Part 9: Isang Paghihiwalay

8.2K 128 7
                                    

Hindi niya malalaman na umaga na pala kung 'di pa tumunog ang cell phone.

Napangiwi siya nang mabasa ang text. Shit. Male-late na naman. Sa labas ng bintana ay madilim ang kalangitan. Katatapos lamang ng bagyo at may kasunod na naman daw. Bumangon siya ng kama at iniwan ang dalawang hubad na lalaki na natutulog pa rin. Dumeretso siya sa banyo para maghanda nang pumasok.

Sa kusina, habang nagsusuot ng polo ay kumuha siya ng mansanas sa ref. Hindi siya mahilig sa mansanas pero ito nalang ang natitirang pagkain. Kailangan na talaga niyang mag-grocery. Bago maubos ang prutas ay lumabas na ang dalawang lalaki na magkahawak ang kamay. Suot na nila ang mga hinubad kagabi.

'Thank you, pre, ha,' sabi ni Ramil na nakangiti. 'Sa uulitin.'

'Bye!' sundot naman ni Alan.

Iyon lang at umalis na ang dalawa. Mag-asawa sila; naghanap ng ka-threesome sa Tinder. Gwapo pareho kaya pumayag siya. Pangatlong beses na nilang nag-sex kagabi, pero napagdesisyunan niya na huli na 'to. Naiingit lang siya kung paano magmahalan ang dalawa. Mas mabuti pang bumalik nalang sa mga single.

Makalabas ng bahay ay nag-selfie muna siya at nag-post sa IG account ng coffeeshop. #readyforwork!

Ilang sandali pa'y nagsimula nang bumuhos ang mga likes at comments.

Pagdating sa restaurant, nadatnan niyang nakasimangot si Gabe. 'Oh, hindi ako late, ha?' pagtatanggol niya sa sarili.

Inirapan siya nito at sinabing, 'Sabi mo tutulong ka mag-ayos bago ang opening.' Mahina lang ang boses, pero halatang nagpupuyos. Palagi nalang itong masungit, ewan ba niya. Hindi naman siya late. Sampung minuto pa bago magbukas ang resto.

'Good morning, Rusty!' bati ni Jace. Perky na naman. Ngumiti lang si Rusty. Wala pa siyang ganang makipag-usap sa bestfriend ni Gabe. Okay naman si Jace; maayos kausap, matalino, nakakatawa, pero hindi gwapo. Ni hindi manlang hipon. Kahit ayaw nito pahalata ay alam niyang may gusto ito sa kanya. Ang problema, ayaw na ayaw niyang nagpapa-asa ng taong hindi naman niya kayang suklian ang pagtingin.

Pumasok si Rusty ng banyo para umihi at magsalamin. Kailangan perpekto siya pagdating ng kanyang mga fans—este, customers.

----------------

'Kuya, bakit mo ba kinukunsinti yang taong yan? Late na naman!' bulong ni Gabe nang makapasok ng banyo si Rusty.

'Grabe ka naman! Diba nga nagka-problema yung tao? Give him some slack. Oh, ano ibig sabihin ng "give him some slack?"'

'Additional freedom,' sagot ni Gabe na nakasimangot. 'Pero nakakainis na talaga. Magta-tatlong linggo na siya dito sa trabaho, tamad pa rin! Aba, kung may problema sya, 'wag nya dalhin sa trabaho. Bakit ba kasi pinayagan kong dito tumira yan?'

Napangiti si Jace. 'Yan ang gusto ko sa 'yo, friend, very professional ka talaga. Tama yan, aasenso ka, for sure.'

Bumuntong hininga nalang si Gabe. Kapag si Rusty na ang usapan, lagi itong pinagtatanggol ni Jace. Hindi lang bulag ang pag-ibig. Pipi, bingi, pilay, at tanga-tangahan pa. Iniba nalang din ni Gabe ang usapan.

'Bakit ba "friend" ang tawag mo sa 'kin? Diba yan din ang tawag mo dun sa kaibigan mo sa Sweden?'

'Si Trevor? Ah, "friendship" talaga tawag ko 'don. Kaso nga, oo, minsan "friend" din. Hahaha...'

'Eh di dapat iba ang tawag mo sa 'kin kasi nga bestfriends na tayo,' pagmamaktol ni Gabe.

'Ano ba dapat? Bestfriend #2? Kasi diba yung Bestfriend #1 ko nasa Dubai? Tapos yung "BFF" naman, taken na rin, kasi si Odet na 'yon. So, ano nalang tawag ko sa 'yo?'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon