Part 7: Ang Desisyon ni Gabe

9.2K 156 6
                                    

'Gabe?'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Gabe?'

'Hmmm?'

'Hon, gising na. Uuwi na tayo.'

Madilaw ang paligid. Bukas lamang ang lamp shade at nababalot ng mga anino ang kwarto. Pupungas-pungas pa si Gabe; dama nya ang kamay ng kasintahan sa balikat. Nakatulog nga pala siya sa servants' quarters sa tabi ng gym. Huminga siya ng malalim at saka yumapos sa bewang si Daniel; nakasiksik ang mukha sa hita.

'Uuwi na tayo,' pag-u-ulit ni Daniel, naglalambing ang boses. 'Halika na, pogi.'

Iniangat nang bahagya ni Gabe ang ulo at tumingin sa nobyo. 'Dito nalang tayo matulog...'

Tumayo si Daniel at hinila pataas si Gabe, hanggang sa nakaluhod na si Gabe sa kama para magkaharap. Pagkuwa'y hinalikan nang bahagya ni Daniel ang kasintahan sa labi. 'Sorry, hindi pwede. Maaga pa ako aalis bukas at nandon sa bahay yung mga gamit ko.'

Umakap si Gabe sa leeg ni Daniel. 'Sige, pero buhatin mo 'ko.'

'Ahahahaha!' Hinalikan ni Daniel si Gabe sa pisngi. 'Gusto mo yata ako mabalian ng likod. Halika na, tumayo ka na dyan.'

'Uy, alam mo ba, bago mo ako gisingin, nanaginip ako. May katabi daw ako dito sa kama na foreigner. Sobrang gwapo: blonde at blue eyed. Inaaway nga lang ako eh, ewan ko ba, hindi ko gaano maintindihan kasi English,' saad ni Gabe sabay tawa nang mahina.

'Ah, ganon ba?' Nakakunot ang noo ni Daniel. 'Si Jerome yon, yung pinsan ko na namatay dito sa mansyon.'

'Ha?! Seryoso ka ba??'

'Aray-aray—teka hindi ko makahinga... jo-joke lang...'

Umaklas sa pagyapos si Gabe at saka pinagsusuntok ang dibdib ni Daniel. Halos mapaupo naman sa katatawa ang huli.

'Ikaw, ayan, hilig mo kasing manood ng horror, bilis mo tuloy matakot.' Lumapit ulit Daniel upang akapin ang binata.

'Gago ka pala eh, 'wag mo kasi ako tatakutin! Halika na nga!' Tumayo si Gabe, hila-hila palabas ng kwarto ang nobyo. Bukas ang mga ilaw sa hallway, pero iniiwasan niyang mapalingon sa mga nadaraanang madidilim na sulok, at baka sakaling doon nagtatago ang multo ng gwapong foreigner.

----------------

Mabagal lumipas ang mga araw sa Guimaras. Noong Bagong Taon, nang ipagpaalam ni Daniel na "dadalaw" sila dito, akala ni Gabe ay aalis din sila kaagad. Hindi niya inasahan na magtatagal pala sila. Sa ngayon ay nalalapit na ang ikatlong buwan ng kanilang pananatili sa probinsya. Paminsan-minsan, dumadalaw sila sa Maynila para puntahan ang kanyang mga kapatid. Tuluyan na niyang ibinigay sa ama ang pag-aalaga sa mga bata, para na rin sa ikabubuti ng lahat. Kita naman niyang maayos ang kalagayan ng mga ito. Hindi rin naman siya nami-miss gaano dahil halos araw-araw silang nag-uusap sa Skype.

Ayaw man niyang aminin sa sarili, nababato na si Gabe sa hasyenda. Kung anu-ano lang ang ginagawa niya, kagaya ng pag-e-ehersisyo, pagtatampisaw sa sapa, pagbabasa ng mga nobela, panonood ng sine at TV series o kaya ng mga online classes sa Coursera. Medyo nahihilig na rin siyang magdrawing at magpinta kaya't umoorder siya ng kung anu-ano: ProMarkers, mga ballpen na iba't-ibang kulay, lapis, color pencils, watercolor, sketchpads, at canvas. Hindi naman siya lumalampas sa allowance na ibinibigay sa kanya ng nobyo kaya okay lang. Ang problema, hindi siya magaling mag-art. Kahit anong tutorial ang panoorin niya sa YouTube, palaging mas maganda ang laman ng kanyang imahinasyon kaysa sa lumalabas sa kanyang papel at canvas. Ang sabi naman ni Daniel, kelangan daw niya ng 10,000 oras na practice para gumaling siya. 'Ang tagal namaaaan,' angal niya.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon