Mika's POV
Nag-iinuman lang silang lahat. Ako? Nganga. Hindi naman kasi ako umiinom e.
Mukhang okay na okay si Mich at si Brylle. Sobrang sweet nga nila e. Para na silang mag-jowa.
Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko maialis yung tingin ko sakanilang dalawa. Pero ako lang din naman yung nasasaktan!! <//3
Whoo! Wake up Mika, ano ka ba?! Masyado ka ng obvious ah! Mapaghahalataan ka niyan eh! -___-
"Ahm, excuse me guys, may pupuntahan lang kami ah. Brb."
Sabi ni Brylle. At umalis sila ni Mich.
Anak ng!!! Saan kaya sila pupunta?!
I have this urge para sundan sila, pero kapag ginawa ko naman yun, mahahalata nila ako at baka intrigahin nila ako.
Ayoko na talaga. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko na kayang makitang ganyan si Mich at si Brylle!
Pero hindi pwede! Birthday kasi to ni Chin e at 5 days kami! Titiisin ko nalang, kaya ko to!!!
Nakakainis!! Bakit ako nagkakaganito? Ako naman may gusto nito diba?
Ako naman gumawa nito diba? Ako naman ang nagpakilala sa kanila sa isa't isa diba? Eh bakit ako nasasaktan ngayon? Ang shunga ko talaga, ako ang gumawa ng sarili kong ikasasakit! Great! -__-
Napatingin naman ako kay Paul. Malayo siya sa akin.. sa aming lahat.
Nakaupo din siya sa buhanginan, pero malayo na sa amin. Madilim na nga banda dun sa kinaroroonan niya e. Hindi na abot ng liwanag ng bonfire.
He was facing the sea. Pero nakayuko siya. Parang malalim yung iniisip.
"Ahm, excuse me guys ah." Sabi ko.
Aba't parang walang narinig ang mga loko! Palibhasa mga lasheeennggg na e. Lalo na si MM, Cat, Gen, at Marlon. Tsk tsk.
So pumunta na ako kay Paul. Tumabi ako sakanya.
Tiningnan niya lang ako tsaka ngumiti ng pilit. </3
"Anong problema?" Tanong ko.
"Wala.." Sabi niya ng nakangiti pero alam mong pilit pa din. Nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya.
"C'mon Paul, let it out."
"Mika, do you love me?" He asked.
"Why are you asking?"
Ugh. Wrong answer! Diba dapat, you already know the answer? What's happening to me? <//3
"I just want to know if you really do.."
"O-of c-course, I do."
Jesus Christ! Why am I stammering!
"Do you love him?"
"Him?"
"Brylle.."
"Brylle?! No. He is just my friend. Nothing more, nothing less."
"Talaga? Sana pala, friend mo nalang din ako. Nothing more, nothing less."
Aray. <//3 Bakit ang cold niya. Nasasaktan ako sa ganito. :'(
"Paul, of course you are my friend. Pero iba ka. You're special. I don't want to lose you."
"You don't want to lose me but you don't know how to take care of me.. especially my heart.."
Bakit ganito siya magsalita? Nasasaktan ako! <//3 Lasing lang siguro to kaya ganito magsalita. Hindi niya alam mga sinasabi niya.
Weh? Diba nga sabi nila pag lasing daw, doon daw tayo mas may lakas ng loob na sabihin lahat? Hay. <//3
Hindi naman siya lasing, nakainom lang ng konti.
"Why are you saying this, Paul?"
"Kasi sobrang sakit na.."
And there tumulo yung luha niya. At parang nawasak yung puso ko ng makita ko ang unang pagpatak ng mga luha niya.
"Nakainom ka lang Paul, halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo."
--
Pinahiga ko na si Paul sa kama niya, tatayo na sana ako para kumuha ng tuwalya..
"Don't leave me.."
"Hindi kita iiwan, Paul. Hinding-hindi."
I held his hands.
"Sana lang talaga Mika. Sana.."
Dammit!! Too much heartbreak for today! Sobrang sakit na. </3
Maya-maya nakatulog na din siya. Hinilamusan ko siya at pinalitan ng damit. Nung okay na siya e, nagtext ako kay Ingrid.
To: Ingrid
Sorry, hindi na kami makakabalik ni Paul jan. He's already sleeping and ayaw niyang iwan ko siya. Pakisabi nalang din sa iba. Enjoy the rest of the night.
Sent.
Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako. 2am na, bakit wala pa din sa room sina MM at Marlon?
So I went to our room to check if nandoon na si Ynna, Cat at Mich. Kaso wala din.
I also checked the rooms of my h.s friends pero wala sila lahat.
Pumunta ako sa seaside and there I found all of them sleeping!! Yes, sa sand sila nakahiga. Hahaha. Ang ku-cute nilang tingnan. Magkakatabi ang mga partners.
Ynna-MM
Gen-Marlon
Chin-Jairus
Mich-Brylle
Jean
Jason, Cedrick, David, James, Lance.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko sila. Maya-maya bumalik na din ako sa hotel room nila Paul.
Pero bago ko pa mabuksan yung pinto..
"Mika?"
--
BINABASA MO ANG
ONE STEP CLOSER [COMPLETED]
Jugendliteratur"An ideal love story turned into reality." Some parts of this story are based on true events, meaning nangyari talaga sa totoong buhay. I changed the names of the persons involved to protect their individual lives. So read. And be inspired. :) And p...