Part 10: Nabuksan ang Katotohanan

6.6K 115 12
                                    

Kanina pa siya paikot-ikot ng campus at ng mga karatig bayan. Nakabalik na nga siya mula Victoria at Bae, hindi pa rin niya alam ang gagawin. Humina na ang patak ng ulan, baka pwedeng mag-jogging na lang kaysa mag-drive.

Nitong mga nakaraang araw, wala siyang ibang alam na gawin kundi mag-aksaya ng gas.

Hindi sumama si Rusty sa Boracay. Kaninang umaga, dapat ay sasama siya kay Jace para magdeliver daw ng mga libro, pero mas pinili niyang i-cancel ito at sumama nalang kay Manuel sa beach. Pagkapaligo ay inihanda na ang backpack, at saka dumeretso sa bahay ni Manuel. Wala siyang ganang gumawa ng kahit na ano, pero di hamak na mas exciting na mag-beach kaysa magdeliver ng mga libro.

Ipinarada niya ang sasakyan sa bahay ng lalaki. Kakatok sana siya sa pinto nang mapansing hindi ito naka-lock. Tumawag siya, subalit walang sumasagot. Dumeretso siya sa likod-bahay, dahil nadoon ang pool, at doon madalas nagbababad ang mga bisita. Hindi nga siya nagkamali. May limang lalaki sa damuhan sa tabi ng pool. Si Manuel; ang mga gym instructors na sina Jeff at Andy; si Michael, ang Chinese na nag-wo-workout sa gym; at isang blonde na lalaki. Nag-o-orgy sila. Mula sa kusina ay hindi siya kita ng mga ito. Tumalikod si Rusty at bumalik sa sasakyan.

Sex na naman. Walang ibang alam gawin ang mga ito kundi sex. Wala na bang iba? Kung dati, siguro'y naghubad na siya para makigulo; pero ngayon, ewan ba niya, parang gusto nalang niya sumigaw.

'Putangina!!!' sigaw niya makalabas ng bahay.

Napansin niya ang isang matandang babae na napatigil at takot na nakatingin sa kanya. Dali-dali siyang sumakay ng FJ Cruiser at humarurot paalis.

"Bakit?" Ito ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang utak. Ganito na lamang ba ang buhay? Puro tanong at walang kasagutan? Tumatakbo na hindi alam kung saan ang patutunguhan? Wala nang ibang pakiramdam sa puso kundi kawalan. Isang black hole na kumakain ng liwanag ng mga bituin. Isang tiyan na walang kabusugan. Isang walang-hanggang pagdadalamhati. Kung akala ng mga tao, masaya siya, nagkakamali sila. Hindi niya ito gusto. Hindi niya gusto kung anong kinahinatnan ng kanyang buhay. Pero hindi niya alam ang gagawin—kung papaanong magsisimulang muli.

Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Baka sakaling mabangga niya ang kasagutan.

Binabagtas niya ang Grove nang mapansing tumawid si Gabe ng kalsada. Sa pagmamadali nito ay hindi siya napansin kahit halos sampung talampakan lamang ang kanilang pagitan.

Si Gabe.

Matutulungan siya nito!

Kailangan niyang makipag-usap nang masinsinan sa dating kasintahan. Kailangan niyang humingi ng tawad at humingi ng isa pang pagkakataon para manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dito, pero ito na lamang ang natitira niyang kaibigan. Sa lahat ng iba ay hindi na siya nagpaparamdam. Si Gabe nalang yata sa mga dating kakilala ang nakakaalam na buhay pa siya.

Kailangan niyang makausap si Gabe.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi at dali-daling sinundan ang dating kasintahan. Kahit wala na ito sa paningin ay alam niya kung saan ito papunta.

Sa coffee shop.

----------------

Abut-abot ang kaba ni Gabe habang patakbong naglalakad. Anim na buwan. Anim na buwan na silang hindi nagkikita; pero sa kanyang pakiramdam, anim na taon na ang lumilipas. Sa pagkakataong ito, hindi niya iniisip na kakayanin pa niyang hindi muling makita ang boyfriend. Kapag may biglang nangyari kay Daniel at naudlot ang kanilang pagtatagpo, baka kung anong maisip niyang gawin. Dami pa namang tulay dito sa campus.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon