I.
"Hey..." Narinig kong tawag sa akin ng kakambal kong si Angelo. I looked up to him habang nakaupo ako sa lapag ng deck ng ilog na iyon. Spring time ngayon kaya naman I've decided to be here pagkagaling ko ng school.
Pinanood ko siyang umupo ng tumabi sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kakambal ko itong katabi ko. I didn't imagine my whole life na from the other side of the world ay meron akong kapatid na kakambal.
"Hinahanap ka na ni Mama." Sabi nito sabay gulo sa buhok ko. He always doing that to me. Lumabi ako. And he just smile to what I did. Kitang kita ang mga ngiti na kapareha ng akin. Ang mga mata nito na tila ba nagsasalita at nangingislap. We have a same color of eyes pero mas maganda yung kanya.
Si Angelo. He's a sweet brother toe and a son to our mother. Napaka-alaga nito. He's always making sure na okay kami ni Mama sa lahat ng bagay.
I've remembered ng magkaroon ako ng lagnat on our first weeks na lumipat kami sa America. Dahil hindi ako sanay sa weather ay nagkasakit ako. He was so worried about me. He was there with me too ng sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kaya naman kahit matagal kaming hindi nagkasama ay napalagay agad ang loob ko sa kanya. And also to Mama Gabriella too.Its been a 2 years ng lumipad kami papunta sa America. To have a fresh start.
"Anong ginagawa mo dito?" Maya maya ay tanong sa akin ng kakambal ko. He looked at me like he was waiting for my answer. Nakita ko kung paano napakunot ang noo niya ng mapagtanto niya kung bakit. Hindi ako kasi sumasagot pero parang nahulaan na niya kung bakit.
"Naaalala mo na naman siya?" He asked. I nodded my head. Napabuga ito ng hangin sa naging sagot ko sa kanya. He knows about it. Syempre siya ang pinag sasabihan ko ng lahat. From the start to the beginning ay nasabi ko na sa kanya. I've trusted him dahil alam kong kahit kailangan ay ito lamang ang kaya niyang pagkatiwalaan at syempre si Mama.
"Masakit pa din?" He asked. Alam na talaga nito kung ano nasa isip ko. Masakit pa din. Parang hindi naman nabawasan kahit dalawang taon na ang nakakalipas. I could still feel the same ache when I see him crying infront of me. Begging for me to stay. Masakit pa din.
Nararamdaman ko pa din. And I could still feel that same feeling for him. Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas na suot ko. Na parang sa pamamagitan noon ay maiibsan ang lahat. The necklace that he gave to me.
"Common. Mama's looking for us." Sabi ni Angelo sabay tayo. He offered his hand to me para alalayan akong makatayo. Alam ko kaya niya ginawa iyon ay para maiba ang usapan. Naglakad kaming magkasabay. At muli ay ginulo niya ang buhok ko.
Di naman kalayuan ang bahay namin mula sa river kaya naman ay madali kaming nakauwi. Pumasok kami sa gate at maingay nag aasaran kaming pumasok ni Angelo sa loob ng bahay namin. Agad naman naming naamoy ang niluluto ni mama. Nagkatinginan kami na parang alam na agad ang nasa isip ng bawat isa. Siguro dahil kambal kami kaya ganoon. Ngumiti kami ng nakakaloko sa isa't isa at nagmadali kaming pumunta sa kusina. Agad namin nakita ang busing busy naming Mama.
"Hi Ma!" Parang batang sabay naming bigkas. Lumapit kami dito at hinalikan namin ito sa pisngi pareho. Sumilay ang maganda nitong ngiti.
She was the woman na laging ko nakikitang nakatingin sa akin noon. She was that. Kaya pala napakapamilyar nito nung una ko siya nakita. And up until now ay hindi pa din akong makapaniwala na siya ang nanay ko. She's been very caring sa aming mag kambal. She's been spoiling us. Lalong lalo na ako. Si Angelo naman ay pagdating kay Mama ay nagiging malambing. He's very malambing sa aming nanay. Di ko akalain dahil noon ay napakaseryoso nito kapag nakakasama ko.
We've eat dinner ng sabay sabay at katulad ng lagi naming ginagawa ay mayroon kaming isang pinggan naka lagay sa isang parte ng lamesa. Para kay Papa iyon. Di ko man siya nakasama there's still an ache in my heart na sana ay nandito pa din siya para makasama namin.
"Alam mo, Mama
I saw Angelo earlier na nakatingin doon sa ka-blockmate niyang maganda." Sabi ko na tatawa tawa. Naking kong namula ang aking kakambal sa sinabi ko. I knew it! Sabi na nga ba may crush siya dun sa ka-blockmate niya."Totoo ba iyon, Angelo? Tanong ni Mama. Agad niya akong pinanlakihan ng mata. I just giggled to him.
"Mama, that's not true!" So depensive, my twin brother. Couldn't help but to smile.
"Its true. I saw you staring at her. You even sketch her on your pad!" Lalong namula ito sa sinabi ko. Lalo akong natawa. Si Mama naman ay tinanong lang siya but nothing less. Natapos ang dinner namin. Me and Angelo was the one clean the table and wash the dishes. Inaasar ko pa din siya dun sa classmate niya. He just glaring at me. Telling me stop. Pero hindi pa din ako tumitigil. All I did was to tease him na hindi niya pinapatulan. My twin brother loves me too much.
We've done the dishes at sabay na kaming umakyat sa mga kwarto namin. I washed up myself at nahiga na ako. Like what's happening to me every night ay hindi na naman ako madalaw ng tulog. I took the picture frame sa beside table ko.
I've touched it. I missed him. Lagi naman. Lagi ko naman siyang namimiss. Every night ay lagi ko siyang naiisip lalo na kapag tahimik na ang aking paligid at wala akong kasama. I was thinking kung okay lang ba siya. Ano nang nayayari sa kanya. O kung anu ano ng achievements ang meron siya ngayon. Kung masaya ba siya ngayon. I hope he is. Sa lahat ng sakit na binigay ko sa kanya. He deserved to be happy.
Kinuha ko ang laptop ko at started to open my social media accounts. Siguro ay gabi gabi ko na ata tong ginagawa just to check on him. Gusto ko lang malaman ang nangyayari sa kanya. Through social media ay somehow ay balita ako sa kanya. He already graduated from LaSeb last month at masaya ako para sa kanya.
7 minutes ago he updated his status with a new girl named Alexa. Naramdaman kong may kumirot sa puso ko ng makita kong may kasama na naman itong babae. This is not the first time I saw him with a woman. Siguro sa kakastalk ko dito ay hindi na ko mabilang kung ilan. There was a sudden pain in my heart. Ang sakit pa din.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (COMPLETED)
RomanceNang malaman ni Angela ang totoong niyang pagkatao nagbago ang lahat sa kanya. She accepted the fact the she doesn't belong to the people that she grew up. Nagumpisa siya ng bagong buhay. Tinakasan niya lahat. Even him. She left him with a broken h...