"People do stupid things for love."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
“ Bruha!” tawag sa akin ni Mavs. Nilingon ko siya. Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng laboratory. Post- lab naming ngayon. Busy ako sa pakikinig dahil ayoko nang bumagsak pa sa subject naming ito. sobrang hirap pa naman. Terror kasi yong instructor namin e.
“Ano?”tanong ko sa kanya.
“Pahiram naman ng cellphone mo, may titignan lang ako saglit!”
“Ayoko nga.” Pagdadamot ko. Maglalaro na naman kasi siya e. Low bat na nga.
“Hay naku! Sobrang damot naman ng babaeng to. Maglo-love test lang e. ” Hihihi. Sira-ulo talaga tong sirenang ito. application iyong love test na sinasabi niya. I just downloaded it from the app store. Hindi ko pa nga triny kasi hinihintay ko si Krissy.
“Hoy! Sige na. saglit lang naman e.”pamimilit niya sa akin.
“Isang beses lang ha!”
“OO nga. Ang kulit!”
I gave my phone to him. Then, I got back on listening infront. Anong media media na naman. Nakakainis kasi si Mavs. Nawala na tuloy ako sa discussion namin. I was busy listening na. Even my other classmates are listening. For the first time, tahimik kami. Kung sa ibang oras at araw lang siguro, our laboratory would look like a public market instead of a science laboratory. Nakakapanibago.
Tuwang tuwa naman ang instructor naming dahil nakikita niyang nakikinig kami. Maliban na lang kay Mavs. We’re all absorbing everything she says infront. Until,
“AAAAAAY! ” tili ni Mavs sa likuran ko.
Ofcourse, nagulat lahat kami. Kaya naman pati ang pinakamaingay sa klase na si Aileen ay tumili na rin kahit hindi niya alam kung ano ang nangyayari. At ang masaklap, pati si Instructor na kaninay tuwang-tuwa ngayon ay hindi na maipinta pa ang mukha. Hell!
I looked at Mavs with a questioning look. At ang binabae! Parang hindi man lang tinablan ng hiya dahil engross na engross siya sa cellphone ko. Hindi pa nito malalamang pinagtitinginan nan min siya kung di lang tinawag ni Maam ang pangalan niya.
“MR. MAVERICK!”
“Oh my gosh, Yes ma’am?”he asked like nothing happened.
“Why did you scream? Is there something wrong about our discussion? Or is it something about what you’re doing on your phone?”
“Uhm, maam I was taking picture of the slide presentation but you turned it to the other slide na. I’m so sorry, ma’am.” Tignan mo nga naman. Ang galling talagang magpalusot ng lalaking to.
“Don’t worry. I’ll give you a copy of this. So, you may hide your phone now.”
Nakalusot talaga si shubangbang! Ano kayang ginawa niya at bat siya napasigaw? I’m pretty sure it has something tto do with the love test. Hihihi.
Pagkatapos ng klase, tinanong ko si mAvs kung ano yong nangyari kanina.
“bakit ka sumigaw?”
“Lintik na love test nay an e. hindi totoo yan! Alisin mo na yang application nay an sa phone! Bad vibes siya sa buhay ko!”
Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya. “Bakit mababa ung sa inyo ng crush mo?”hula ko.
“Hindi lang mababa! ZEEEROOO! Letse!”
Tawa na lang ako ng tawa! “Sino ba kasi yong nilagay mo?”
“Si Russel!”nakabusangot na sagot niya. Oy! Lumaki naman ang tenga ko don. OO nga no! Bakit di ko naisip itry si Sinta! Hahahaha… you just gave me an idea!
Triny ko din ang pangalan ko at pangalan ni Russel.
Medyo kinabahan pa ako! Tiinignan ko na kung ano ung result. OH MY GOD!
medyo nadisappoint nman ako. 24 lang kasi e.
nakakainis. Okay na rin, atleast hindi zero tulad ng kay Mavs. Ambisyosa talaga! Hihihi. Pati rin naman ako e. Hmmm. kailan kaya ako itetext ng lokong yon! Kukunin-kunin niya yong no. ko tapos di rin lang naman pala magpaparamdam. Ang hirap kayang umasa. Naks. Feeling ko lang.
Naiisip ko na nman ung love test na yan! 24% lang ba talaga? Hindi ba pwedeng more pa? Hihihihi...
Feeling ka naman kasi self. He's a basketball star and you're just a probinsyana. Plain and simple as you are, sinong magkakagusto sayo! mga marunong mag-ayos sa sarili ang magugustuhan nun. You're way too out of his league!
Kunsabagay, crush mo lang nman siya d ba? You don't fall for someone you barely know and see.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
