Part 2: Nawala Nalang Bigla

25.9K 311 25
                                    


Mali na naman. Umiiling si Gabe habang sinusundan ang kanyang boss pabalik ng guest house. Bakit palagi nalang mali ang mga nagagawa niya? Okay na sana eh, maayos na lahat. Bakit ngayon galit na naman?

Nagsimula nang uminit ang araw at tumutulo na ang kanyang pawis. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang tumalon sa dagat at lumangoy pabalik ng Maynila. Tangina talaga.

Pagkakita pa lamang niya sa asul na bubong ng kanilang tinutuluyan ay kumabog na ng husto ang kanyang dibdib. Heto na naman po tayo, mga kaibigan, patay na naman po ako sa amo ko.

Naunang pumasok ng bahay si Daniel, nakatayo sa may pinto, at hinintay siyang makapasok. Itinalpak nito pasarado ang pintuan, at muntik nang mapatalon sa gulat ang driver.

'Boss! Sorry po talaga—'

Hindi na naituloy ni Gabe ang sasabihin, sapagkat sa sandaling iyon, lumapat na ang mga labi ni Daniel sa kanya.

Noong bata pa si Gabe, noong siya pa lamang ang anak ng kanyang mga magulang, pumunta sila sa isang resort sa Laguna, sa paanan ng bundok. May malalim na swimming pool, at doon naliligo ang kanyang inay. Sa tabi lamang nagtatampisaw si Gabe dahil takot siya sa tubig, takot na takot. Walang sabi-sabi, may malalaking braso ang bumuhat sa kanya, ini-angat siya sa ere, lumipad silang panandalian, at sabay na bumagsak sa malamig na tubig. Pikit matang lumublob ang ang buo niyang katawan. Hindi makahinga; akala niya'y katapusan na niya. Pero makalipas ang ilang segundo ay umangat silang muli, at umagos ang sariwang hangin sa kanyang ilong, at pinuno ang kanyang dibdib. Tumawa ng malakas ang batang si Gabe. Walang kasing ligaya sa puso niya. Hindi pa pala siya mamamatay.

Ganoon ang kanyang pakiramdam sa paghalik ni Daniel. Para siyang tumalon sa bangin. Subalit sa halip na bumagsak sa batuhan ay lumipad siya kasama ng mga ulap.

Kinailangan niyang lumayo para kumuha ng hangin. At gaya noong bata pa siya, nang muli siyang lumublob sa malalim na swimming pool, muli ring binalikan ni Gabe ang matatamis na labi ng lalaking nasa kanyang harapan.

Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang mangyayari ang ganito, subalit sa unang pagkakataon na naglapat ang kanilang mga katawan, nang matikman ang init ni Daniel, alam niyang wala na itong atrasan.

Humigpit ang yakap sa isa't-isa, binuhat ni Gabe ang mas maliit na lalaki, at binitbit ito papasok ng kwarto.

----------------

May tatlumpung minuto pa bago sila makarating ng apartment pero parang hindi na tatagal ang pasensya ni Daniel. Sa lahat ng ayaw nito ay matinding traffic. Kaliwang kamay ang gamit ni Gabe sa manibela, habang nakapatong naman sa hita ni Daniel ang kanan.

Mahigit sa dalawang buwan na mula nang makabalik sila mula sa Coron. Sa panahong iyon ay medyo malaki na ang ipinagbago ng kanilang relasyon. Sa harap ng ibang tao, propesyonal pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa. Boss pa rin ang tawag ni Gabe kay Daniel. Pero sa likod ng saradong pinto, kapag silang dalawa nalang, parang maamong kuting si Daniel, palaging hinahanap ang kanyang mga yakap at halik.

Kung usapang pag-ibig, hindi maikakaila na nahulog na ng tuluyan si Gabe. Ulap ang nilalakaran niya araw-araw. May isang problema nga lang: ayaw ni Daniel ng relasyon. Gusto ni Daniel, magkaibigan lang, at sinabi niya ito noong nasa isla pa lamang sila. Wala namang magawa si Gabe dahil kahit anong gawin niya ay susunod lang siya sa utos ng lalaking mahal.

'Okay ka lang, Dan?' tanong ni Gabe. Inilapat niya ang kanang kamay sa batok nito at saka minasahe ang naninigas na kalamnan.

Napapikit si Daniel at naglabas ng buntong hininga. Umungol pa ng kaunti. 'Fucking traffic.'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon