Part 12: Bago Sumapit ang Pasko

5.8K 121 7
                                    

Disyembre na naman. Bakit ganon? May mga panahong parang ang bagal-bagal, pero sa isang saglit, natapos na pala ang isang kabanata ng 'yong buhay?

Tandang-tanda pa ni Gabe na noong isang taon, ni hindi siya tinitingnan ni Daniel. Nag-away sila nang dahil kay Rusty. Nagkalabuan. Akala niya'y katapusan na ng mundo.

Noong isang taon, ayaw niyang kausapin ang ama, at malaki ang pagtatampo sa mga kapatid. Tila ba ninakawan siya ng dahilan para mabuhay. Kung wala na ang mga taong mahal, ano pang silbi mo sa mundo?

Hindi niya alam kung tadhana lang ba na naging maayos din ang lahat, o baka naman kaya mirakulo lang ng Pasko? Noong inakala niyang wala nang pag-asa, biglang nagbalik ang lalaking mahal, muli siyang kinupkop. At sa tulong ni Daniel, napatawad niya ang ama at lalo pang napalapit ang kalooban sa mga kapatid.

Syempre, hindi doon nagtapos ang lahat. Napakarami pa niyang pinagdaanan. Talagang sinubok kung gaano siya katatag.

Pero sa kabila ng lahat, natupad din ang kanyang mga pangarap. Ang makapag-solo travel, ang muling kumuha ng exam sa pinapangarap na unibersidad, at ang tuluyang balikan ang naiwang lalaking pinakamamahal. Bonus pa na nakatagpo siya ng matalik na kaibigan. Tunay ngang may plano ang Diyos para sa lahat. Akalain ba niyang nang dahil sa muntik siyang masagasaan dahil sa gutom at pagkalito ay mapapapadpad siya sa kinalalagyan niya ngayon?

May brasong umakbay sa kanyang balikat.

'Love, anong iniisip mo?' tanong ng nobyo. 'Tapos na ang misa, hindi pa ba tayo aalis?'

Nginitian ni Gabe ang napaka-gwapong lalaki sa kanyang tabi. Ang lalaking kanyang mapapangasawa.

'Iniisip ko lang...'

'Na?'

'Na ano... Huwag kang mako-kornihan, ha? Na ano... na hindi ko akalaing makakatagpo ako ng isang kagaya mo.'

Hinalikan siya ni Daniel sa pisngi. Namula ang mukha ni Gabe, pero napanatag ang kalooban nang makitang nakangiti ang mga taong nakatingin sa kanila habang naglalakad palabas ng simbahan. Puno ng Christmas lights ang paligid at umaawit ng Hark the Herald Angels Sing ang mala-anghel na koro. Paborito talaga niya ang unang simbang gabi.

'Oh, tapos?' Kinurot nang bahagya ni Daniel ang kanyang tagiliran.

'Tapos,' pagpapatuloy ni Gabe, 'nagpapasalamat ako kay Lord dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko noong gabi na nagkita kami ni Tito Manny. Kasi, dinala niya ako sa 'yo, tapos, nagwapuhan ka sa 'kin, tapos sineduce mo ako.'

Nagtawanan silang dalawa.

Hinawakan ni Daniel ang kanyang mga kamay. 'Syempre, ise-seduce kita, baka maunahan pa ako nung lalaki sa beach, tanda mo?'

'Si Kellin.'

'Oo, 'yun nga. Eh kita mo naman, nagwagi pa rin ako.'

'Kahit na tinatanggi mo pa noong una na gusto mo 'kong maging boyfriend,' panunukso ni Gabe.

'Yun na nga ang malaki kong pagkakamali. Hindi pa ako naniwala sa LOVE eh nasa harapan ko na pala.'

'At hindi ka din ganyan ka-sweet dati. Para kang taong bato na may pusong yelo.'

'Okay, kalimutan na natin ang nakaraan,' sabi ni Daniel, sabay tawa. 'Nagbago na naman ako, diba? Kasi nga mahal kita at ayokong bigyan ka ng dahilan para magdalawang isip pa.'

'Huli na ang lahat,' tugon naman ni Gabe, 'dahil buntis na ako. Ha-hantingin ka ng tatay ko kapag iniwanan mo ako.'

'Iyon nga, laking takot ko nalang sa tatay mo. Hindi iilang beses na pinagsabihan ako nung huli kaming nagkita. Pwede silang mag-duet ng papa ko sa pangangaral. Tapos ikaw, hindi ka manlang pinagsasabihan? Parang nakakahalata na talaga ako.' Nag-pout si Daniel na tila nagtatampo.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon