Chapter 14

35 0 0
                                    

Lumabas muna ako ng room nun for a while. Pumunta ako sa isang puno na malapit sa dagat. Pero mas malapit siya sa isang swimming pool. May duyan doon. Naupo ako.

Wala lang. Nagmumuni-muni lang. Lumalasap ng simoy ng hangin.

Bigla nalang sumulpot si Paul sa harap ko.

Pumunta sa harap ko at umupo.

"Anong ginagawa mo dito mag-isa?" Paul asked sweetly.

"Wala lang, nagpapahangin lang."

"Ayaw mo bang magpahinga muna para may energy ka mamayang hapon sa birthday bash ni Chin?"

"Hindi na, sapat na siguro yung naitulog ko kanina sa biyahe."

"Ako nga din e. E pero silang lahat kakaiba! Ayun at bagsak lahat. Hahaha"

Ang kulit niya. Hahaha.

"Thank you pala kanina ah?" Sabi ko sakanya.

"Huh? Para saan?" He asked innocently.

"Yung kanina kay Brylle? Pero ok lang naman eh.."

"Na magkasama kayo sa isang room?" gulat niyang tanong.

"Hindi ah! I mean, kahit naman na hindi ka na nagsalita kanina kaya ko namang tanggihan yun e. Tsaka duh? Lalaki siya, babae ako. Bawal talaga kaming magsama sa room. Hindi ako papayag." Sabi ko.

"Mas lalong hindi ako papayag. Mahirap na kasi noh.. Tsaka gusto ko ako lang. Ako lang yung lalaking pwede mong makasama sa room. Kasi you're safe with me. I won't take advantage of you."

Aahhhh! Kaya naman pala eh! Gusto niya sya lang pwede ko makasama! Hahaha dapat ang isinagguest niya na lang e kami yung nagshare ng room?! Echos! Lande! ;))

Pero oo nga, ilang beses na kaming naiiwan ni Paul sa iisang room pero wala lang. Wala namang nangyayaring kakaiba. Hindi nangyayari ang hindi pa dapat mangyari. Thank God.

"Hahaha. Thank you talaga Paul ah. Sobraaaa!!"

And from the duyan is niyakap ko siya ng super higpit! Kinikilig lang! Hahaha.

"Ehem, Ehem."

That familiar voice..

Panira ng moment! Kainis! Hahaha. Jk. -_____-

Si Brylle.

SO siyempre, napatigil kami ni Paul. Nakakahiya naman kasi kay Brylle e.

"U-uyy B-Br-Brylle!! Hehe." Sabi ko nalang.

"Ahm, Mika excuse ah, aayusin ko muna yung mga gamit ko sa room."

Tama ba namang iwan ako, Paul?!! Bakit?! T_______T

Pumunta ako sa may seaside at umupo sa buhanginan.

Sununod naman si Brylle. Tumabi sa akin.

"Gaano na pala kayo katagal magkakilala ni Paul?" Tanong niya.

"Ah, mga 1 year? 9 months na siyang nanliligaw."

"9 months?!! E bakit hindi mo pa sinasagot?"

"E hindi naman kami nagmamadali parehas e."

"Hehe ganun ba? Mukhang gustong-gusto mo na talaga siya noh?"

"Oo eh. Alam mo ba si Paul? Pangarap ko lang siya dati. Ni hindi ko naman talaga siya kilala personally. Nakikita ko lang siya sa simbahan. Na caught niya yung attention ko kasi may nakikita ako sakanya. Someone na ang tagal kong hinintay na mahalin niya din ako.. Pero wala e. Walang nangyari. Pero nung mas lalong tumatagal, every Sunday ko siya nakikita, naattract ako sa kung sino siya talaga. Naattract ako sa kung sino siya at hindi dahil lang sa may naalala ako sakanya. And what a small world.. naging kaklase ko siya. Dun ko siya mas nakilala pa. Nagkagustuhan kami at tinanggap kami ni Tita ng pamilya niya.. So ngayon, ewan ko, ayoko ng kumawala sakanya. Pag-ibig nga naman. Hahaha."

Kwento ko kay Brylle. Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

Napansin niya kayang siya yung tinutukoy ko?

"Wala na bang chance yung iba para sayo?" Brylle asked.

"Masaya na ako kay Paul eh. Sobra. Ito na kasi yung matagal ko nang hinintay. And finally, dumating na. Ayoko na pakawalan. Baka kasi hindi na bumalik e. Or worse, baka hindi na ulit ako makakita ng katulad niya."

"Bakit wala na bang mas hihigit pa sa kung ano siya?"

"Hindi naman sa ganun. Meron pa naman siguro pero it will take time para makita mo siya. Dati nga akala ko nakita ko na din e, pero hindi pa pala. 2 years Brylle, 2 years tsaka palang ulit ako nakakita and I guess this is it."

Tumitingin ako sakanya from time to time. Hindi ko mapredict kung anong nararamdaman niya.

"Sigurado ka na ba talaga diyan?"

"Hindi ko din alam e. Hindi din naman natin masasabi. Ayokong magsalita ng tapos Brylle. Hindi ko naman hawak ang oras. Pero kung ako lang sana ang masusunod, sana nga... Sana nga si Paul na."

Ang saya-saya ko habang kinukwento ko si Paul sakanya. This is Love! Hahaha.

"So huli na pala ako?" Brylle.

"Huh? Saan?"

"Wala.. Sry, nahuli ako ng dating. Sry kung ngayon lang Mika. Natakot lang kasi ako noon. Sry."

Ang lungkot niya habang sinasabi niya yung linyang yan. Nalulungkot ako. Oo, alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin e. Kunwari nalang hindi para hindi kami ma-awkwardan sa isa't isa.

"Ang labo mo talaga kahit kailan! Hindi ko maintindihan mga pinagsasasabi mo.."

"Nevermind.."

"Ikaw? Kamusta ka na pala ngayon? May girlfriend ka ba?"

"Ako? Wala ah. Hahaha. I'm single and ready to mingle. Maybe, panahon na din para magka-girlfriend ako." He smiled.

Bakit parang may konting sakit? Knowing na gusto na niyang magkagirlfriend?! Hindi ko na din talaga maintindihan yung sarili ko.

Oo, alam ko. Sigurado na ako kay Paul. Pero bakit kahit gaano ako kasigurado kay Paul, kahit gaano ko kagusto si Paul, medyo affected pa din ako kay Brylle?

Bakit?!! Gusto kong maintindihan!! Hindi kaya nasasaktan ako sa fact na gusto niyang magkagirlfriend pero hindi ako yun? Na never magiging ako yun? Hay. Nakakaiyak!

Ang labo ko ba?! Pati nga ako naiinis na ako sa sarili ko e.

Hindi! Hindi pwede!!! Kay Paul lang dapat ako magfocus! Isa pa, may gusto nga pala si Mich kay Brylle!

Shoot!!! Oo nga pala, kailangan ko nga pala siya ireto kay Brylle!!!

So eto na nga siguro yung paraan para mawala lahat ng sakit.

Irereto ko si Mich kay Brylle! Siguro hindi na ako masasaktan kasi si Mich naman yun eh! Gusto ko siyang sumaya. Pati na din si Brylle! Alam ko matagal niya ng gustong sumaya. Ayoko namang ipagkait yung chance na maging masaya sila pareho.

"Single and ready to mingle? Perfect!" Sabi ko and faked a smile.

"Bakit, you wanna mingle with me? Sure. Hahaha." Ang saya niya e.

"Baliw! Hindi ako! Hahaha."

-___________-

Yan! Naging ganyan itsura niya! Hahaha epic Brylle! :D

"Sino? -_-"

"Si Michelle. Kaibigan ko."

--

ONE STEP CLOSER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon