Part 16: Panibagong Hadlang

5.8K 107 12
                                    

Madilim pa nang maalimpungatan si Rusty. Lalong yatang lumamig pagsapit ng umaga. Sa kanyang tabi, nakayakap si Jace sa unan. Dahan-dahan niya itong tinanggal at saka kinupkop sa mga braso ang nobyo. Kagabi, bago sila matulog, sinagot na siya ni Jace.

Muli siyang nagising nang dahil sa pagyugyog ng maliliit na kamay sa kanyang braso.

'Breakfast na!' sigaw ni Elise, ang 4-year old na tabachingching na anak ng pinsan ni Jace. Tumakbo ito palabas nang makitang gising na siya.

Puno ng sikat ng araw ang kwarto, na kasing-laki ng isang studio apartment. Puti ang pintura; may dalawang glass cabinet ng mga libro; isang study table; sofa sa tabi ng bintana; flat-panel TV katapat ng kama; narra closet; at mga paintings na nakasabit sa dingding. Ang pinaka-malaki sa mga paintings ay larawan ng isang blonde cowboy na nakasakay sa isang brown na kabayo, pinapanood ang mga lumilipad na space ships sa kalangitan. Hilig talaga ng boyfriend niya sa sci-fi at fantasy.

Napangiti si Rusty. Boyfriend. Parang napahiya siya sa sarili kaya't tinakluban ng unan ang mukha. Akala mo teenager siya kung kiligin.

May lundag sa kanyang mga yabag nang tunguhin ang banyo para umihi at mag-ayos ng sarili. Dapat fresh siya pagharap kay Jace sa baba.

Kung magturingan ay halatang bago lamang silang magnobyo. Kung hanggang kahapon ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya, ngayong umaga naman ay napaka-sweet. Ipinagtimpla siya ng kape at ipinaglagay ng kanin at ulam sa plato. Para namang walang napapansin ang ibang mga tao sa bahay. Hindi tuloy niya alam kung nag-announce na ito na magnobyo na sila o ano ba. Ineenjoy nalang ni Rusty ang umaga kasama ang kanyang bagong pamilya.

Nanood sila ng "Goosebumps" sa sala kasama ang mga bata. Nakasandal si Jace sa kanyang dibdib at magkahawak ang kanilang mga kamay. Hindi tuloy niya maintindihan ang pinapanood. Ayaw man niyang isipin ay kung anu-anong malalaswang gawain ang tumatakbo sa isip niya. Siguro naman, ngayong gabi, pwede na silang mag-honeymoon? Pihadong pagdating pa lang ng hapon ay masakit na ang puson niya dahil kanina pa siya tinitigasan.

Matapos ang tanghalian ay nagyaya si Jace na maglakad. Itu-tour daw siya sa bayan. Dumaan sila sa simbahan, plaza, mga tindahan ng tsinelas at sapatos, nag-pizza at nag-milk tea. At pagkatapos ay nauwi sila sa isang ilog sa paanan ng bundok. Kinailangan nilang mag-tricycle para makarating dito.

Ang sabi ni Jace, dinarayo ang ilog ng mga lokal tuwing tag-araw; pero dahil malamig ang panahon, kakaunti lang ang mga nandirito ngayon. Dumaan sila sa kakahuyan bago kumaliwa sa may puno ng mangga. Lumabas sila sa gilid ng ilog at saka umupo sa batuhan. Ibinabad ang mga paa sa malamig na tubig. Mataas ang araw, pero presko at mabango ang hangin.

Hindi man sila magkatabi, hindi man nakatingin sa isa't isa, ramdam ni Rusty ang pagmamahal ni Jace. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang siya napayapa. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nagkaroon ng pagkakuntento sa buhay na gaya ngayon.

Gayunpaman, may isang maliit na bagay na nais niyang malaman. Maliit lang naman... hindi seryoso: kung sino ba ang hayop na walanghiyang si Steve na binanggit ni Nanay Edna kagabi.

'Hon?'

Nginitian siya ni Jace. 'Ano po yon, Sir?'

Pinalo ni Rusty ang tubig at tumalsik ito sa nobyo.

'Joke lang! Grabe ka naman.' Ginantihan siya nito.

'Kasi naman... naglalambing na nga, tapos puro ka pa joke.'

'Sorry, sige, hindi na.' Kinindatan siya ni Jace. 'Take two.'

Tiningnan nang masama ni Rusty ang boyfriend, pero sumakay na rin. 'Hon?'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon