---Mara Martinez
Tapos na yung day off ko ㅠㅠ trabaho na naman. Pero ayos lang, nakapagpahinga naman ako ng kunti. At least maayos trabaho ko nuh? Haha!
Agad akong pumasok sa elevator para hindi maiwan. As usual, ako lang mag-isa dito sa elevator. Maaga pa kasi masyado eh. Pero ako, kailangan maaga para magprepare. May meeting kasi si Boss English ngayon tapos kailangan daw mapa-impress namin yung kompanyang pagpepresentahan namin ngayon.
Lumabas na ako sa elevator at tumungo sa office ni Boss English. Kumatok ako para pero walang sagot kaya binuksan ko yung pinto. Sa surprisa ko, hindi naka-lock tuh. May pumasok ba?
Tinignan ko yung paligid at halos mapatalon ako nung makita ko si Boss English na naka-higa sa sofa dito sa office niya at nakapikit yung mga mata. Tulog malamang.
Inilapag ko yung mga papeles para sa meeting ngayon sa desk niya para mapirmahan niya mamaya pag bumangon na siya. Lalabas sana ako nung biglang nagising si Boss English.
"Good morning sir!" Bati ko sabay bow sa kanya. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paghikab at pag-uunat niya. Ang cute niya. Hindi halata sa edad niya na 23 na siya. Para siyang 15.
"Tapos ka na ba?" Biglang sambit ni Boss English. Nabalik ako sa sarili ko.
"H-ha?" Sabi ko. Nginitian niya ako sabay tayo.
"Nevermind, come have coffee with me." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Coffee? With you? Huh! Wow! Himala boss ah!
Umiling ako. "Wag na po sir, nakakahiya." Sabi ko tapos tumalikod sa kanya at pinagtuonan ng pansin ang mga papeles.
Nakaramdam ako ng paghila ng braso ko papalabas ng opisina. Hinila ako ni Boss English papalabas ng opisina. Tumigil rin naman ako.
"Tara." Maikli niyang sambit. Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako. Tahimik lang ako hanggang sa makalabas kami ng building. Mas nangimabaw ang kaba sakin dahil lumalayo kami sa building.
'Ano naman kayang gagawin sakin ni Boss English. Pero teka, magkakape lang diba? So, ano naman?'
"Uy, sabi ko ano flavor gusto mo?" Nabalik agad ako sa sarili ko. Grabe, di ko namalayang andito na pala kami. "Ano?" Ulit ni Boss English. Hakata sa boses niya ang pagkairita.
"Latté lang po sir." Sagot ko. Tinanguan niya ako sabay baling na naman sa clerk dun sa counter.
"Two latté please." Napatingin agad ako kay Boss English. Dalawang latté daw? Ehhh??? Flavor lagi ni Boss, Americano eh. Bakit biglang nag-Latté? Gaya-gaya pa eh -__-. Nabaling ang tingin niya sakin. "What?" Sabi niya. Umiling-iling lang ako sabay hanap ng pwesto namin.
Naupo na kami sa isang table malapit sa malaking window ng café. Napatingin ako sa paligid habbang inantay ang order namin. Sa bandang unahan makakakita ka ng malaking school. Triny kong binasa yung logo. Madrigal State Academy?? Wait--para kasing pamilyar.
Dumikit agad ang kamay ko sa ulo ko dahil sa naramdaman long biglang pagsakit nito.
"Saan ka na ba nag-aaral ngayon Xyla?" Sabi ng babae sakin.
"Sa Madrigal State Academy. Pinabalik ako ni papa sa junior." Reklamo ko agad.
"Mara? Mara? Mara, ayos ka lang?" Nabaling ako sa sarili ko. "Masakit ba yung ulo mo?" Tanong niya. Umiling ako. "Sigurado ka?" Nag-alala niyang sambit. Tumango ako.
"Here's your coffee sir, maam. Have a nice day!" Sabi nung waitress na naglapag ng kape namin sa mesa sabay alis pero napapatingin samin. At ooooh, teka, diniin ba talaga niya yung 'maam'? What the fudge?
Hindi lang pala yung waitress yung nakatingin samin, yung ibang tao din dito. Alam ko na kung baket. Sino pa ba? Edi di Boss English. Hindi naman ako pwede tignan eh, joke lang.
"Uhm..comfort room lang ako." Sambit ko. Tumango siya sakin signal na pwede akong pumunta dun. Pagkarating ko sa toilet, pumasok agad ako sa isang cubicle sabay kuha ng phone ko galing sa bulsa ko.
Wala naman talaga akong plano jumingle eh, babasahin ko muna yung summary sa presentation namin ngayon. Kinakabahan talaga ako kasi pangalawa ko na tuh eh. Kahit alam ko na gagawin, kinakabahan parin ako. Tulong please! T__T
Matapos ang ilang minuto, lumabas na ako sa cubicle. Ayaw ko kasing pag-intayin si Boss English. Lumapit agad ako sa sink at in-on yung tubig. Awtomatik na lumabas ang tubig galing dun.
"Nakita mo ba yung lalake kanina? Yung malapit sa bintana?" Narinig ko yung boses nung clerk na galing sa cubicle. Napatigil agad ako.
"Alin dun? Yung may kasamang magandang babae?" Sagot naman nung isa sa ibang cubicle. 'Pinag-uusapan ba nila ako?" "Yung nag-order ng latté?"
"Oo sila and wait ah, hindi maganda yung babae. Talo siya sakin kaya." Sabi nung isa. Agad akong napa 'huh' ng tahimik. May topak yata tung babaeng tuh. Excuse me dai, MAGANDA AKO. Ikaw nga yung parang mukhang kabayo eh. Tss..
"Asus! Maganda pa daw siya kesa sa babae. Ang galing mong mag-joke Ida. As in. HA-HA-HA nagseselos ka kasi kaya ganyan sinasabi mo." Sagot ng isa. "Define panget, Ida."
"Ano?" Naiiritang sambit ni Ida. Tahimik akong natatawa.
"Ikaw HAHA!" Sabi nung babae. "Mukha ka kasing kabayo Ida eh. No offense ha?"
Bago pa umabot sa away tuh, umalis na ako galing sa comfort room para balikan si Boss English. Nasurprisa ako nung maraming nakatipok sa pwesto namin. Like what? Ano tuh? Fansign fansign?
"O, ayun na pala girlfriend ko eh." Narinig ko yung boses ni Boss English. Nabalik agad ako sa katutuhanan. "Partner! Dito partner!" Sabi niya sabay tayo tsaka lapit sakin. 'Partner? Pamilyar ata ah.. Saan ko ba tuh narinig??
Napatingin agad yung mga babaeng nakapalibit kay Boss English kanina. Grabeee. Sama ng mga tingin akala mo ang gaganda. Tinataasan pa ako ng kilay, sipain ko kayo eh!
"Come Partner" bulong sakin ni Boss English sabay hila papaalis ng café. Para sa pamamaalam ko sa mga bitch nayun, naghair-flip ako sa mukha nila. Haha!! Serves you right bitches.
TO_BE_CONTINUED
A/N:
hallo! May nagbabasa pa ba? O_o
BINABASA MO ANG
√ | 𝑷𝑰𝑪𝑻𝑼𝑹𝑬𝑺 𝑶𝑭 𝑼𝑺 ; 𝒌𝒐𝒐𝒌𝒖
Mizah「#2」 ❝ Don't forget me. Rowan. Don't forget that name in a million years.❞ They are about to face big challenges on their way to forever. Challenges that might provoke them to forget each other. First love would disappear and even friends would tel...