Mga 10:00am na kami nakarating sa Batangas. Si Mich ang gumising sa akin.
Pagtingin ko naman kay Paul, he's sleeping din pala. Hay, ang cute niya talaga kahit natutulog. :)
Bumaba na silang lahat sa kotse. Pero hindi ko pa din ginigising si Paul. Pagmamasdan ko muna. HAHAHA. And still, nakahiga pa din ako sa laps niya.
Hinahaplos ko lang yung mukha niya habang pinagmamasdan ko siya..
"Hoy Paul, nakakainis ka! Bakit ang gwapo gwapo mo? Bakit ang bait bait mo? Bakit ang perfect mo? Nakakainis, hindi ka na mawala sa puso't isip ko! Alam mo ba yun?! Sana wag kang magsawang maghintay para sa akin ah? Sana hindi ka na makakita pa ng ibang babae. Sana ako lang Paul, ako lang. Kasi ako.. ikaw lang. Ikaw lang talaga. Ang tagal kong hinintay na dumating yung lalaking kagaya mo. Ang tagal ko ding naghintay para sayo.. Wag mo akong iiwan ah? Hindi ko kakayanin."
Bulong ko sakanya.. At hinawakan ang mga kamay niya.
Sakto namang nagising siya..
"Where are they? He asked.
"Bumaba na, kani-kanina lang. Hm, hindi pa kasi tayo makapasok sa loob e, wala pa sila Chin."
"Eh bakit tayo? Bakit hindi pa tayo bumababa?"
"Eh natutulog ka pa e. Mukhang ang sarap-sarap kasi ng tulog mo e. And I know puyat ka din kaya hinayaan muna kita matulog."
"Hinayaan mo lang ako matulog o gusto mo lang ako masolo? Yung totoo? Hahaha siguro nung natutulog pa ako tinititigan mo ako ano? Pinagnaasahan? Ano ka ba Mika, sabihin mo lang kasi..."
Paul said. Tawa pa siya ng tawa na nang-aasar. Cute!
"Hahaha, baliw ka talaga Paul! Ang dami dami mong naiisip. E ano naman ngayon kung tinititigan kita at pinagnanasahan? Ayaw mo ba? Parang lugi ka pa e."
"Hahaha hindi ah! May sinabi ba ako? Kinikilig nga ako e. Hahaha. :)" Paul.
"Tseeee! Hahaha." At hinampas ko naman siya.
Hanggang sa dumating na din sina Chin. Bumaba na kami ni Paul sa kotse.
"Chin! Happy Birthday!! Hehe" I said then beso.
"Thanks, Mika." Chin.
"Happy Birthday.." Paul.
"Thanks!"
Naglapitan naman yung ibang Tropa.
"Hi Mika!" Brylle said and smiled.
"Hi.. Oo nga pala guys, they are my classmates. Si Gen, Marlon, Ynna, MM and Mich."
Me to Tropa.
"And guys, meet the TropaTropaChill! HAHAHA. Chin, Ingrid, Jean, Lance, Jairus, Cedrick, David, James, Jason and Brylle!"
Me to my college buddies. Nag-hi lang naman sila sa isa't isa at nagngitian.
"Oo nga pala, since gusto niyong magkakilala.. Paul this is Brylle.. And Brylle this is Paul.."
Pagpapakilala ko sakanilang dalawa.
Right after the moment na pinakilala ko sila sa isa't isa, I held Paul's hand. So that mafeel niyang siya ang gusto ko and I'm proud of that.
Napatingin naman si Brylle nun sa paghawak ko sa kamay ni Paul. Nginitian ko lang siya.
"So hi, I'm Paul. I'm glad that I finally met you." Sabi ni Paul.
"Brylle, pre! Nice to meet you too."
"Ah, oo nga pala guys, nakuha ko na yung mga susi ng hotel room natin. Here oh." Chin
At inabot niya naman samin yung mga keys.
Ynna - Gen - Mich
Ingrid - Chin - Jean
Lance - Jason - Jairus
David - Cedrick - James
Paul - MM - Marlon.
"Eh paano ako?!" We both said in chorus. Kami ni Brylle.
"Eh di, kumuha nalang tayo ng extra room pa tapos roomates nalang tayo? :)" And he winked.
Nakita naman yun ni Paul. Napatingin kasi ako saknya e.
"Aa eh hindi na--"
Naputol na yung sasabihin ko nung biglang sumingit si Paul.
"You two can't share a room. Ahm, dun nalang si Mika sa room nila Gen, I'm sure kasyang kasya naman sila dun e. Or kung hindi man, magpadagdag nalang ng bed. Kahit ako na magbayad." Paul said calmly.
"A-ah o-oo! Tama si Paul, dun nalang ako sa room nila Gen." Sabi ko naman.
"Tama Brylle, dun ka nalang sa room namin, kasya naman tayo dun e." Lance suggested.
"K." Brylle. Mukhang nainis konti.
--
GIRLS ROOM. (Mika, Gen, Mich and Ynna.)
"Uyyy girl, ang gagwapo nga ng mga friends mo! Reto mo naman ako!! Hihihi."
Si Mich talaga! Hahaha.
"Haha sino bang gusto dun?"
"Si Brylle."
O_________O
"Bakit naman si Brylle?" I asked curiously. Bakit kasi si Brylle pa? Ay ano ba yan?! Paki ko naman dun kung magustuhan niya si Brylle!
"Hahaha, wala lang. Ang gwapo niya kasi e, ang cute. Ang kulit, mapagbiro. Basta, feeling ko hindi ka mabobored pag kasama mo siya. Buti hindi ka nagkagusto dun?"
"A-ahh a-ako?! Bakit naman ako magkakagusto dun, ano ka ba, Tropa Tropa Chill lang."
"Wala lang, parang iba kasi siya sayo e.."
"Hindi ah, normal niya lang yun. Ganun lang siya talaga."
"Well, if that's the case edi... okay lang pala sayo na magpareto ako sakanya?"
"Oo naman!! Bakit naman hindi? Sige, I'll talk to him later."
"Thaaannnkkksss, Mika!"
"Np sweetie!"
So that's it, si Brylle pala yung natipuhan ni Mich. Sabagay, sino nga bang hindi magkakagusto sakanya. Lalo na't mas gwapo na siya ngayon.
Kaibigan ko si Mich. Gusto ko siya maging masaya. Kung magiging masaya siya kay Brylle. Hindi ko ipagkakait sakanya yun. She deserves to be happy. :)
--
BINABASA MO ANG
ONE STEP CLOSER [COMPLETED]
Novela Juvenil"An ideal love story turned into reality." Some parts of this story are based on true events, meaning nangyari talaga sa totoong buhay. I changed the names of the persons involved to protect their individual lives. So read. And be inspired. :) And p...