Mika's POV.
2 weeks...
2 weeks na ang nakalipas simula ng magkaayos kami ni Mich.
At 2 weeks na akong mag-isa sa bahay. Araw-araw naman akong pinupuntahan ni Brylle kaya hindi ako masyadong nalulungkot.
At 2 weeks na din simula ng huli kong makita si Paul.
Oo, tama kayo ng basa. Dalawang linggo na nang huli kong makita si Paul. Dun sa bahay nila MM.
Hindi na siya pumasok pa pagkatapos nung araw na yun. Wala akong balita sakanya. Maging ang barkada.
Kahit isang text o tawag, wala. Kahit balita sa fb, wala din.
Ganun ba ko ba talaga siya nasaktan? Oo na, kasalanan ko. At ito ang parusa ko. Ang tuluyan ng mawala si Paul sa akin.
Ang hirap pa ding tanggapin.
Umasa kasi ako e. Alam ko kung gaano ako kamahal ni Paul. Alam kong hindi magtatagal tong away na to kasi alam namin pareho kung ano ang nararamdaman namin para sa isat-isa.
Pero mali pala ako.
Wala na e, wala na akong magagawa. Pipilitin ko nalang siguro makalimot. Kahit ayoko. Kahit labag sa loob ko. Kahit ayaw ng puso't isip ko.
Akala ko ito na e. Akala ko siya na. Sa lahat kasi ng nangyari samin, hindi ko inakalang sa ganito lang din magtatapos.
Paul is a dream come true. But I never expect na this will only last for a year.
1 year.
Ipinahiram lang pala sa akin si Paul. Siguro nga para siya sa iba.
Pero hindi ko kayang tanggapin e.
Gustong-gusto kong maibalik ang lahat sa dati pero napakalabo na talaga. Wala ng pag-asa.
"Mika, I think it's time for you to move on."
Sabi ni Brylle. Awang-awa na siguro sakin to si Brylle. Araw-araw ko ba naman siyang iyakan at labasan ng hinanakit e. Alam na alam niya ang nararamdaman ko.
"Ayoko Brylle. Dito lang ako, maghihintay ako. Babalik yun, MAHAL ako nun."
Sabi ko. Shete maiiyak nanaman ako. </3
"2 weeks na Mika oh? Di na siya nagpapakita? Ni ha, ni ho wala? Pati nga sila MM walang balita sakanya e."
"Ewan ko Brylle. Basta ayokong bumitiw. Malay mo, bumalik siya, kasi may babalikan pa naman siya e"
"Naniniwala ka ba talaga diyan?"
"Ewan. Siguro. Oo."
Niyakap lang ako ni Brylle. Naiyak nanaman kasi ako e. Langyang buhay to! </3 Napakasakit!
"Bakit ganun Brylle? Akala ko ba, unti-unti ng babalik ang lahat sa dati? Nasaan na yun Brylle? Parang wala naman e. Kami lang ni Mich yung nagkaayos. Paano naman kami ni Paul?"
"I-i'm sorry Mika. I already did my part. I already did my best to explain everything kay Paul. I thought okay na sakanya ang lahat. Pero hindi pa pala. I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi ni Brylle.
I broke the hug.
"Y-you d-did what?"
"I told him everything. Ako ang nag-explain ng lahat sakanya para sayo. Oo Mika, pumunta ako sakanya and I talked to him. Akala ko naniwala na siya. Akala ko right after that pupuntahan ka na niya. Pero hindi pa pala. I'm so sorry Mika, mas lalo ko pa atang pinalayo si Paul sa ginawa ko."
BINABASA MO ANG
ONE STEP CLOSER [COMPLETED]
Roman pour Adolescents"An ideal love story turned into reality." Some parts of this story are based on true events, meaning nangyari talaga sa totoong buhay. I changed the names of the persons involved to protect their individual lives. So read. And be inspired. :) And p...