XVI.
Hindi ako lumabas ng kwarto ko ng gabing iyon. I even heard that Mama knocked on my room's door, saying that dinner is ready. Pero hindi ako lumabas. Ayokong makita si Angelo.
I love my twin brother. At masakit para sa akin na nag aaway kaming dalawa. Ang tagal ng panahon na hindi kami nag kasama tapos ganto pa kami. But I cannot help it. What I know now is that, Im ready to fight for what Luke and I had. Alam ko, madami kaming nasaktan noon. At sa pag dedesisyon ko ngayon ay mas dadami ang masasakta. It just that, all i know now is that loving him is the right thing to do now. To fight with him.
Sa hindi ko malaman na dahilan Angelo hated Luke so much. Alam kong hindi lang dahil sa lumaki kaming magkapatid ni Luke... And we have a relationship. Parang may mas matindi pa siyang dahilan bakit ganoon siya.
The next day. Early in the morning ay maaga akong nagising at bumaba sa hapag kainan. Hindi ko pinansin si Angelo. Si Mama lang ang binati ko. Hindi rin naman ako binati ni Angelo. Naramdaman ko ang titig ni Mama sa akin at kay Angelo.
"Hindi man lang ba kayo mag papansinan magkapatid?" Mama spoke after a while. Siguro ay hindi na niya natiis ang hindi namin pagkikibuan mag kapatid. We didn't talk. Maya maya lamang ay tumayo si Angelo at hinalikan si Mama sa buhok. Umalis na ito pagtapos niyon. Ni hindi manlang ako nilingon. He must really mad at me. At hindi ko naman siya masisi.
Hindi naman ako tinanong ni Mama sa nangyari. Hinawakan lang niya ang kamay ko na nasa lamesa. She gave me a warm smile.
"Mawawala din ang galit non kapatid mo na iyon. Just give him time. " Sabi ni Mama. Kaya naman napanatag narin ang aking puso.
Nagpaalam ako kay Mama na aalis ako. Hindi naman siya nag tanong pa kung saan ko pupunta. She just let me be.
Days after, ay hindi pa rin ako kinikibo ni Angelo. Pati he's been busy for the board meeting dahil nalalapit na ang kaarawan namin dalawa. Ang secretary niya ang nag aasikaso ng lahat ng kailangan para sa party naming dalawa. Wala din naman akong ganang mag party. Kung ako lang, ay okay na sakin na magkaroon kami ng special dinner. Pero dahil this is our 21st birthday ay pinag hahandaan nila. Ang balita ko kasi ay imbitado ang mga matataas na tao na kapartnership sa kompanya na iniwan ni Papa. At sa event na din na iyon iaanounce ang officially na pag mamanage ni Angelo sa buong kompanya.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa beside table kaya naman kinuha ko ito. At pag kita ko palang sa pangalan ng caller ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. I answered it.
"Hello..." Sa hindi matagong ngiti a bati ko sa taong nasa kabilang linya. Lalo lamang lumuwag ang pag ngiti ko ng marinig ko ang boses niya.
"Hi there... How are you, baby?" Tanong nito sa akin. It was Luke.
Hindi ko maiwasang lalong mapangiti sa tawag nito sa akin... I just couldn't help."Im fine. Nagbabasa lang ako ng book. How about you?" Tanong ko. Ibinababa ko sandali ang libro na hawak ko at sabay dumapa sa kama ko.
"Kinda tired. Daming trabaho nakalatag sa harap ko. Paper works dun. Paper works jan. " Sabi niya. He's been busy sa work na naiwan ni Dad. I mean Mr. Marciano Gutierrez. Kahit na ilang buwan na ang nakakaraan simula ng yumayapa ito ay kinalangan pa din ng matinding adjustment ni Luke.
Okay naman kami. Hindi kami nag kikitang dalawa but we do have a communication. Nasa isip ko din si Alex. I know that we've hurted her. So much. Kaya naman nagaalala din ako sa huling sinabi niya akin. And even Mom— His Mom. Natatakot ako kung anong gagawin niya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Luke.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (COMPLETED)
RomanceNang malaman ni Angela ang totoong niyang pagkatao nagbago ang lahat sa kanya. She accepted the fact the she doesn't belong to the people that she grew up. Nagumpisa siya ng bagong buhay. Tinakasan niya lahat. Even him. She left him with a broken h...