Part 11: Ayaw Tumila ng Ulan

7.7K 127 10
                                    



Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Gabe nang maramdaman ang lamig ng baso sa pisngi. Ito ang gumising sa kanya, na nasundan pa ng halik sa noo.

'Wake up, sleepy head.'

Nagbukas ang isang mata. Antok na antok pa siya dahil mag-u-umaga na naman nang matulog silang dalawa. 'Good morning, mahal,' bati ni Gabe. Humikab, nag-unat, naupo sa kama, sumandal sa headboard.

Isang linggo sila sa Bohol at kahapon lamang bumalik ng Los Banos. Nagulat si Gabe dahil pagdating nila sa apartment ay puro bagong furniture at appliances na ang nandoon, at may nakakabit na ring split air conditioner. Naunawaan ni Daniel na ayaw ni Gabe lumipat ng tirahan kaya't binilhan nalang siya ng mga bagong gamit dahil makikitira rin daw siya dito. Maliit lamang ang studio apartment, pero sadyang ayaw nang mapahiwalay ni Daniel.

'Breakfast in bed?' Hawak ni Daniel ang tray na nakapatong sa kama. May omelet, toasted bread, butter, cheese, mga prutas, brewed coffee para kay Daniel, at freshly-squeezed orange juice naman para kay Gabe.

'Ang bango ah,' saad ni Gabe. 'Luto mo?'

Tumawa lang ang lalaki. 'Sorry, inorder ko lang yan—actually, inorder ni Ericka at ipinadala dito.'

Unang kinuha ni Gabe ang isang piraso ng cherry. 'Mmmm... Hindi talaga ako magsasawa dito.' Uminom siya ng orange juice. 'Bakit ang aga mong gumising?'

'May conference call kanina eh. Sa labas lang ako nakipag-usap, para hindi ka magising. At napansin mo ba? Pina-sound-proof ko 'tong studio. Kita mo, walang nagreklamo mga kapitbahay kagabi,' panunukso ni Daniel.

Napangisi naman si Gabe. Tandang-tanda niya ang mga hiyaw at halinghing. Simula nang "magkabalikan" ay parating wild ang pagtatalik nila tuwing gabi. Parating sagad na sagad—sinusulit ang bawat sandaling hindi sila nagkasama. Parating performance level. Kapag umaga naman, mas-sweet ang kanilang pagtatalik.

'Halika nga,' paanyaya ni Gabe. Lumapit si Daniel at naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal ang halikan. Ninanamnam ang bawat sandali. Nang maghiwalay ay pareho silang nakangiti. 'Balik trabaho ka na rin pala ngayon,' saad niya.

'Hmmm... emergency lang kanina kaya sumama na 'ko sa meeting. Pero sabi ko naman sa 'yo, babe, babawasan ko na ang pagta-trabaho.'

'Sigurado ka ba na okay lang kay papa na... matagal kang mawawala?'

'Oo naman, basta para sa 'yo. Siya nga ang nagpupumilit na magbakasyon na 'ko. Lagi pa 'kong napagsasabihan sa pagiging overworked, kaya mo daw ako iniwan.'

'Nagalit ba siya?' tanong ni Gabe.

'Sa akin, oo. Alam mo naman, paborito ka 'non. Ikaw nga yata ang tunay na anak eh.'

Napatawa silang dalawa.

'Kapag pwede na 'ko mag leave, dalawin natin sya.'

'Sige, sige. Gusto ngang pumunta dito, kaso sabi ko, sosolohin muna kita.' Hinalikan siya ni Daniel sa pisngi.

Ganito sila palagi ngayon. Honeymoon stage, talo pa noong nag-Hong Kong sila. Ngayon, palaging nakadikit si Daniel. Kulang nalang sumama pati sa banyo. (Minsan, oo, kapag maliligo.) At gaya kay Gabe, marami ring mga bagay ang nagbago sa lalaki. Isa dito ay ang pagbibigay pagkakataon sa ama na magkalapit sila. Nang umalis si Gabe ay kay Papa Ben nalang nakakapagkwento si Daniel. Hindi nalang puro business ang mga nagiging usapan, na talaga namang ikinatuwa ni Gabe.

Isa pa, kita niyang pinipilit na ni Daniel na huwag na masyado magpakatutok sa pagtatrabaho para magkaroon sila ng mas maraming oras sa isa't isa, bagama't kita rin niyang nami-miss nito ang pagka-busy sa opisina. Minsan naka-titig sa cell phone o sa laptop na para bang naghihintay na may mangailangan ng tulong. Sinabi ni Gabe na okay lang naman magtrabaho, pero mapilit si Daniel na para sa kanila ang mga araw na ito.

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon