Part 17: Masinsinang Usapan

5K 103 16
                                    

'Nagulat talaga ako,' saad ni Gabe.

'Ako rin,' pagsang-ayon ni Jace.

Pareho silang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Nagba-browse sa Facebook si Gabe, habang nanonood naman ng Game of Thrones si Jace sa tablet.

'Biro mo,' sabi ni Gabe, 'nung makalawa lang, wala kang boyfriend; tapos ngayon, pinaghanda mo pa ng birthday? Akala ko nga niloloko mo lang ako nung tinawagan mo ako kanina eh.'

'I know, right? Who would have thought? Akala ko pa naman yung may-ari ng ampunan yung makakatuluyan ko—aray!'

Tumama sa ulo ni Jace ang throw pillow. 'Ang sama nyong dalawa,' sabat ni Rusty. Nakaupo ito sa tabi ng study table at nag-i-Instagram gamit ang laptop ng nobyo. 'Birthday ko ngayon, dapat hindi nyo ako inaaway.'

Tumatawa ang magkaibigan. Kanina pa nila inaasar si Rusty. Katatapos lang ng hapunan at nag-uwian na ang karamihan sa mga bisita. Si Daniel ay nandoon sa sala at nakikipag-videoke sa mga pinsan ni Jace.

'Kumusta nga pala honeymoon?' tanong ni Jace.

'May mga ginawa kaming hindi pa namin nagawa dati,' nakangising sagot ni Gabe.

'Yuck, Gabe,' saad ni Rusty, 'huwag ka ngang malaswa.'

'Huwag kang makisabat. Hanggang dito lang sa kama ang usapan,' ganti ni Gabe.

'Ah, ganon pala, ha?'

'Aray, teka, huwag kong apakan!' reklamo ni Jace.

'Sorry, hon—sorry!'

Sumiksik si Rusty sa gitna ng magkaibigan, at pagkatapos ay umakbay sa nobyo.

'May sinasabi ka?' pinandidilatan ni Rusty si Gabe.

'Grabe kang maka-dikit ngayon ah. Pero dati—ARAY!'

Pinipisil ni Rusty ang kaliwang pisngi ni Gabe. 'Ang cute-cute mo talaga!'

Pinalis ni Jace ang kamay ng nobyo habang natatawa. 'Pikon mo.'

'Eto kasing lalaking ito eh, nang-a-ano eh...'

'Teka, totoo naman yung sinabi ko ah?' Hinihimas-himas ni Gabe ang nag-i-init na pisngi. Mukhang hindi na niya pwede basta bigwasan si Rusty dahil boyfriend na ito ngayon ng bestfriend nya. 'Ikaw Rusty, humanda ka sa kin. Kapag nakatalikod si kuya, uupakan kita.'

'Tumigil na nga kayo,' saway ni Jace. Nakipagpalit ito ng pwesto kay Rusty. Dumapa si Rusty at idinantay ang braso sa hita ng nobyo. Sa dami ng nangyari ay napagod siya, at ilang sandali pa ay nakatulog na.

'Pano bang nangyari, kuya?' Litong lito si Gabe. Simula nang magbalik si Jace sa coffee shop ay hindi manlang nila napag-usapan si Rusty, para huwag nang magbukas ang sugat sa dulot nito. Pero kaninang umaga, pagkagising niya, sakto namang tumatawag si Jace para sa surprise birthday party. Akala niya ay nananaginip pa rin siya dahil sa napaka-imposible naman yatang maging mag-boyfriend ang dalawang taong hindi manlang nagtitinginan sa mata.

'Well,' sagot ni Jace, 'apparently eh gusto pala ako nito.' Hinagod ni Jace ang buhok ng natutulog na lalaki. 'Medyo... medyo vulnerable ako nung gabi ng kasal mo, kasi nga na-Indian na naman ako. So ayun, nagdadrama ako sa beach. Yung mga tanong ko ba sa buhay: bakit walang nagmamahal sa akin, bakit ayaw ako ng mga taong gusto ko. Sorry ha, pero lalo akong naapektuhan nung nakikita kong masaya kayo ni Daniel habang nanonood ng mga performances. Narealize ko na napapalibutan ako ng mga taong nagmamahalan, pero mag-isa lang ako sa buhay.'

Hinawakan ni Gabe ang kanang kamay ng bestfriend.

'Tapos,' pagpapatuloy ni Jace, 'bigla namang dumating itong lalaking to. Akala ko nga magpapakalunod eh; yun pala magkakalat lang sa dagat, kaya pinigilan ko. Sobrang na-wirduhan ako kasi lumapit at kumanta pa. Eh di muntik na kong maiyak kasi favorite na kanta ko pa yung kay Adele; kaya ayun, walk out ang lolo mo. Tapos, hinabol ako, tapos, hinalikan ako—'

Ang Boss at ang Driver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon