Chapter 18

24 0 0
                                    

"Mika?"

Si Ingrid.

I hugged her. She really know me the most. Alam na alam niya kapag may problema ako kahit hindi ko sabihin sakanya.

Pumasok kaming dalawa sa room nila Paul. Pumunta kami sa veranda ng room at doon nag-usap.

"I am so confused. :'(" I started.

"Sabi ko na nga ba e! Nako nako, sorry ah? Nagulo pa ni Brylle lahat."

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Walang may kasalanan dito kundi ako. Ako lang! Bakit ba kasi ganun? Alam ko matagal na akong walang feelings for Brylle pero bakit nasasaktan akong makitang magkasama sila ni Mich? Ang sama ko bang kaibigan?"

"Hindi.. Of course not. Alam mo ba kung bakit nagkakaganyan ka? Kasi nagpepretend ka lang na wala ka ng feelings for him. Pero deep down in your heart, you know na hanggang ngayon umaasa ka pa din sakanya."

"Tingin mo? Hay. Hindi ko na talaga alam. E pero kung sa tingin yan ang nararamdaman ko, eh ano yung kay Paul? Ingrid, iba si Paul. Hindi ko kayang mawala siya."

"Gusto mo si Paul. Mahal mo siya. Anong problema? Ikaw. Oo gusto mo siya, mahal mo siya. Pero si Brylle pa din ang nakikita mo sakanya. Mika, okay si Paul. Kung bibigyan mo lang siya ng chance at bibigyan mo yung sarili mo ng chance na kilalanin siya bilang siya talaga, you could be the happiest person. Please let go of Brylle, move on Mika. You can do all of this if you really don't want to lose Paul."

Thank you for my bestfriend, Lord!!

Paul or Brylle?

Sinong mas matimbang?

"Anong dapat kong gawin?"

"Isipin mong mabuti kung sino ba talagang mas gusto mo.. kapag naisip mo na, everything will follow. I hope you'll make the right choice."

"What do you mean?"

"Wala lang. Gusto ko marealize mo kung sino ba talaga gusto mo. Si Brylle? Gaano ka katagal naghintay para sakanya, ha? Matagal Mika. Napagod ka na nga diba? Bakit ba bumalik yang feelings mo? Kasi nagbago pakikitungo niya sayo? Ano ganun na lang kadali yun? Dahil finally narealize niya na gusto ka na niya, bigla bigla nalang siyang babalik? Pero paano naman yung masasagasaan niya? Si Paul? Si Paul na walang ginawa kundi pasayahin, mahalin, pakiligin at alagaan ka? Si Paul na kahit minsan hindi ka pinaiyak? Pinaghintay sa wala? See? Isipin mo nga Mika kung sino ang mas karapat-dapat sa pagmamahal mo?"

"Si Paul?"

"Siya nga at wala ng iba pa! Pero sana sa susunod na titingnan mo siya. Si Paul na ang makikita mo sakanya at hindi na si Brylle. Sana mawala na sa isip mo na kapag sinabing Paul, ang maiisip mo ay Brylle. Sana pag minahal mo si Paul, yun ay dahil sa kung sino siya. Mahirap maging replacement lang, Mika."

"Maraming salamat sa lahat, Ingrid. I will try my best para hindi mawala sa akin si Paul."

"Don't try, just do."

--

ONE STEP CLOSER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon