata ngunit agad niyang pinutol ang pagpapantasyang iyon. Alam niyang ginawa ito ni Miggy hindi para sa kanya kundi para sa sarili. Para may maipagmalaki sa sasabihin ng iba. Para maipagmalaki ito sa pamilya niya, at para walang masabi o mapuna ang pamilya niya sa kanya, lalong lalo na ang daddy at kuya nito.

Napatigil sa pag-iisip ng malalim si Laida ng lapitan siya ng matalik na kaibigan.

“Sis! May surprise si Miggy sayo.” bati agad ng kaibigan pagkalapit na pagkalapit sa carriage nito.

“Sus! Anong surprise naman yun? Wag mo sabihin na may mas bongga pang magaganap, hindi surprise yun, para sa sarili niyang image yun.” matabang na sabi ni Laida sa kaibigan.

“Ay may ganung moment sis? Eto na nga at para kang prinsesang naka carriage pa papunta dito. Tapos sasabihin mo yan? Hindi yun yung surprise ni Miggy sayo! Sila!” masayang sabi ng kaibigan at itunuro ang pamilya ni Laida.

Hindi makapaniwala si Laida sa nakikita niya. Ang tatay at nanay niya, si Stephen, si Rose, at si Lion, mga nakabihis pangkasal sila. Dahan-dahan siyang nilapitan ng mga ito.

“Nay! Tay! Stephen! Rose! Lion! Nandito kayo? Paano po nangyari yun?” gulat na tanong ni Laida, hindi nya parin inaasahan na makikita niya ang pamilya sa araw ng kasal niya.

“Kinausap kami ni Miggy tungkol dito.” sagot ng nanay niya.

Magsasalita pa sana si Laida kaso nilapitan na sila ng wedding organizer at sinabing magsstart na daw kaya pumwesto na ang lahat para entourage.

Naunang maglakad ang mga kapatid ni Laida, at mga magulang niya. Siya ang naglakad sa pinakahuli. Hindi na daw kasi uso ang maglakad at ihatid pa ng tatay niya sa altar, lagi ng nauuna ang mga magulang sa paglalakad.

Laida is wearing a white princess ballgown that is converted into a wedding gown. It has a simple sweet heart neckline but Laida did a great job in wearing it, the gown really fits her.

Miggy is wearing a gray tuxedo. He is a real Montenegro on his tux, a big man with a great power and influence.

Habang naglalakad si Laida palapit sa altar ay hindi niya maiwasang hindi mapaiyak, ikakasal na siya sa taong mahal niya, sobrang saya nun para sa kanya, pero hindi niya pa rin maiwasang malungkot kahit nasa kasal na niya ang pamilya niya. Natatakot siya sa maaring mangyari pagkatapos ng kasal, alam niya kung gaano kalaki ang papasukin niyang hirap sa buhay, lalong lalo na’t hindi naman lingid sa kaalaman niya na hindi naman siya mahal ng taong mahal niya. Pero wala ng atrasan, handa niyang gawin lahat, alang-alang sa taong mahal niya. Minsan lang siya magmahal ng totoo, kaya lulubusin na niya. Pasasaan ba’t matutunan din siyang mahalin ni Miggy, katulad ng pagmamahal nito sa kanya.

Habang papalapit ng papalapit naman si Laida kay Miggy, hindi maiwasang mamangha ni Miggy sa nakikita. Napakaswerte nya pala talaga, totoo ang sinabi ng magulang ni Laida sa kanya, napakaswerte niya at isang Adelaida Magtalas ang mapapangasawa niya. Mas lalo pang gumanda si Laida, para sa kanya ay parang isang prinsesa si Laida. Napakabait at maalalahanin pa nito sa kanya. Alam niyang mahal na mahal siya ni Laida, kaya nakokonsensya din siya dahil hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal nito sa kanya.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon