CHAPTER 9:
Tinapos ko lang kainin ang pagkain ko, pagkatapos non, nagpasya na rin kaming umalis.
"Alam mo bang bumalik sa pina-stayhan ninyo?" tanong k okay russel. Baka maligaw pa e.
"Oo, bakit? Ihahatid mo ko?"
"At bakit, ano ako? Mahal kayang pamasahe ng pabalik-balik." Iningusan ko suiya.
"Joke lang. Ano ihahatid na kita?"
Napakunot-noo ako. "Ihahatid ka jan. You're not from here, Mr. Escoto."
"Yeah, so? Madali lang naman ako matuto ng direksiyon a."
"kahit na. Malayo ung sa amin."
"Oh, d mas kailangan mo ng maghahatid sa'yo. Pagabi na rin kasi." Pagpupumilit niya.
"Hay naku, sa ilang taon ko ng ginagawa un wala pa namang nangyaring masama sa akin. Kaya okay lang na wag mo na akong ihatid."
"Gusto ko ngang ihatid ka." Pilit niya
"ang kulit mo. Bumalik ka na sa hotel niyo."
"Minsan na nga lang akong makapunta ditto ayaw pang pumayag, Ms. Ellamil naman."
Ms. Ellamil? Hihihi. Ang cute pakinggan.
"Mr. escoto, wag ka ng makulit. Bumalik ka na sa hotel ninyo. Sige na." pagtataboy ko sa kanya.
"sige, hintayin na lang kitang makasakay."
I sighed. "Sige na nga. Pero kaya mong bumalik sa Oasis ha?" paniniguro ko.
"Opo." He smiled at me.
"Fine. Ingat ka, Mr. Escoto."
"Ikaw din Ms. Ellamil."
Nag-ngitian kami. Oh, Lord.
Nagpara na ako ng tricycle. "Kuya, Eufrosina." Sabi k okay manong driver.
Nilingon ko si Russel. "Goodluck sa next game ninyo." Then I smiled at him and wave him goodbye.
There's a tiny text message a very tiny one. Please read it.
Binasa ko ang text:
I'll see you again, soon. Take care, Ms. Ellamil. J
Haaay. Bakit kaya ganito sa akin ang lalaking to? Weird. Baka may gusto sa'yo? Sabi ng isang bahagi ng isip ko. Nagpapatawa ka ba? Tingin mo magkaka-gusto sa yo ang isang tulad ni Russel Escoto? Kontra naman ng isa. Bakit naman hindi? Dahil ba, probinsyana lang ako? Siya Manilenyo? Sobra- sobra namang pangmamaliit mo! Oo nga. Argh! Kung ano anon a naman ang iniisip ko. The guy's just being friendly. Kilala yon sa pagiging mabait. Kaya wag ka ng mag-ilusyon, Yeng!
Saturday, wala na naman kaming pasok. Si mommy maagang umalis. Kaya mag-isa ako dito sa bahay. Ngayon, dahil wala naman kaning homework, I decided to clean my room. My tagalinis kami ng bahay, pero hindi ko pinapalinis ang kwarto ko. Gusto ko ako lang ang nakakagalaw sa mga gamit ko dahil mahirap alalahanin kung saan na naman nila itatambak ang mga yon. I started cleaning my room. Biglang may nag-door bell.
"Sino na naman kaya un?"
Bumaba ako para pagbuksan un. Bakit may LBC dito? Ah, baka may pinadala si daddy. Teka,teka? LBC? My LBC na rin pala sa Saudi? hihihi.
"Good morning ma'am, dito po ba nakatira si Ms. Rain Ellamil?"
"Opo, bakit po?"
"May delivery po para sa kanya."
"ano po un?"
"Paki-pirmahan na lang po."
I signed the piece of paper. Tapos, nagulat ako ng ibigay ng delivery boy ang package. It's not really a package, It's a bouquet of red roses. Kanino kaya galing to?
