Chapter 14:

112 0 0
                                        

"yeng, ingat kayo dun ha?'' Bilin ni mommy sa akin. ''Krissy, tawagan mo ko kapag may ginawang kalokohan tong kaibigan mo, ha?''

''opo, tita. I'l update you everytime.''

''Good.''

''tita, assure mommy na rin po we're gonna be safe.''

''don't worry. I'll tell her.''

''Thanks, tita.''

''Sige na, mommy. Bye!'' paalam ko kay mommy.

''Bye, tita.''

Kumaway na si mommy sa amin.

Sa partas kami sumakay. Ayaw kasi ni Krissy ng iba. Maarte talaga tong bruhang to. Paano kasi, partas ang sasakyan niya papunta sa school, partas din pauwi. Kulang na lang bigyan siya ng award na 'best passenger' or 'most loyal'.

Nasa may Agoo na kami. Medyo malayo pa ang biyahe. Si Krissy, kanina daldal ng daldal ngayon, nakflat na siya. Tulog na tulog na. Wala na akong makausap. I just played my ipod. Nakinig na lang ako ng music. Sakto naman, ang now playing, ang theme song namin ni sinta. STOLEN  by dashboard confessional.

Everytime I hear this song, naalala ko noong hinarana niya ako. Of all the things he did just to win my heart, that was the most special one for me. Nag-ring ang cellphone ko. Russel is calling me.

“Hello?”

“Babe, tumawag ako sa bahay niyo, wala ka pa daw sabi ni Tita.”bungad niya.

“O, Mr. Escoto. Relax. I’m fine. May ginagawa pa kasi ako. I’ll call you na lang pagtapos na ako. Okay?”

“Babe, bakit parang nasa sasakyan ka?”

“Di ah. Russel… choppy na choppy na. I’ll just call you later.” Sorry, Mr. escoto.

“Choppy pala ha!”

“Uy, akala ko tulog ka!”

“Ang ingay niyo. Naka-loudspeaker pa kaya kayo. Kainis!” bitter ka lang kasi wala kang boyfriend. Wahahaha.

“Alam mo ikaw napakasungit mo talaga.”

“Hindi ako masungit. Inaantok lang talaga ako. Wag ka ng maingay, matutulog na ulit ako.” Masungit na sabi niya.

“Sungit.” Bulong ko. But I’m thankful she did come to accompany me.

Mga ilang din ang biyahe namin. Sa wakas nasa Manila na rin kami. Sinundo kami ni Ate tracy. Kapatid ni Krissy. Sa Makati siya nakatira. Doon muna kami sa bahay nila magstay. eXcited na akong manood ng game ni sinta ko bukas.

“Ate, sasamahan mo kaming manood right?” tanong ni Krissy sa ate niya.

“Titignan ko, ang lalaki niyo na, kailangan pa ba akong sumama? Wag na. marunong naman siguro kayong magbasa ng mga direction d ba?”

“Pero ate, we might get lost.” Sabi ko.

“Hindi yan. Akong bahala. Ihahatid ko na lang kayo then I’ll drop you there. Text niyo na alang ako kapag susunduin ko na kayo.”

“fine. Basta ate susunduin mo kami ha?”

“oo. Ang kulit niyo. Sige na. magpahinga na kayo.”

“Goodnight sissy!”paalam ni Krissy sa ate niya. Nagpaalam na din ako kay ate Trace.

Tig-isa kami ni Krissy ng room. I went to my assigned room. Tapos naligo ako. Nagbihis. And tinignan ko yong phone ko. Oh my! Si Mr. escoto, mukhang naga-aalala na.

Babe? Bakit di mo sinasagot tawag ko?

Ms. Ellamil, are you home?

Raine?

Along came RusselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon