Along Came Russel
“Sa CR lang ako, Yeng, ah?” paalam sa akin ni Krissy. Ang malandi kong kaibigan. Hihihi. Joke lang. J
“Sasama na ako sa’yo. Baka maligaw pa ako dito.” Tutol ko naman.
“Duh?! May cellphone ka naman para itext o tawagan ako di ba?”
“Kahit naman meron ako nito, wala namang kwento kung ite-text or tawagan pa kita. Di ka naman tumitingin sa cellphone mo para i-check kung may tumawag o nagtext man lang sa’yo.” I rolled my eyes the way she did a while ago.
“Friendship,mahaba iyong pila.”
“Fine. I’ll wait here for you. Dalian mo. Baka kung saan-saan ka na naman sumabit!”
“Mabilisan lang to.”paalam niya.
Actually we’re on a fieldtrip. We’ve been to St. Lukes Laboratory and The Medical City. Bale, sidetrip na lang namin ang MOA at Star City. Right now, we’re at Star City. When we got here, our classmates were like NAKAKAHIYA! Parang mga baboy na nakawala sa kulungan. Narinig ko pa nga ang sinabi ng isang MAnilenyo ‘Mga probinsyana talaga’. Hindi sana ako masasaktan sa sinabi niyang yon kaso tinamaan na din ako, Isa kaya ako sa mga probinsyanang iyon. Muntik ko na ngang binulyawan e. Di lang ako napigilan ni Krissy. Kahit mga probinsyana kami, we have manners naman. Mababaw lang talaga ang kaligayahan namin.
Galing na kami sa mga rides. Na-try na naming ang Majic Carpet at Dancing Mermaid. Grabe nakakatuwa talaga ang mga rides. Kahit nga si Krissy na hindi masyadong sumisigaw, nangunguna sa hiyawan kanina. Para ngang nakalutang pa rin ang mga paa ko eh. At medyo nahihilo na rin ako. I looked for a bench where I can sit and wait for my best friend.
Naiinip na naman ako sa paghihintay. Sana talaga sumama na llang ako kahit gaano pa kahaba ang pila. Wala man lang kasi akong makausap dito. Wala rin kasi akong makitang mga kaklase ko. Busy siguro sa ppagsakay sa mga rides ang mga yon.
Lumipas ang sampung minut wala pa rin si Krissy. Nasaan na kaya yon. Mahina pa naman sa direction ang babaeng yon. Baka naligaw na. I started to look for her. Tinext ko na rin sya pero di pa rin siya nagre-reply. I dialed her number, still she’s not picking up.
“Malilintikan ka talaga sa aking babae ka.” Bulong ko sa sarili ko. Kinakabahan na talaga ako. Baka maiwan kami ng bus. Mag-aalala si Tita Fel kapag nagkataon. Sana sumama na lang talaga ako. Tinnext ko na rin ang mga ka-close kung classmate namin kung nakita nila si Krissy kaso, wala namang nag-rereply. Badturp naman oh. Makapagtanong na nga.
