Coming Home

58 0 0
                                    

“Susunduin mo lang naman pala si Yngrid, bakit kailangan mo pa ng kasama?” nakabusangot na tanong ni TR kay Russel.

“Para magpapasama lang eh.”

“Sa airport ka pupunta. Maraming tao dun na makakasama mong maghihintay.” Dagdag ulit ni TR.

“Hindi ko naman sila kilala. Atleast, ikaw, kilala ko.”

“Tol, kahit na. Maa-out of place na naman ako kapag magkasama na kayong dalawa.”

“Kailan ka na-out of place, aber?”

“Basta. Iba na lang ang tawagin mo.”

Nagkamot ng ulo si Russel. “Wala nga sila. Busy nga daw.”

Walang nagawa si TR kung hindi pumayag. Lulan na sila ng sasakyan papuntang NAIA 2. Tumawag si Yngrid kay Russel kaninang umaga at sinabing ngayon daw ang dating niya galing Thailand. Mayroon kasi itong ginawang stint doon. Ang akala naman ni Russel ay next week pa ito makakauwi, pero napadali daw ang photo shoot nila kaya maaga rin silang pinauwi.

“Tol, pabukas ng sounds.” Utos ni TR sa kanya.

He switched on the radio, too.

This next song is from the album, Dusk and summer by Dashboard Confessional. Hope you enjoy it.  ani ng Dj.

We watch the season pull up its own stakes

And catch the last weekend of the last week

Before the gold and the glimmer have been replaced,

Another sun soaked season fades away

Nanigas sa kinauupuan si Russel ng mag-play na ang kanta. The song that’s playing was once the song of his life. Yeah, he remembered singing this song for a girl whom he thought would take care of his stolen heart.

You have stolen my heart

You have stolen my heart

 He remembered how he sang it with all his heart on a phone call. Looking back, he felt a lump on his throat.

Invitation only, grand farewells

Crash the best one, of the best ones

Clear liquor and cloudy-eyed, too early to say goodnight...

You have stolen my heart

You have stolen my heart

Ipinilig ni Russel ang ulo. This is stupid, it’s just a stupid song now.

“Tol, okay ka lang?” tanong ni TR sa kanya.

Tumango lang si Russel bilang tugon.

“Ang ganda talaga ng kantang to.”

Russel looked at him with sharp eyes. But it seems as TR meant no offense coz he looked completely naïve about it at all. Baka nakalimutan na nito ang ginawa nilang paghaharana noon. See? TR even forgot about it. Why can’t you? Tanong ng isip niya.

And from the ballroom floor we are in celebration

One good stretch before our hibernation

Our dreams assured and we all, will sleep well

Sleep well

Sleep well

Sleep well

Sleep well

Sinabayan nan i TR ang kanta na lalo niyang ikinairita. Sasawayin sana niya ito pero baka makahalata siya. Minabuti na lang niyang wag magsalita ng kahit ano. Tutal naman siinamahan siya nito.

Along came RusselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon