Part 15: Umpisa ng Bagong Kabanata

7K 116 6
                                    


Heto na naman siya. Naghahabol sa wala.

Dali-daling lumabas ng bahay si Rusty. Maraming tao; hindi matanaw ni anino ni Jace.

Nakatakas na naman.

Tinakasan na naman siya.

Hindi niya alam kung matatawa ba o maiiyak o magagalit. Bakit ba sa tuwing may gagawin siyang maganda para sa lalaki ay naglalaho itong parang bula? Ganito ba siya ka-walang kwenta para i-isang tabi nalang?

Bagsak ang balikat, pumasok siya sa kusina. Hindi na siya dumaan sa sala dahil siguradong nagtataka ang mga tao doon kung bakit bigla nalang siyang umalis. Nakakahiya tuloy.

Dapat na ba siyang umalis?

Babalik nalang siya sa Los Banos. Ano ba naman yung mag-isa nalang siya ulit? Sanay naman siya sa ganon. Kaysa manatili siya dito pero hindi siya welcome para kay Jace.

'O, Rusty, bakit para kang nalugi sa tinapa?' tanong ni Aling Edna.

Para itong kabute na bigla nalang sumusulpot. Nakakatuwa ang nanay ni Jace. Punggok at bilugan; parang bolang may mukha.

Malamlam na ngiti lang ang naibigay na sagot ni Rusty. Napabuntong-hininga na naman siya.

'May problema ba?' pag-uusisa ng matanda.

'Yung anak nyo po kasi... lumabas yata, hindi manlang ako sinabihan.' Hindi niya maiwasang maghimutok.

'Ang clingy mo naman pala.'

Napabulalas siya ng tawa. 'Inay naman...' ungot niya.

'Teka, kayo na ba?'

'Ah, ano... hindi ko po alam—hindi pa. Hindi pa po.'

Umiling-iling si Aling Edna. 'Ang tagal talagang maka-move on ng batang 'yon. Sabihin mo nga sa kanya, hindi siya puno, pwede siyang gumalaw!'

'Ano pong move-on? Kanino po?' Parang may sampung paru-parong nagwawala sa kanyang tiyan.

'Kanino pa, eh di kay Steve!'

'Sino po si Steve?' Parang may malamig na kutsilyong tumarak sa kanyang puso.

May umubo sa kaliwa nila: si Chris, ang nakababatang kapatid ni Jace. Pinandulatan nito ang ina.

Bigla namang namuti ang mukha ng matanda. 'Ah, wala, joke lang. Sinong Steve? Wala akong kilalang Steve! Ikinaway-kaway nito ang mga kamay na akala mo'y nalulunod. O, sya, maiwan na kita, matutulog na 'ko. Sumunod ka na rin kay Jace sa taas. Umakyat na sya matapos mong kumanta.'

Naka-ilang hakbang na siya paakyat bago naalalang mag-goodnight sa dalawa.

Nasa taas lang pala ang walanghiya, pinag-isip pa siya!

Madilim ang kwarto pag pasok ni Rusty. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil aninag naman ang nakahigang katawan sa kama. Nakatalikod sa kanya ang lalaki; nakaharap sa bintana.

Marahan siyang humiga sa tabi nito.

'Rusty?' Mahina ang boses. Hindi siya nililingon.

'Hmmm?'

Humarap si Rusty sa likod ng lalaki. Hindi niya alam kung dahil ba sa lamig ng kwarto kaya nanginginig si Jace. Para silang nasa Baguio sa baba ng temperatura ngayong gabi. Hinila niya ang kumot sa paanan at itinakip ito sa kanilang dalawa. Tuloy-tuloy ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ipinatong ang kaliwang kamay sa baywang ng lalaki.

'Ano yon?' tanong ni Rusty nang manahimik si Jace.

'Totoo ba yung sinabi mo kanina? Sa McDo?'

'Na gusto kita?'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon