Chapter 21

125 4 0
                                    

XXI.

Simula ng kumalat ang tungkol sa amin ni Luke ay palagi akong nakakarinig ng mga kung anu-ano tungkol sa akin. Ini-expect ko na naman talaga iyon but I choose to be silent at mag bingi bingihan sa mga sinasabi nila. Hindi ko na lamang sila pinapansin.

Naka-usap ko na rin si Demi about tungkol sa amin ni Luke. I never heard any judgement to her. Pero nagtampo ito dahil hindi man lamang siya na orient about sa amin ni Luke. Edi sana daw ay natahi niya ang dila ng Alex na iyon kung alam lang daw niya.

"Nakakahiya siya grabe, her own brother? Really?" Rinig kong bulungan ng babaeng nag kukuwentuhan about sa akin habang padaan ako sa harapan nila. Kasama ko si Demi at muntik niya pang patulan ito. Buti nalang napigilan ko agad siya.

"Demi, wag mo nalang silang pansinin" Sabi ko habang nakahawak sa wrist niya.

"Gosh! Nakakairita ang mga tao ngayon na walang magawa kundi mag tsimisan." Sabi nalang nito at nag patuloy na kami sa paglalakad namin. Hindi talaga maiwasan ang mga matang nakatingin samin. At alam kong ako pinag-uusapan nila. Hindi ko sila masisi. Everyone knew that I and Luke were siblings. But not now. Im not a Gutierrez... Im a Fontejon.

Demi went  to say goodbye to me. Ayaw pa sana niya akong iwan dahil baka daw kung ano pang gawin ng mga nakakasalubong ko sa akin. Pero pinilit ko siya at isa pa kailangan na din nitong umalis dahil may klase pa ito. Hindi naman pwede lagi nalang akong umasa kay Demi. I need to stand for myself para makasanayan ko din. Hindi naman mawawala ang mga matang mang huhusga sa akin. Nanjan man siya o wala. Pero nagpapasalamat ako na may kaibigan akong tulad ni Demi.

"okay, Besty gotta go" Demi said pagkatapos niyang makipag beso sa akin. Nag simula na muli akong maglakad ng bigla akong napaatras sa pag lalakad ng mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko si James na nakatayo at nakasandal sa harap ng sasakyan niya.

Mukhang may hinihintay ito, tatalikod na sana ako dito para hindi niya ako makita ngunit huli na dahil nang mag angat ito ng ulo niya ay agad nag tama ang aming mga mata.

"Angela..." Tawag nito sa akin. Halos mapatalon ako dahil sa kaba. I know I owe him an explanation. Hindi ko alam kung para saan pero alam kong tulad ng madami ay madami din itong tanong sa isip niya na gusto niyamg masagot. Ayokong ipagkait sa kanya yon, pero hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Naglakad ito papalapit sa akin.

"Angela, can we talk?" Sabi niya. Hindi ako makapag salita. I just nodded to him as an answer. Pumayag akong makipag usap kay James. Sumakay kami sa sasakyan nito and we went to the new open coffee shop sa Roxas Building. I texted Luke that I am with James. Hindi naman ito nag reply.

Dumating ang order namin ni James nang walang nag sasalita. I dont like the atmosphere that building to the two of us. Tumikhim ako to break the silence.

"What do want us to talk, James? May gagawin pa kasi ako." I told him. Seryoso itong nakatingin sa espresso na nasa lamesa. Ni hindi siya nag sasalita. Not the typical James I know.

"Can I ask you something?" Seryosong sabi ni James.

"Yes. You can." Sabi ko. Matapang na sagot ko kahit ang totoo ay natatakot ako sa maaring itanong nito sa akin. Seryosong nakatingin ito sa mga mata ko and while he was asking me the question ay hindi ko maiwasan hindi kabahan.

"Si Luke ba ang dahilan dati? Kaya hindi mo nasagot noon ang tanong ko?" Nagbaba ako nang tingin para iwasan ang mga mata niya. Hindi ko kayang tignan si James kahit anong tapang gawin ko.

"Yes." Mahinang sagot ko pero sapat na para marinig niya ang isang salitang iyon. I heard him cussed na halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.

"Dammit!" Mahina ngunit malutong na mura nito. Paulit ulit. I saw how he's facial expression change. Not the James I know.

You Are Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon