Chapter 22

24 0 0
                                    

"Mika? Brylle?"

Napabitaw si Brylle sa pagkakayakap niya sa akin nang marinig namin ang mga boses na iyon.

"P-Paul?" Ako

"M-Mich?" Brylle.

Tiningnan lang ako ni Paul. Kitang-kita ko ang sakit na nadarama niya ngayon.

"Paul, it's not what you thi--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, bigla nalang kasi akong iniwan ni Paul.

Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Mich.

She slapped me. Hard. <//3

"Why, Mika?!!"

"I can explain, Mich. Mali ang iniisip niyo.."

"Anong mali, Mika?!! Kitang-kita namin na magkayakap kayo?!!"

Hindi nagsasalita si Brylle.

"Akala ko kaibigan kita, Mika. Tinanong naman kita dati kung okay lang sayo na magkagusto ako kay Brylle diba? Sabi mo naman magkaibigan lang kayo?! Pero ano 'to Mika??!! Ha?!! Sabi ko na nga ba may something sa inyong dalawa e. Pero bakit, Mika?!! Hindi mo ba mahal si Paul? O sadyang malandi ka lang talaga at silang dalawa ang gusto mo?!!"

Ang sakit magbitaw ng salita ni Mich. Tagos e. Bakit ganyan sila? Alam na ba nila yung totoong nangyari? Bakit kasi ayaw muna nilang pakinggan yung explanation namin? T______________T

"Tapos ka na Mich? Salamat ah? Ang sakit mo naman magsalita. Sana inalam mo muna yung totoo bago ka nagsalita. Pero, I'm sorry. I sorry."

Umalis na ako ng garden. Buti nalang wala na kaming susunod na klase kaya pwede ng umuwi.

Hinanap ko si Paul pero hindi ko siya makita sa school. Pumunta ako sakanila pero wala pa din daw siya.

Naglalakad na ako palabas ng village nila Paul nang madaan ako sa park.

Nakita ko si Paul. Nakaupo sa isang bench dun. He was reading something.

Lumapit ako sakanya. He was crying.

"Paul.."

"I'm now letting you go, Mika."

<//3

"Ano, Paul?! Bakit?!"

"Alam ko namang ito ang gusto mo e. Alam ko namang si Brylle ang gusto mo noon pa."

"This." Abot niya sa akin and cried. </3

Then he gave me a small notebook.

My long Lost Diary.

"Paano napunta sa'yo 'to?"

"Naiwan mo 'to dati sa Simbahan at ako ang nakakita. Alam mo Mika, hindi pa tayo nagkakakilala, matagal na kitang pinagmamasdan sa Simbahan. Lagi kitang hinahanap. Nabasa ko ang laman ng diary na yan kaya simula palang alam kong si Brylle na ang tinutukoy mo sa tuwing sasabihin mong may naaalala ka sa akin. Simula palang alam ko na kung gaano mo kagusto si Brylle. Pero ang liit nga naman ng mundo, naging magkaklase pa tayo. Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Pinilit kong maging close sayo. Habang tumatagal, mas lalo akong naiinlove sayo. Naramdaman kong nagustuhan mo din ako, pero alam kong si Brylle pa din ang rason. Ang sakit isipin, Mika. Pero okay lang, alam ko namang masasaktan talaga ako e. Kaya alam mo, everytime na may kilig moments tayo? Yun yung mga panahong pinaka-iingatan ko. Kasi alam ko, darating yung panahon na iiwan mo din naman ako. At kapag nangyari yun, aalalahanin ko nalang yung mga bagay na pinagsamahan natin tapos sasaya na ulit ako. Umasa ako Mika, umasa ako na one day, magugustuhan mo ako dahil ako si Paul. Pero mas lalong lumiit yung hope ko nang makilala ko na si Brylle. Ang swerte naman niya, gustong-gusto mo siya. Simula nung bumalik siya, iba yung saya mo. Yung mga highschool friends mo? Alam ko namang kay Brylle sila, nabasa ko pa nga yung facebook chat niyo ni Cedrick e. Nabasa ko din yung conversation niyo ni Brylle nung naiwan mo yung phone mo sa bahay niyo. Sobrang sakit makita lahat yun, Mika. Pero hindi ko kayang magalit. Bakit? Ano bang karapatan ko? Sino ba ako kumpara kay Brylle? Pero alam mo kung ano mas masakit? Sinasabi mong hindi mo kayang wala ako pero hindi mo naman alam kung paano ako pahalagahan bilang ako. Mas lalo mo akong pinapaasang sasagutin mo na ako pero ganyan ka kay Brylle. Sana sinabi mo nalang Mika, ibibigay naman kita sakanya e. Sabihin mo lang.."

Hindi mapigilan yung pagtulo ng luha ni Paul. <//3 Sh*t, walang kasing sakit!! Sorry for the word.

"Hindi Paul.. let me explain." T_T

"Hindi mo na kailangan mag-explain sa akin Mika. Hindi mo naman ako boyfriend e. Tsaka ibibigay ko na yung gusto mo. Ibibigay na kita kay Brylle. Okay lang kahit masaktan ako ng sobra, Mika. Alam ko namang sasaya ka e. Pero sana, sana kahit minsan nafeel mo kung gaano kita kamahal. At mahal na mahal pa din kita. Hindi na magbabago yun. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, ibibigay na kita sa taong mahal mo. Sana pag binigay na kita sakanya, maging masaya ka na. Alam ko namang matagal mo ng hinihintay 'to e. At ngayong nandito na, hindi ko ipagkakait sayo. Nandito lang ako Mika, pag sinaktan ka niya, balik ka sa akin, tatanggapin pa din kita. I love you, goodbye."

And then umalis na siya.

Ang sakit-sakit, parang hindi ko na kaya gumalaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. </3

Ngayon ko lang nalaman lahat. Grabe, Paul bakit ginawa mo yan sa sarili mo? Bakit ganyan iniisip mo.

Gustong-gusto kong mag-explain sakanya pero ayaw niya naman ako bigyan ng chance. Sh*t talaga. </3

Ito ang pinakamasakit sa lahat ng sakit na dinanas ko. Kahit pagsamasamahin pa lahat ng sakit na naranasan ko, walang wala pa din yun dito.

Umuwi ako ng bahay ng magang-maga ang mga mata. Buti nalang wala pa si Tita. Hindi niya ako makikita. Hindi na din ako nagdinner. Wala akong gana. Umakyat nalang ako sa kwarto ko.

Hinawakan ko yung diary. Hinding-hindi ko nakalimutan yung mga nakasulat dito. Binasa ko siyang muli.

Bumalik lahat ng nangyari sa akin nung highschool ako. Pero kung ikukumpara yun sa amin ni Paul, walang wala pa pala lahat ng mga yun! Kahit gaano pa nakakakilig yun. Siguro mga bata pa kasi kami noon kaya konting galaw lang, nakakakilig na. Konting bagay lang, binibigyan na agad ng ibang interpretasyon. Yan ata yung tinatawag nila Puppy Love?

Namimiss ko na si Paul. Gusto ko siyang tawagan pero alam ko namang hindi niya sasagutin.

Tulungan mo ako, Lord. Ibalik mo sa akin si Paul. Sana bigyan niya ako ng chance na makapagpaliwanag man lang.

ONE STEP CLOSER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon