Chapter 6 - That Night

1K 16 2
                                    

Chapter 6

Nagising si Laida na masakit ang katawan. Nagulat siya dahil wala siyang damit at nakabalot lang ng kumot. Nakaramdam din siya ng sakit sa bandang baba ng kanyang katawan. At ng tignan niya, katabi pa niya ang boss niya na hanggang ngayon ay natutulog pa.

Dahan-dahan na lang siya naiyak, ibinigay niya ang virginity niya sa taong mahal nya pero walang kasiguraduhang mahal siya nito. Siguro nga ay tama ang lahat sa sinabi nila kay Miggy. Na babaero ito. Kung sino-sino na siguro ang nadala nito sa pad niya. Isa na siya sa mga naging biktima nito.

Gulong-gulo siya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung pano nya sasabihin sa magulang niya ang nangyari. Nabigo niya ang mga ito. Binalaan na rin siya ng mga kaofficemate niya. Lalong lalo na ni Lally. Pero pinayagan niya pa din si Miggy na gawin iyon sa kanya.

Patayo na sana siya ng magising si Miggy.

“Where do you think you’re going Laida?” sabi ni Miggy ng makita niya si Laida.

“M-miggy?” unti-unting nilingon ni Laida ang binata.

Pagkatapos nun ay bumuhos nanaman ang napakaraming luha sa mga mata ni Laida.

“Heyy, bakit ka umiiyak?” tanong ni Miggy, kahinaan niya kasing umiiyak ang mga babae dahil nung mga panahong buhay pa ang mommy niya, nasasaktan siya tuwing nakikita niyang umiiyak ito.

“Anong gusto mong gawin ko? Matuwa? Dahil binigay ko sayo ang virginity ko?” patuloy na iyak ni Laida.

“Laida please, wag kang umiyak. I hate seeing you crying. I hate seeing a lady crying.” sabi naman ni Miggy.

“And Laida, we enjoyed it naman diba? What’s wrong with it?” sabi ni Miggy, hindi nya pa din alam ang gagawin para lang tumigil sa pag-iyak si Laida. Pinunasan niya ang mga luha nito.

“What’s wrong with it? Everything’s wrong Miggy! Pre-marital sex yun.” Laida said.

“Well then papanagutan kita, I’ll marry you. Let’s get married.” sabi ni Miggy out of nowhere.

“Ano? Sigurado ka Miggy? Pano ko naman sasabihin sa parents ko yan. Magagalit sila saken.” sabi ni Laida, hindi niya akalain na aayain siyang magpakasal ng taong mahal niya.

“Laida naman, pano kung nabuntis pala kita. Kailangan natin magpakasal. Sa lalong madaling panahon.” sabi ni Miggy.

Bigla namang may naalala si Laida.

“Miggy ako ba? Ako ba yung gagamitin mo para lang sundin yung daddy at kuya mo na magpakasal ka? Kaya mo ba ko dinala dito? Kaya mo ba ginawa saken yun? Para mawalan ako ng choice? Akala ko iba ka Miggy! Akala ko mali lang sila sa pagkakaintindi sayo. Pero you proved them right. Hindi pa nga kita kilala pero pinagkatiwalaan na kita.” galit na sabi ni Laida.

“Laida no! Hindi yan ang gusto kong mangyari. Ikaw ang gusto kong pakasalan. No matter what it takes. Pero hindi ko sinadyang may mangyari saten kagabi. I swear Laida.” paliwanag ni Miggy.

“Pero pano sila nanay at tatay? Anong sasabihin ko sa kanila?” naguguluhang tanong ni Laida.

“Laida, do you love me?” tanong ni Miggy.

“Of course I do love you.” Laida answered.

“Do you trust me?” tanong ni Miggy.

“Ah… yes Miggy. I trust you.” Laida answered.

“Well then magpakasal na tayo. Next week. Kahit sa judge na lang muna.” Miggy said.

Hate That I Love You So (AshLloyd Fan Fiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon