Sino nga ba si Brylle sa buhay ko?
Kaklase ko nung 4th yr h.s. Sobrang makulit yun, malakas mang-asar. Dota addict. Pero mabait, responsible, matalino at syempre gwapo. Sobrang galing din nyang mag-gitara.
Isang simpleng kaklase ko lang naman sya. Regular na ka-grupo sa lahat ng subject. Pero unang kita ko palang sakanya, na-attract na agad ako sakanya. Unang ngiti palang nya, halos mamatay na ako. At nang makita ko syang tumugtog ng gitara, nahulog ako.
Hanggang sa dumating sa puntong naging magkaibigan kami.. Iisang barkada ang kinabibilangan namin.
At nung mga panahong yun, naisip ko na "Yes! I am one step closer. Baka mapansin nya na ako."
Naging close naman kami. Nakakausap ko sya. Nakakabiruan. Nakakasama nang mahabang oras.
Pero kahit ganun, hindi ko magawang umamin sakanyang may gusto ako sakanya..
Mababa kasi ang tingin ko sa sarili ko.
Wala akong self-confidence.
Iniisip kong hindi ako bagay sakanya.
Kaya ayun..
Tinago ko nalang ang lahat..
Hanggang maka-graduate na kami ng h.s, wala pa ding nangyari. Hindi na din kami nagkikita. Sobrang bihira nalang.
But still, I am hoping..
(A/N: If you really want to know about Mika and Brylle, please read "THE LOST DIARY" That diary explains all about her 4th yr h.s life and how badly she wants Brylle that time. So that you'll understand kung sino ba talaga si Brylle sa buhay nya noon. Don't worry, the diary is not that long. I'm gonna post it sooner or later, or gagawin ko siyang SPECIAL CHAPTER. Basta, mababasa niyo siya.)
Ayun nga. Hanggang ngayon wala akong balita sa kanya. Sa fb nalang.
2nd year college na ako ngayon at wala na talagang nangyari.
Dumating na ako sa point na tanggap ko na ang lahat. Hindi na ako umasa.
Hanggang sa nakilala ko si Paul.
Una talaga, si Brylle ang nakikita ko sakanya
Pero habang tumagal, nakilala ko kung sino talaga siya..
Since marami silang similarites, bumabalik ang lahat sa akin tungkol kay Brylle.
Ewan ko..
Bakit ganun.
Siguro nga may gusto pa rin ako sakanya?
Oo, I'll always be attracted to him.
Pero iba si Paul.
Mas gusto ko na talaga sya in every way.
Hindi ko kayang saktan siya.
Dahil hindi nya deserve yun.
And to tell everyone here..
Masaya na ako sa buhay ko ngayon.Oo, affected ako minsan pag nababanggit si Brylle.
Natutulala ako pag may something na nagpapaalala sa akin about sakanya pero wala yun. Wala yun..
--
THE LOST DIARY. Soon. ;)
Please vote and leave your comments. Share this story to your friends! Thank you! <33
BINABASA MO ANG
ONE STEP CLOSER [COMPLETED]
Novela Juvenil"An ideal love story turned into reality." Some parts of this story are based on true events, meaning nangyari talaga sa totoong buhay. I changed the names of the persons involved to protect their individual lives. So read. And be inspired. :) And p...