Hanggang makarating kami sa bahay nila ate Trace ay wala pa rin kaming kibuan. I wanted to approach him already, kaso naiinis na rin ako. Para nagbibiro lang e. Hmmft. BAhala na nga. Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng bahay nila ate Trace. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ay pinigilan niya ako.
"So ganyanan?" panggagaya niya sa akin.
Inirapan ko na lang siya. Wala ako sa mood.
Binuksan ko ang pinto, pero nilock ng mokong. Tinignan ko siya. "Sige na. MAg-aayos pa ako ng mga gamit ko."
"Uy, nagtatampo." panga-asar niya.
"Kita mo to, kaninang kinakausap ayaw magsalita. Tapos ngayon nang-iinis."
"Ikaw naman kasi e. PAti birthday ko di mo man lang alam."
"Eh, nagbibiro lang naman ako!"
"NAgbibiro. Eh bakit ka nakasigaw?"
"Di ako sumisigaw." binabaan ko ng konti ang boses ko. Pero hindi naman talaga ako sumisigaw.
"Kanina."
"Hindi no."
"Fine sabi mo e."
"Nakakainis ka!" irap ko sa kanya.
"Bakit na naman?"
"Eh basta. Diyan ka na. Umuwi ka na."
"Ayoko."
"Umuwi ka na." pamimilit ko.
"Sabihin mo muna kung kailan birthday ko."
"Ayoko."
"KAsi hindi mo alam..."
"Anong hindi?!" inis na talaga ako. "December 4,1992. Satisfied?"
Tinignan ko siya. And slowly his lips formed a smile. The smile that always took my breath away... KAinis!!! Nakakainis talaga itong lalaking to. KAhit na inis na inis na ako, isang ngiti niya lang nawawala na kaagad ang init ng ulo ko!
He snapped his fingers in front of me. "Buti na lang hindi ako natutunaw sa tuwing tinititigan mo ako." ngiting-ngiti siya.
"Ang yabang mo talaga."
"Joke lang." Nakangiti pa rin siya. "I'm sorry. Ikaw naman kasi eh. niloloko mo pa ako."
"NAgbibiro lang naman ako."
"Oo na. Sorry na. HAlika nga dito..." He reached his arms toward me to give me hug. Sinimangutan ko muna siya bago ko siya hinug... "I'm gonna miss you." he whispered into my ears.
"I'm gonna miss you too."
