Paul's POV
Paggising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Pagtingin ko sa gilid ko, andun si Mika. Natutulog.
Hindi niya nga ako iniwan, magdamag. Pero anytime soon, I know iiwan niya din ako.
I need to prepare as early as now. Para kapag dumating yung araw na yun, hindi na masyadong masakit.
Pero pwede ba yun? Imposible! Sobrang mahal ko si Mika. Ayoko nga siyang mawala e. E siya ba, gusto mag-stay?
Maya-maya nagising na din siya. She kissed my forehead.
"Goodmorning. Okay ka na ba? Nalasing ka kagabi. Huwag ka na ulit iinom ah, nakakatakot kasi mga sinasabi mo e."
"Goodmorning. I'm feeling better now. Tsaka ano bang sinasabi mo jan? Wala akong maalala kagabi."
Liar. I remembered everything. Yung sa may seaside? Hindi naman ako nalasing e. Nag-pretend lang ako para masabi ko lahat ng hinanakit ko. Sobrang sakit na kasi talaga e. Sinabi ko nalang na hindi ko maalala para hindi na siya magtanong.
--
Mika's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging magkakaibigan na silang lahat. Isang barkada nalang kami.
Si Mich at si Brylle, ayun sobrang sweet pa din daw nila palagi. Para na nga talaga silang mag-jowa kung umasta e. Pero hindi pa naman sila umaamin.
Pinipilit kong maging masaya nalang para sa kanila dahil alam kong masaya sila.
Si Paul? Unti-unti ko nang ginagawa yung sinabi ni Ingrid na magustuhan ko siya at mahalin dahil siya si Paul. Hindi ko na nakikita sakanya si Brylle. Masyado bang mabilis? Hindi ah, dalawang buwan na kaya ang nakalilipas mula nung birthday ni Chin!
Kami naman ni Paul, mas nagustuhan pa namin ang isa't isa ngayon. Mas sweet, mas everything! Ansabe? Jk. Hahaha.
Oo, moved on na ako kay Brylle. Maliwanag na sa akin ang lahat. Hindi na ako umaasa, hindi kasi talaga pwede e. Masaya na din naman ako para sa kanila e.
@School.
Kakarating lang namin ni Paul.
"San si Mich?" Tanong ko ng nakangiti.
"Wala e." MM.
"Huh? Bakit daw?"
"Nagtext e, hindi daw siya makakapasok, may pupuntahan ata sila ni Brylle." Gen.
"Aba, aba? Umabasent siya para lang kay Brylle? Hindi na ata maganda to ah? Ipinakilala ko sila sa isa't isa para may inspirasyon sila pero mali to."
"Hayaan mo na, Mika."
"Anong hayaan, Paul? Hindi pwede masisira studies ni Mich! Kay Brylle okay lang e. Kasalanan ko pa pag nangyari yun dahil ako ang nagpakilala sakanila. Hay!"
"Chill!! HAHAHA.!" Gen, MM, Ynna, Marlon and Paul.
Kailangan sabay-sabay?
"Tseee!! Teka nga lang at tatawagan ko si Brylle!"
Lumabas ako ng room, maaga pa naman e.
Me: Hoy Brylle! Nasan kayo ni Mich?!!
Brylle: Somewhere lang Mika. We're just having a good time. Haha.
Me: Good time?! Hindi kayo pumasok kasi you just want to have a good time? E kung masira studies ni Mich? Good time pa din?
Brylle: Wait.. wait. Bakit ka ba sumisigaw? Haha chill babe. Are you jealous? Kung gusto mo mag-set nalang din tayo ng date natin e.
Me: Ano ba Brylle?!! Kung ano anong pinagsasasabi mo pa e. Hindi mo ba naiintindihan??! Kapag nasira yung grades ni Mich, ako ang mabe.blame ng parents niya kasi ako nagpakilala sayo sakanya!! Ipinakilala ko kayo sa isa't isa to inspire each other! Hindi para maobssessed sa isa't isa!!
Brylle: Yiiieee. You're jealous. Haha ang dami mo namang alibi babe. Kikiligin na ba ako?
Me: Tsseeee! Ang isip bata mo Brylle! Bahala ka sa buhay mo! Kung gusto mo masira studies mo, wag mo ng idamay si Mich! I hope this is the first and the last time that you'll ditch classes! Bye.
Brylle: Bye ba--
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at ibinaba ko na ang phone!
Nakakainis!!
--
Lunch time na, naghiwahiwalay kami. Kanya-kanyang date. Haha.
Si Gen at Marlon, nag-SB.
Si MM at Ynna, unuwi kina MM. Hahaha kuripot much. :P
Kami ni Paul? Sa M&E. Saan pa nga ba? Wala namang iba e.
Habang kumakain kami.. bigla nalang nagtanong si Paul.
"Mika, I know hindi tayo nagmamadali. Pero I just want to know kung kailan mo ako sasagutin? It's been 11 months na kasi since I started courting you."
Napatigil ako sa pagkain at napatingin sakanya. He looks really serious. This is the first time na nagtanong siya e.
I held his hands.. and smiled.
"Soon, Paul."
--
BINABASA MO ANG
ONE STEP CLOSER [COMPLETED]
Teen Fiction"An ideal love story turned into reality." Some parts of this story are based on true events, meaning nangyari talaga sa totoong buhay. I changed the names of the persons involved to protect their individual lives. So read. And be inspired. :) And p...