Part 20: Mga Bagong Myembro ng Pamilya

6.1K 108 3
                                    

'Surprise!!!'

Nanlaki ang mga mata ni Gabe nang makita ang hawak-hawak ni Daniel: dalawang cute na cute na mga tuta.

'Oh my God—Dan! Ang cute!!!' Agad niyang kinuha ang mga tuta at hinayaang dilaan ng mga ito ang kanyang mukha.

Tawa naman nang tawa si Daniel. Proud dahil nagustuhan ng asawa ang dalang regalo. Dahil hindi pa sila ready magka-anak, aso nalang muna. At dahil baka malungkot kapag isa lang, dalawa na ang kanyang hiningi mula sa kaibigan. Isang itim na labrador at isang brown and white na corgi. Mangiyak-ngiyak si Gabe sa kaligayahan.

Dinala ni Gabe sa garden ang mga alaga para makipaglaro. Inilabas naman ni Daniel ang mga gamit mula sa sasakyan. Noong isang araw pa sya bumili sa pet shop ng mga kainan, higaan, at iba pang bare necessities. Hindi itinodo ang pamimili dahil siguradong gugustuhin ni Gabe na mag-shopping. Buti nalang at malaki ang kanilang bahay, maraming paglalagyan ng gamit. Dapat siguraduhin lang na hindi magiging makalat. Nagpa-schedule na rin siya ng appointment sa vet at groomer sa makalawa.

Dati, hindi siya mahilig sa hayop, pero pagkakita pa lamang niya sa mga tuta ay nahulog na agad ang kanyang puso. Lalo pa siyang napamahal sa mga ito nang makita kung gaano nila napapaligaya ang asawa.

Pagkababa ng mga gamit, ay nagsimula naman siyang maghanda ng tanghalian. May mga tira pa kagabi, papainitin nalang, pero gusto niyang kumain ng pritong tilapya, kaya't nag-prepare siya ng salsa. Naggagayat siya nang kamatis nang maramdaman ang pagpasok ng kanyang mag-a-ama. Yumapos si Gabe sa kanyang likod at ikinuskos ang mukha sa ulo niya. Paikot-ikot naman ang mga tuta sa kanilang paanan.

Paulit-ulit si Gabe sa pagte-thank-you.

'You're welcome,' sagot ni Daniel. Lumingon siya para tanggapin ang halik ni Gabe.

Binuhat ni Gabe ang mga tuta at inilapit sa mukha ni Daniel. 'Kiss tatay.' Dinilaan naman ng mga ito ang mukha ni Daniel.

Sa kubo sa tabi ng swimming pool sila kumain. Ipinaghanda ni Daniel ng dog food ang mga tuta, at pinigilan si Gabe na pakainin ito ng mga pagkain ng tao.

'Love, huwag mong silang sasanayin sa ganyan, dahil hindi na yan kakain ng dog food.'

'Eh ano naman?'

'Papangit ang balahibo nila. Kapag special occasion nalang. At saka huwag mo masyado i-spoil ha. Dapat meron tayong rules para sa mga 'yan.'

'Ha? Eh ambabata pa nila, may rules na agad?'

'Aba, oo. Dapat bata pa lang sinasanay na na sumunod sa mga magulang.'

Nag-pout si Gabe, pero nauunawaan naman niya ang sinasabi ng asawa. 'Sam!' sigaw ni Gabe. Lumingon ang corgi. 'Don't drink the pool water.' Tumakbo ang tuta pabalik sa kanya.

Napatawa si Daniel. 'Wow, ang galing ah. Alam na agad mga pangalan nila. Teka.' Tinawag ni Daniel ang labrador, 'Frodo!' Hindi siya pinansin nito, at sa halip ay patuloy na inaamoy-amoy ang mga bulaklak. 'Frodo, Frodo!'

'Baby,' pagtawag ni Gabe. 'Frodo, come here!' Lumingon ang tuta at excited na tumakbo patungo kay Gabe.

'Ay, grabe. Ako na naman ang hindi favorite,' pagmamaktol si Daniel.

Tumawa si Gabe. Ini-abot sa asawa ang corgi. 'Sam, kay tatay ka muna, okay?'

Pinupog ni Daniel ng kiss si Sam. 'I love you, baby.'

----------------

Alas dos ng hapon. Iniwan ng mag-asawa ang mga tuta na nagpapahinga sa sala. Sila nama'y naligo at nagpasyang matulog muna. New Year's eve kaya't darating sina Jace at Rusty mamayang gabi.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon