Chapter 16: Meet the Parents

93 0 0
                                        

                     “Anong isusuot ko?!” tanong k okay Krissy. Pagkadating ko palang kagabi ay kinatok ko na siya. Ikwinento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Russel lalong lalo na kay Ella bitch at sa pagyaya ni Russel sa bahay nila. Natawa na lang si Krissy. Hindi ko alam kung anong nakaktawa sa sinabi ko. Pinabayaan ko na lang siya ahil parang nawawala siya sa sarili niya kagabi. Kaya ngayon umaga binulabog ko na naman siya. “Wala man lang akong matinong damit…”

“Ano naman kung yang mga damit mo ang isuot mo papunta sa bahay ng Russel na yan? They look good naman a. Arte-arte mo.”

“Tse! Kaibigan ba talaga kita? At tsaka sandal nga lang kagabi ka pa parang nawawala sa katinuan a. Ano bang nangyari?” tanong ko kay Krissy.

“Anong pinagsasabi mo? It’s me. The normal me.”

“Hindi e. Parang may mali sayo. Your face looks like a little…  I don’t know, better?”

“Uy ah… Kung makapanlait naman to. Anong a little better ka jan. I already look good, yesterday it was better and now, it’s the best face ever.”

“Yan may tama ka na nga talaga. You don’t usually say things like that.”

“Hoy! Instead of making lait of me why don’t you just hanap a dress that you’ll make gamit later. Pwede?”

“Shut up!” binato ko siya ng unan. “BAliw!”

Tumawa lang ang bruha. Ano kayang nangyari sa babaeng ito? Hay, makahanap na nga ng damit.

“Bakit ba kasi? Anong klaseng damit ba ang hinahanap mo? Eh magaganda naman yang mga damit mo a.”

“Te! Meet the parents nga ang drama ko ngayon di ba?”

“Ooooh. You wanna impress them? Friendship… you don’t have to. Just be yourself okay?”

“Ahahaha… Anyare talaga sayo te? But thanks anyway. I’ll keep that in mind.” Napailing na lang ako sa sinabi niya. But it makes sense though. I just hope magustuhan talaga ako ng parents ni sinta. Lord… Please…

Sinundo ako ni Russel ng bandang 10:30 am. Kinakabahan talaga ako. What if Russel’s mother is like  those antagonist in the movie. Urgh. Kinakabahan talaga ako.

“You’ll be fine.” Russel held my hand to assure. I smiled at him.

“Russ…”

“Hmmm?”

“Paano kung… what if… Kinakabahan talaga ako.”

“Don’t be. I’m here.”

“Aish. Paano kung hindi ako magustuhan ng mama mo at ng mga kapatid mo?” tanong ko sa kanya.

“Eh di hindi.”

Tinampal ko siya sa braso. “Ang sama mo. Lalo tuloy akong kinkabahan.”

“Wag ka kasing masyadong mag-isip. Or better yet, ako na lang ang isipin mo.” Nakangiting turan niya.

Iningusan ko na lang siya. Lord! Ano ba itong pinasok ko? Bakit kailangan pang may mga ganito. I can’t help thinking of what will his family think of me? Will they like me?

“Malapit na tayo.” Ani ni Russel.

Pumasok kami sa isang subdivision. Shet! Malapit na.

“We’re here.” Bumusina si Russel at may nagbukas ng pinto. He parked his car in the garage. Then, he looked at me. “Relax.”

Pagkatapos nun ay bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. “Thanks.”

“Ready?”

“Uh… yeah.”

Along came RusselMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon