#2 My RoomMate

12 0 0
                                    

(Brianna's pov)

Monster's University? What?

Bumaba na kami sa kotse at muntikan na akong mahimatay nung nakita ko yung building na may more than 50 storeys.

"Halika na Brianna"  sabi ni Mom

Pumasok kami sa building na yun. Malawak ang bawat floor at andaming palamuti. Binigay ni Mama yung mga gamit ko sa isang lalaki.

"Heto na yung gamit niya. Babalik ako after 3 months kaya alagaan niyo siya"  sabi ni Mom

Nalaglag ang panga ko. "What! 3 months! Ma ayoko dito!"  sigaw ko

"Magdodorm ka nga eh. At may sasabihin ako sayo"  sabi ni Mom sabay hila saakin sa gilid. Tinignan niya ang paligid para walang makarinig saamin.   "Wag na wag kang lalabas kapag full moon. Sa loob ka lang ng room mo. Basta wag kang titingin sa full moon."

What? Di ko maintindihan...

"Ma ano----"

"Aalis na ako bye!!!"  sabi niya sabay alis

😦😭😩

" Excuse me ma'am. Ihahatid na kita sa principal's room. This way po" sabi nung lalaki. Napatango na lang ako dahil para akong babaeng napagtabuyan ng mundo. Pumunta kami sa isang building na napakalaki at pumasok kami sa isang pingo na mga apat na pinagpatonpatong na tao.

"Oh hello. You must be Brianna?" Tanong ng isang babaeng napakaganda. Parang 30's lang siya. Ambata naman ng pricipal. But Im thankful dahil mukha siyang mabait.

"Ahm Fred pwede ka nang umalis." Sabi niya dun sa lalaki at lumabas na yung lalaki. Tinignan ako nung principal at ngumiti.       "Ahm... Im Brianna Diaz. Im new here so..."  Sa sobrang hiya ko ay di ko na natuloy. She chuckled.   "Okay lang yan. I heard that you're the daughter of Sabrina Diaz. Madami siyang naitulong sa school na ito. And by the way what kind of monster are you? " tanong niya. Napatawa ako. Monster? I really know that she's joking. Pero habang tumatagal parang seryoso talaga siya sa tanong niya.

"I'm sorry but Im not a monster. Im a human. At hindi naman totoo ang mga monster na yan eh" sabi ko. Tumayo siya umikot ikot saakin na parang pinagaaralan ang buong pagkatao ko.

"Everybody has a wildside. In your condition, hindi mo pa nakikita kung anong klaseng halimaw ka." Umupo siya sa harapan ko.  "Listen Brianna. Everybody in this school is a monster. Ni isang tao ay pinagbabawal dito. Ang makapasok na tao ay pinapatay. So if your mother doesn't want you to die, why would she bring you here? Think twice Brianna. Naasikaso na ang enrollment mo so you can start tomorrow. You may leave" sabi niya.  Napatango na lang ako at lumabas. Think twice? Why would I think twice? Ayaw kong isipin na ako lang ang tao dito dahil nakakatakot talaga.

"Miss ihatid na kita sa room mo" sabi nung lalaki. Hinihintay niya talaga ako?   "Thank you" sabi ko.

Naglakad siya papuntang elevator. Guminhawa yung pakiramdam ko nung nakita ko na sa 3rd floor lang kami. Buti hindi sa pinakataas

Naglakad kami hanggang sa room 125. Ang laki talaga nitong building na ito. Ni di ko nga alam kung ilang rooms ang nasa bawat floor.

"Dito na po yung room niyo. May roommate ka kaya knock first" sabi nung lalaki at umalis na.

Hmmmm. Sino kaya yung roommate ko?

*knock knock*

Wala pang tatlong segundo ay may nagbukas na.

"Hello!!! Ikaw ba yung roommate ko?"  tanong niya







...







Bakit lalaki yung roommate ko?





Tumango lang ako at hinila na niya ako sa kwarto.

"Ako si Prince! Hayaan mo good boy ako di katulad ni Jrek. Pero good boy talaga ako"  sunodsunod na sabi niya. Nagulat talaga ako sa ginawa niya perl at least mukha siyang tao. And who is jrek?

"A-ako si Brianna"  sabi ko

Napataas yung kilay niya. "Brian?"  tanong niya

"Brianna"  ulit ko







"... Brain?!"  Napapakamot na siya sa ulo niya.

"Brianna!"  napasigaw na lang ako

"Brina na nga lang! Haba haba ng pangalan mo -_-"  sabi niya

Nilibot ko yung mata ko. Wow! Parang hotel! More than that. May sariling sala at kusina dito parang sa bahay lang!

"Dun pala yung kwarto mo. Saakin yung sa kabila at yung isa dun ay yung CR" sabi niya

Tumango lang ulit ako. Di talaga ako sanay sa mga tao

"BTW anong monster ka?" tanong niya. Nanlaki agad yung mata ko. This question again?

"Monster? Im a cute human being"  sabi ko

"No way! Kung human ka edi dapat di ka nakapasok dito sa school" sabi niya habang tumatawa

What?!

"Like monster ka talaga" sabi ko in a joke manner

Tumango lang siya at biglang.....

.

.

.

.

.




"What are you....."

Naging bato yung katawan niya. Sobrang matcho talaga pero nakakatakot. I cant see his pupil because color red yung mata niya



At nahimatay ako sa sobrang takot.


(itutuloy...)

Monster's adventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon