Part 1: Ang Driver

55.6K 543 89
                                    

Nananalamin si Gabe habang isinasarado ang butones ng puting polo. Sa labo ng salamin ay bahagya lamang niyang makita ang sarili, subalit hindi pa rin mapigilang mapangiti.

Dumating na ang swerte, sa wakas.

Ulila na ina sina Gabe, at ang tatay naman nila ay may pamilya nang iba. Beinte-singko anyos, siya ang tumatayong ama't ina ng mga nakababatang kapatid na sina Mike, 14; Alice, 12; at Anton, 6, na kapatid nila sa ina. Ang kanilang nanay at ang tatay ni Anton ay namatay sa isang aksidente ilang taon na ang nakakaraan.

Hindi madali ang buhay ng magkakapatid, lalo na si Gabe na siyang tanging namumrublema sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Kagabi lamang, pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Walang trabaho, maraming utang, maraming babayarin. Muntik pa siyang masagasaan. Buti na lamang at dating kakilala ang halos makadisgrasya sa kanya, at ito pa pala ang kasagutan sa kanyang mga dasal.

Tumatawid siya ng kalye at hindi napansin ang paparating na Fortuner. Todo ang busina nito subalit hindi pa rin niya narinig. Sa una'y mura ang inabot niya sa driver, pero nang lumabas na ang pasahero sa likuran, agad niyang nakilala ang kanyang Sir Manny—ang pinakamabait na boss na pinagtrabahuhan niya dati.

Lubos itong nag-alala sa ayos niya dahil mukha siyang tulala. Pinasakay siya sa sasakyan at isinamang kumain sa isang malapit na restaurant. Dito ipinaliwanag ni Gabe na ilang araw na siyang palakad-lakad dahil sa paghahanap ng trabaho, at halos ubos na ang kanyang pondo. Minsan ay hindi na nga siya kumakain.

Matapos ang hapunan, inalok siya ng trabaho ng dating amo. Muntik na siyang mapaluha sa tuwa. Nagpasalamat Diyos dahil konti nalang ay mawawalan na talaga siya ng pag-asa.

Sa murang edad ay kayod marino na siya sa trabaho. Nagpahinante, kargador, waiter, tagapaglinis ng kulungan ng baboy, driver ng truck—kalimita'y marangal na trabaho, pero yung iba, hindi niya mabanggit kahit kanino man.

Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo para lamang makatulong sa pamilya. Pero talaga yatang malas sya. Kung anu-anong problema ang dumating. Nariyang nasunugan sila ng bahay, nagsarado ang pinagta-trabahuhan... at minsan na rin siyang napagsamantalahan. Inarkila siya na dancer sa isang bridal shower, yun pala papainumin lang sya ng pampatulog at saka...

Umiling si Gabe. Ayaw na nya iyong maalala. Huminga siya ng mamalim at saka muling ngumiti sa salamin. Malakas ang pakiramdam niyang maganda ang papasukin niya ngayon. Ang dasal niya'y sana magtagal siya sa trabahong ito. Kailangan talaga niya ng panahon at pera para makabangon.

'Wow ang gwapo naman ni kuya!' sabi ng boses sa kanyang likuran. Si Alice. 'Mahihiya nyan si Diether Ocampo sa 'yo. Matangkad! Matipuno! Poging-pogi!'

'Heto na naman ang sipsip kong kapatid,' sagot ni Gabe. 'Kelangan mo ba ng baon? Utang muna ha,' sabi ni Gabe, sabay tawa. 'Huwag ka pati maingay, may natutulog pa.'

'Sabado kaya ngayon, hindi ko kelangan ng baon.'

'Mabuti alam mo.' Humarap si Gabe sa kapatid. 'Bakit ang aga mong gumising? Alas-sais pa lang ah.'

'Wala lang. Narinig kita eh. Hindi din kita naabutan kagabi. San ka ba galing? San ka pupunta? May trabaho ka na?'

'Ang dami mo namang tanong. Basta, may trabaho na 'ko ngayon. O, bahala na kayo dito ha, huwag nyong iwanan si Anton. Kung hindi, lagot kayo sa akin. Uuwi din ako mamayang gabi. May pagkain pa naman dyan, sardinas yata. At saka wag mo sunugin yung sinaing, sayang.'

'Anong trabaho mo, kuya?'

'Driver ng mayaman.'

'Saan?'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon