Part 8: Ang Pagbabalik ng Nakaraan

9.1K 197 19
                                    

Natatakpan ng mga ulap ang kalangitan, subalit dama pa rin ni Gabe ang init ng panahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natatakpan ng mga ulap ang kalangitan, subalit dama pa rin ni Gabe ang init ng panahon. Wala pa siyang maayos na tulog, pero hindi niya mapigilan ang sariling maglakad-lakad sa campus grouds. May mangilan-ngilang estudyante dahil Sabado. May ilan na ring mga pamilyang namamasyal at nakaupo sa damuhan sa Freedom Park. Dala ang isang 40-litre backpack at isang duffle bag, umupo siya sa steps ng building at pinagmasdan ang likuran ni Oblation. Nandito na siya sa wakas.

Sa loob ng dalawang buwan mula nang iwan niya si Daniel, nilibot niya ang iba't ibang parte ng Pilipinas. Nagsimula siyang mangarap na gawin ito noong mga araw na naiiwan pa siya sa bahay habang nagtatrabaho ang kanyang boyfriend. Iba't ibang Instagram accounts tungkol sa arts at travel ang kanyang sinubaybayan, at ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ito balang araw. At heto na nga—nagawa na niya. (At hindi pa siya tapos—tigil lang muna.) Panandalian siyang tumira siya sa Ilocos, Mindoro, Bicol, Cebu, Davao, at Palawan. Talagang nag-enjoy siya sa pagbababad sa araw, pagbabasa ng libro, paglangoy sa beach, pagja-jogging sa tabi ng mga bukirin, at pakikisalamuha sa maraming tao.

Ngayon nga lang, kailangan na niyang simulan ang kanyang plano, bago pa muli itong maipag-isangtabi. Ngayon din, kailangan na ulit niyang magkapera. Kahit gaano siya nagtipid ay naubos na ang perang naipon. (At hindi rin naman niya tinanggap ang monthly allowance na gustong ibigay ni Daniel habang siya ay nag-so-soul-search).

Sunod, dapat siyang magtrabaho sa lugar kung saan siya palaging papaalalahanan ng kung anong gusto niyang gawin na buhay. Ang totoo, gusto niyang mag-aral sa UP Los Banos, pero gusto rin niya ng Fine Arts, at sa Diliman lang mayroon noon, kaya't hindi pa niya alam ang gagawin. Sa ngayon, habang nag-iisip, at habang nagrereview para sa UPCAT, sa Los Banos muna siya maninirahan. (Sana, makahanap agad ng trabaho!)

At kapag OK na, kapag nag-aaral na siyang muli...

Tatawagan niya si Daniel.

Malalim na naman ang kirot sa puso. Parang tinutusok ng karayom. Parang gusto na naman niyang maluha. Missed na missed na niya ang boyfriend.

Araw-araw silang magka-text, pero walang tawagan, at lalong walang Skype. Yan ang isa sa mga kondisyon niya kay Daniel. Dahil kapag narinig niya itong magmakaawa, malamang ay bigla siyang mag-eroplano pabalik ng Guimaras. Palagi rin daw siyang nami-miss ni Daniel. At palagi pa rin itong humihingi ng paumanhin sa kanya sa hindi nito pagbibigay ng panahon noon, kahit pa ilang ulit na niya itong pinatawad.

Ayaw niya lang talagang may distraction, at gusto niyang maabot ang pangarap na gamit ang sariling sikap. Kaya na niya ito ngayon dahil tatay na niya ang sagot sa lahat ng pangangailangan ng mga kapatid. Nagkausap na rin sila ang nagkapatawaran.

Nang kumulo ang tiyan ay naisipan na niyang tumayo. Hanap muna siya ng makakainan. Nag-bus siya mula Naga hanggang San Pablo, at pagkatapos ay nag-jeep naman papuntang Los Banos. Wala pa talaga siyang maayos na kain mula nang umalis ng Bicol. Pag-tingin sa relo ay mag-a-alas-onse na pala.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon